Chapter three

84 5 0
                                    

Araw ng game.

Nagmamadali akong pumunta sa gym para manood ng actual game nila Loui at Gerald. Sabi ni Marie sa akin duon na lang daw kami magkita sa gym para daw kung sino ang mauuna sa amin magsesave ng magandang pwesto. Nung papunta na ako dun may nakabunggo akong isang matangkad at gwapong lalake. Sa school kasi namin gaganapin ang laro nila.

“Aray. Ang sakit nun ha.”

 “Miss, ok ka lang ba?”

 “Mukha ba akong ok? Tignan mo nga napaupo ako sa pagkakabangga ko sa iyo. Ang tangkad mo kasi eh.”

 “Sorry Miss.”

 “Hindi, ok lang. kasalanan ko naman eh. Sa kamamadali ko hindi kita napansin kaagad.”

 “Sa laki kong ito hindi mo ako napansin kaagad.”

 “Eh sa nagmamadali nga ako eh.”

 “Sige na nga. Tsaka nga pala. I’m John. And you are?”

 “I’m Elisse.”

 “Well Elisse. It’s nice to meet you.”

 “Ganun din ako. Teka, ang jersey mong suot. Basketball player ka?”

“Oo. Hindi ba halata sa tangkad kong ito.”

 “Kung ganun yung school ninyo ang makakalaban nang school namin.”

 “Ganun na nga. Sige alis na ako malapit na kasing magsimula ang game namin eh. See you later, Elisse.”

 “Ok.”

 Pagkatapos non pumunta na rin ako sa gym at nakita ko si Marie na nakaupo na sa may unahan. Linapitan ko siya at umupo na rin ako sa tabi niya.

 “Marie.”

“O, ba’t ngayon ka lang? Ba’t ang tagal mo? Saan ka galing?” sunud-sunod na tanong sa akin ni Marie nung naupo na ako sa tabi niya.

 “Pasensiya na ha. May nabunggo kasi ako kanina, sa kamamadali ko. Player nga siya ng basketball sa kabilang school eh.”

 “Ah! Ganun ba. Eh ba’t naman natagalan ka? Magsosorry ka lang sa nakabunggo mo natagalan ka na.”

 “Medyo nakipagkwentuhan pa ako sa kanya eh.”

 “So, tinanong mo ang pangalan niya.”

 “Hindi, pero siya ang unang nagbigay sa akin ng pangalan niya.”

 “So, ano naman daw ang pangalan niya?”

 “John daw ang pangalan niya. Ayan magsisimula na ang laro.”

 Nung magsisimula na ang laro bigla na lang umingay sa loob ng gym. Hindi na nga kami halos nagkakarinigan ni Marie sa loob ng gym sa sobrang lakas ng tili ng mga babaeng nanonood. Kanya-kanyang banggit ng pangalan tapos sasabayan pa nila ng tili. Tinuro ko na rin kay Marie kung sino si John.

 “Gwapo siya at ang tangkad pa niya.”

 “Oo nga eh.”

 “Kaya pala natagalan ka sa pakikipagkwentuhan sa kanya.”

 “Hindi naman.”

 “Hay, ang ingay talaga noh. Ganito pala kapag actual game na.”

 “Oo nga, mukhang one-fourth lang ang ibinibigay nilang sigaw kapag may practice at ang natitira ay ibinibigay nila dito sa game.”

 “Oo nga, kada makakashoot ang team na gusto nila tumitili sila ng ubod na lakas. Nakakasira ng eardrums.”

 “Oo”

Nang matapos ang game. Labis na natuwa ang school namin kasi ang team nila Loui ang nanalo. Lamang lang ang school namin ng four points. Sa labas na ng gym namin hinintay sila Loui. Nasa locker room kasi sila at nagbibihis. Habang hinihintay namin sila. Biglang dumaan sa harap namin ang team ng kalaban at nakita ko ulit si John at binati niya ako.

 “Hi, Elisse.”

 “Hi! John tsaka nga pala friend ko si Marie.”

 “Hello, Marie.”

 “Hello din sa iyo, John.”

 “Bakit hindi pa kayo umuuwi? Gabi na ha at tapos na rin ang game.”

 “May hinihintay lang kami eh.”

“Sino? Mga boyfriend ninyo?”

 “Hindi ha. Mga kaibigan lang namin. Player din sila ng basketball. Sila yung number 10 at 18.”

 “Ah! Sila pala. Alam mo. Magagaling sila halos silang dalawa nga lang ang nakakapagpascore sa team nila eh.”

 Habang nakikipagkwentuhan kami kay John biglang dumating sila Loui at Gerald.

 “Elisse, halika na, uwi na tayo.”

 “Ok. Bye, John.” Sabay sabi namin ni Marie.

 “Bye din sa inyo, Elisse, Marie.”

 “Ba’t kilala ninyo ang mokong na iyon?” tanong ni Gerald.

 “Sinong mokong naman ang tinutukoy mo diyan?” tanong ko naman.

 “Edi sino pa? Yung kausap ninyo kanina.” Tanong ni Loui.

 “Hindi mokong ang pangalan non kundi John.” Sabi ni Marie

 “Whatever? Wala kaming pakeelam kung ano ang pangalan niya. Ang tanong namin ang sagutin ninyo. Paano niyo nakilala ang taong yon.”

“Nakabunggo siya kanina ni Elisse habang papunta sa gym. O, ayan nasagot na namin ang tanong ninyo. Pwede niyo na ba kami tantanan sa kakatanung ninyo.”

 Pagkatapos sabihin iyon ni Marie nanahimik na lang kami. At nagkanya kanya ng way pauwi. Sila Marie at Gerald ay pareho ng way pauwi sa kanila kaya sabay silang umuwi tapos kaming dalawa ni Loui. Habang tinatahak namin ang daan pauwi napansin ko na ang tahimik ni Loui. Kaya tumahimik na rin ako.

I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon