Chapter thirteen

84 5 0
                                    

Pagpasok ko sa school iba ang bumungad sa akin. Ang tsismis na kinalat nila Anna at Liza pero hindi ko na lang iyon pinansin maski si Loui ay hindi ko pinansin. Dumeretso na lang ako sa room at nakita ko si Marie na nakashade din katulad ko.

 “Bad morning.” Bati ko kay Marie.

“Bad morning din.” Balik bati sa akin ni Marie.

“Kamusta?” sabay naming tanong.

“Eto, namamaga ang mga mata sa kakaiyak kaya nga ako nakashade eh.” Sabi ko kay Marie.

“Ganun din ako.” sabi naman ni Marie.

“Huwag na lang natin silang pansin. Alam naman natin ang totoo eh. Magsasawa din sila sa tsismis na nilikha nila.” Sabi ko.

“Oo nga. Pati sila Loui at Gerald ay huwag na lang natin pansinin. Hindi ko talaga alam na ganun pala kaliit ang tingin nila sa atin.” Sabi ni Marie.

 “Oo nga.”  Sabi ko.

 “So, paano? Kalimutan na lang natin ang lahat ng mga masasamang nangyaring ito. Huwag tayong paaapekto sa kanila. Back to normal na rin tayo.” Sabi ni Marie.

 “Yan na nga ang magandang magagawa natin sa ngayon.” Sabi ko.

 Kaya ang ginawa namin. Hindi namin pinansin ang mga tsismis. Bumalik kami sa dati naming ginagawa kahit na nagpaparinig ulit sila Anna at Liza ay hindi pa rin namin pinapansin parang hindi sila nag-eexist sa mundo namin ngayon dahil kami lang ni Marie ang nagkakaintindihan at wala ng iba pa.

 “Hay naku! Ang lakas pa nilang pumasok dito sa school pagkatapos ng gulo na ginawa nila nung Friday.” Sabi ni Anna.

 “Oo nga. Hindi na sila nahiya.” Sabi ni Liza.

 Nasa canteen kami ngayon at kumakain na parang walang nangyari ng magsimulang magparinig ulit sila Anna at Liza kasama nila sa canteen sina Loui at Gerald na tahimik lang na nakikinig.

 “Elisse, mamasyal tayo mamaya yayain natin sila John at Carl na magkaraoke ulit.”  Sabi ni Marie.

 “Sige, tatawagan ko na si John. Para masundo na nila tayo.” Sabi ko.

 Tinawagan ko si John.

 “Hello, John.”

 “Pwede bang mamaya sunduin mo kami dito sa school. magkaraoke ulit tayo.”

 “Hihintayin ka namin ha. Mamayang uwian. Sabay na tayo pumunta sa karaokehan.”

 “Sige.”

 “Bye.”

 Pagkatapos kong i-off ang cellphone ko tinanong kaagad ako ni Marie kung ano na ang nangyari sa pag-uusap namin.

 “Oo daw. Susunduin daw nila tayo para sabay na tayo pumunta sa karaokehan.” Sabi ko.

 Hindi na namin pinansin ang mga naging expression nila Loui, Gerald, Anna at Liza nang matapos akong makipag-usap kay John.

 “So, mag-eenjoy na naman tayo mamaya. Naku, mukhang ihahanda ko na naman ang mga tenga ko sa iyo.” Sabi ni Marie.

 “Ang sama mo naman. Hindi naman ganoon kapangit ang boses ko para hindi mo pakinggan.” Sabi ko.

 “Joke lang, ikaw naman. Binibiro ka lang eh sineryoso mo naman.” Sabi ni Marie.

 Pagkatapos non nagtawanan na kami wala kaming pakeelam sa mga estudyanteng nakatingin sa amin.

 “Hay naku! Gagawa na naman ng milagro ang mga yan.” Parinig ulit ni Anna.

I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon