Araw ng laban. Katulad ng sinabi nila tinambakan nila ang kanilang mga kalaban at katulad ng dati halos babae ang mga nanonood sa basketball na may mga kasamang tili at sinisigaw din nila ang pangalan ng mga gusto nilang team. Bawat nakakashoot sila Loui at Gerald ay tumitingin sila sa amin tapos sabay sinisigaw na "Para sa iyo ang shoot na iyon".
Nang matapos ang laro. Sinabi nila sa amin na "Ano tinupad namin ang pangako namin na tatambakan namin ang ating kalaban kaya pwede niyo na ba kaming sagutin."
Kaya nung araw na iyon ay sinagot na namin sila at ng uwian nagcelebrate kami sa pagkapanalo ng team nila. Kami-kami lang. Ang mga kasama ay sila John at Anna, Carl at Liza, Gerald at Marie, Loui at ako. Magkaibigan na kami nila Anna at Liza kaya lagi na kaming magkasamang kumain ng lunch at kapag uwian ay nagkakaraoke kami. Hinahatid na lang kami ng boys sa aming mga bahay.
Isang buwan na ang nakalilipas nang sagutin namin ang boys nung matapos na girlfriend na nila kami sa araw ng first month anniversary namin nang may mapansin akong hindi maganda sa mga ikinikilos ni Loui. Kaya tinanong ko siya kung may problema ba siya ang lagi lang niyang sinasagot ay wala akong problema namimiss lang kita samantala lagi naman kaming nagkikita sa school. Nung pauwi na sana kami galing school ay may sinabi sa akin si Loui. Elisse mamaya magbihis ka ha magdedate tayo kasi first month anniversary natin ngayon.
"Sige. Anong oras ba yun." Tanong ko na lang sa kanya.
"Mamayang 7 pm susunduin kita."
"Sige."
Pagkatapos kong sabihin yun ay pumasok na ako sa bahay at naghahanda na ako sa date namin ni Loui kasi first time naming magdedate nang kami lang as in magboyfriend/girlfriend kaya excited na akong dumating ang 7 pm.
Eksaktong 7 ay nagdodoorbell na si Loui sa bahay namin. Nang nasa sasakyan na ako ay bigla akong kinabahan nang hindi ko alam kung bakit kaya tahimik lang ako sa sasakyan at hindi mapakali. Dinala ako ni Loui sa isang mamahaling restaurant.
"Loui mahal dito ha bakit tayo nandito sa mamahaling restaurant pwede naman tayo sa mumurahin eh hindi naman ako namimili nang lugar. Basta kasama kita sa first month anniversary natin ay ok na sa akin."
"Especial kasi ang araw na to kaya dito kita dinala kahit na mahal pa ito. Gusto ko kasing maging memorable ang ating anniversary kaya dinala kita dito."
Pagkasabi ni Loui non ay biglang akong nagblush lalo na at bigla niya akong hinalikan sa pisngi.
"Halika na nga at baka hindi matuloy ang date natin at baka itanan pa kita."
Mas lalo akong nagblush sa sinabi niya. Kaya nagpatianod na lang ako sa kanya at pumasok sa restaurant. Nang makapasok kami sa restaurant ay mas lalo akong ginabahan sa hindi kong mawaring dahilan kaya tinanong ko na lang ulit si Loui.
"Loui ba't naman ang dilim bukod pa dun ba't tayo lang ang nandito asan ang ibang customer?"
Ang nandito lang kasi sa restaurant ay mga waiter/waitress at yung mga chef.
"Huwag kang mag-alala rinent ko ang buong restaurant kaya tayo lang ang nandito."
"Ha! Ba't mo naman ginawa yun edi naubos ang iyong allowance niyan?"
"Okay lang yun. Gagawin ko ang lahat para sa special someone ko at ikaw yun."
Natouch ako sa sinabi niya. Nang makaupo na kami ay lumapit ang isang waiter at sinerve na ang mga pagkain namin. Habang kumakain kami ay may tumugtog na violin na siyang ikinagulat ko nang matapos na kaming kumain ay yinaya niya akong sumayaw. Habang nagsasayaw kami ay hindi ko maiwasan na kiligin sa mga ikinikilos ni Loui lalo na nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko na mas lalo kong ikinagulat.
"Loui anong ginagawa mo tumayo ka nga diyan? Nakakahiya buti na lang tayong dalawa lang ang tao dito."
Pero hindi ako pinakinggan ni Loui at patuloy pa rin siya sa kanyang ginagagawa. Tumingin lang siya sa akin at pagkatapos ay may kinuha siyang isang maliit na box sa kanyang bulsa at sabay sabing "Please marry me."
Hindi ako agad nakapagreact dahil sa sobrang gulat. Pagkalipas nang ilang minuto tsaka lang nagprocess sa akin ang mga sinabi ni Loui.
"Loui masyado pa tayong bata ni hindi pa nga tayo tapos mag-aral eh."
"Hindi ko naman sinabi na ngayon na tayong magpapakasal eh. Siyempre tatapusin muna natin ang ating pag-aaral para naman may maipagmamalaki tayo sa ating magiging anak in the near future kaya huwag kang mag-alala."
Tinitigan ko lang si Loui nang matagal pagkatapos tsaka kong sinabi sa kanya na "Oo, pakakakasal ako sa iyo dahil gusto kong ikaw ang lalaking makakasama ko sa aking pagtanda." Pagkasabi ko non sa kanya ay biglang lumiwanag at nakita kong isa isang nagsilabasan ang mga kaibigan namin kasama na rin ang mga magulang namin. Nakangiti silang lahat habang napalakpak yung mga magulang naman namin ay umiiyak sa sobrang kaligayahan. Dahil sa hindi ko to inaasahan ay hindi ko na rin mapigilan ang umiyak sa harap nila.
"Nakakainis ka talaga. Sobra akong natouch sa ginawa mo kaya pala wala sila mommy at daddy sa bahay yun pala ay kinasabwat mo sa mga kalokohang ito."
"Sweetheart hindi naman kalokohan ang pag-aalok ko sayo nang kasal sa harap nang mga mahal natin sa buhay gusto ko kasing maging saksi sila sa pagpropropose ko sa iyo."
Pagkatapos sabihin sa akin nun ay bigla akong napayakap kay Loui sa sobrang tuwa. Habang yakap ko si Loui ay biglang tumikhim ang ama ni Loui at biglang sinabi na "Anak may utang ka sa akin ha."
"Huwag kang mag-alala dad babayaran din kita kapag nakahanap na ako nang magandang trabaho."
"Aasahan ko yan."
"Opo dad."
"So paano iha welcome sa aming pamilya sana mabigyan niyo kami nang maraming apo pagdating nang tamang oras.'
"Don't worry dad tutuparin ko ang hiling mo ano ba ang gusto mo isang basketball team ba pagbibigyan kita."
Sa sinabing yun ni Loui ay bigla ko na lang siya kinurot sa tagiliran niya dahil sa sobrang kahihiyan.
"Grabe ka Loui gagawin mo pa palang losyang ang kaibigan ko nang dahil sa kamanyakan na iniisip mo eh." Sabi naman ni Marie na siyang ikinatawa nang mga tao na nasa restaurant.
"Hindi naman gusto ko lang iparating sa inyong lahat kung gaano ko kamahal si Elisse kaya kahit ilang anak ay bibigyan ko siya."
Nang matapos sabihin yun ni Loui ay yinaya na niyang kumain ang mga kasama namin sa restaurant. Pagkatapos non ay umalis na kami sa restaurant na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na engage na kami ni Loui gayong isang buwang pa lang kami nang maging kami bilang mag-on at ngayon hindi ko nang masasabi na "I'm inlove with my Bestfriend" dahil ngayon ang masasabi ko lang ay "I'm engage with my Bestfriend" dahil hindi magtatagal ay ikakasal na kami at magkakaroon nang mga anak.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Bestfriend
Teen FictionThis story is about the two childhood friend who fell in love with each other.