Chapter four

99 6 0
                                    

Kinabukasan.

 Sinundo ulit ako ni Loui para sabay na kami pumasok. Sa pagpasok namin nadatnan na naman namin ang tinatawag nilang Loui fans club. Yung president ng Loui fans club ay matagal nang may gusto kay Loui. Kaklase ko siya nung elementary pa lang kami at inggit na inggit siya sa akin kasi daw lagi kong kasama si Loui kahit saan man ako magpunta kaya lagi niya akong inaaway. At ngayon nakita nanaman niya kami na magkasama sa pagpasok kaya tiyak na uusok nanaman ang ilong niya sa galit sa akin. Ang tawag nga nila kay Loui ay “Prince Loui” mukha daw kasi siyang prinsipe.

 “Good morning, Prince Loui.” Sabi ni Marissa ang president ng Loui fans club.

 “Good morning, Prince Loui.” Sabay sabay na bati ng mga miyembro ng Loui fans club.

 “Good morning din sa inyo, Ladies.”

 Pagkasabi non ni Loui ay sabay sabay silang humiyaw. May hinimatay pa nga eh. Masyado naman silang OA. Binati lang sila ni Loui eh nagkakaganun na sila. Ano kaya ang pinakain ni Loui sa mga babaeng ito at nagkakandarapa na mapansin sila.

 Nung makarating ako sa room namin. Nakita ko na agad si Marie na nagbabasa ng libro.

 “Good morning, Marie.”

 “Good morning din sa iyo, Elisse.”

“Hay naku! Alam mo ba kanina nakita ko nanaman ang Loui fans club. Tiyak na susugod na naman sa akin itong si Marissa dahil kasama ko na naman si Loui sa pagpasok.”

 “Hayaan mo na lang si Marissa palibhasa hindi siya pinapansin ni Loui eh.”

 “Ikaw hindi ka ba inaaway ng Gerald fans club.”

 Katulad ni Loui meron ding fans club si Gerald kasi pareho naman silang heartthrob sa school namin.

 “Hindi, ba’t naman nila ako aawayin?”

 “Eh diba may gusto ka kay Gerald.” Bulong ko sa kanya.

 “Sssh. Huwag kang maingay baka may makarinig sa iyo at dumugin pa ako ng fans club ni Gerald.”

 “Ok.”

 Hindi nagtagal nakita ko na ngang pumasok si Marissa sa room at talagang galit na galit nanaman sa akin.

“Elisse, bakit kasama mo nanaman ang Prince Loui namin?”

“Sinundo niya ako sa bahay eh. At tsaka lagi naman kaming sumabay pumasok ha. Wala nang bago don.”

 “Dapat tinanggihan mo siya na hindi ka na sasabay sa pagpasok sa kanya.”

“Ang mama ko naman ang nagsabi kay Loui na sabay na kami pumasok kasi nga magkaibigan ang mga magulang namin nung highschool pa lang sila. Kaya lagi akong inihahabilin ng mama ko kay Loui.”

 “Kahit na ba hindi porket magkaibigan ang mga magulang ninyo ay ganun din kayo kadikit.”

 “Teka lang bakit ba nagpuputok ka sa galit ha. Ano ba ang ikinagagalit mo diyan. Na ako ay laging kasama ni Loui kahit san man siya magpunta o yung lagi ko siyang kausap. Kung iyon lang ang ikinagagalit mo bakit hindi ka lumapit sa kanya at kausapin siya para manahimik ka na at huwag mo na akong guluhin pa.”

 “Akala mo ba ganun kadali lang iyon, kung sa inyo ganung kadali lang iyon, sa amin, hindi.”

 Pagkasabi non ni Marissa bigla na lang sumulpot si Loui sa room namin.

 “O, anong meron dito?” tanong ni Loui.

 “Wala naman. Bakit ka ba nandito?” tanong ko sa kanya.

I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon