Chapter eleven

77 6 0
                                    

Saturday. Araw kung kelan napag-usapan na kakain kami sa labas ng sama-sama. Si Loui ay sinundo si Anna at ako naman ay sinundo ni John. Sa restaurant na lang daw kami magkikita-kita. At ang oras ng napag-usapan namin ay bandang lunch para mahaba ang aming kwentuhan.

 Nang makarating kami sa restaurant ay nandoon na silang lahat at kami na lang ang hinihintay. Umorder muna kami bago kami nagsimulang mag-uusap-usap. Parang ang mga lalaki lang ang nag-uusap-usap kasi kaming mga babae ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

 “So, seryoso ba kayo sa kanila?” pagtatanong ni Loui kila John.”

 “Oo naman.” Sabi ni John.

 “Hindi niyo sila lolokohin?” tanong naman ni Gerald.

 “Hindi. Ba’t naman namin sila lolokohin?” Sagot naman ni Carl.

 “Siguraduhin niyo yan dahil kapag linoko niyo sila, sa amin kayo mananagot.” Sabi ni Loui.

 Habang nag-uusap sila napansin namin ni Marie na parang galit na galit sila Loui kina John. Para silang nagseselos kila John at ganun din sila Anna at Liza. Kung totoong nagseselos sila ibig sabihin totoo ang mga sinabi sa amin nila John na may gusto sa amin sila Loui at hindi lang namin ito napapansin. At ibig din sabihin na nagtagumpay kami sa aming plano na pagselosis silang apat. Para lalong pagselosin sila Loui at Gerald ang ginawa namin ni Marie ay nagsweet-sweetan kina John at Carl.

 “O, siya, tama na nga yang usapan na yan. Ba’t hindi na lang muna tayo kumain tapos tsaka na lang ninyo ituloy ang inyong kwentuhan? Hindi ba, Marie?” sabi ko sa kanila.

“Oo nga naman. Hindi tayo matatapos kumain niyan kung kada subo niyo ng inyong pagkain eh may nagsasalita sa inyo.” sabi ni Marie.

 “Ay, Sweetheart, diba, gusto mo to. Gusto mo subuan kita. Para mas lalo ka pang ganaan kumain.” Sabi ko kay John.

Ganun ang ginawa ni Marie kay Carl. Nakiride naman sa amin sila John at Carl. Nang palihim kaming tumingin kina Loui, Gerald, Liza at Anna ay biglang nagbago ang expression nila parang galit na galit na talaga sila sa amin. Iba na kasi ang mga tingin na ipinupukol nila sa amin kaya ang ginawa namin ay mas lalo pa naming pinagbutihan ang pagpapaselos sa kanila. Nung nagyayaan na kaming umuwi imbes na si John ang naghatid sa akin ay si Loui kasi sabi niya iisa lang daw ang way na uuwian namin kaya siya na lang daw ang maghahatid sa akin pauwi at pumayag naman dun si John. At ganun din ang kay Marie imbes na Carl ang naghatid sa kanya ay si Gerald ang naghatid tapos ang hinatid nila John at Carl ay sina Anna at Liza. Habang pauwi kami ni Loui ay tahimik lang siya hindi man lang niya ako kinausap kahit saglit o tinanong man lang.

I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon