Ilang linggo na ang nakakaraan nang huli kaming mag-usap ni John. Nang bigla na lang siyang tumawag at niyayaya niya akong makipagdate sa kanya.
Nakabihis na ako nang biglang dumating si Loui.
“Saan ka pupunta, Elisse at mukhang bihis na bihis ka? May date ka ba ngayon?”
“Diyan lang sa tabi-tabi.”
“Anong diyan lang sa tabi-tabi? Meron bang pupunta diyan lang sa tabi-tabi ng bihis na bihis.”
“Ok. Sige na. Sasabihin ko na. May date nga kami ni John ngayon. O, ayan masaya ka na? nasagot ko na ang tanong mo.”
“At kelan pa kayo nagsimula na lumabas?”
“Ngayon lang kami lalabas. At tsaka ba’t ang dami mong tanong? Daig mo pa si mama sa pagtatanong sa akin ha.”
“Concern lang ako sa iyo kaya ako nagtatanong nang ganito. Hindi mo naman kasi gaano kakilala ang John na yan eh tapos pumayag ka na kaagad na makipagdate sa kanya.”
“Huwag kang mag-alala hindi naman ako sasama sa kanya kung alam ko na may binabalak siya sa akin na masama eh.”
“Yun na nga ang point ko. Hindi mo alam kung may binabalak siya sa iyong masama. Kailangan mo pa bang malaman muna na may masama siyang balak sa iyo para layuan mo na siya kaagad.”
“Hindi naman sa ganun. Paano ko siya makikilala ng lubusan kung hindi ko siya pagbibigyan ng pagkakataon na makilala namin ang isa’t isa.”
“Bahala ka. Pero sa oras na umiyak ka ng dahil sa lalaking yan. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya.”
“Opo. Huwag po kayong mag-alala kapag may masama siyang balak sa akin ikaw agad ang una kong kokontakin.”
“Sige. Mukhang ayan na ang sundo mo.”
“Sige, daig mo pa talaga ang mga magulang ko sa paghahabilin sa akin eh.”
Lumabas na ako at nakita ko na si John. Kaya lang bago ako makalapit sa kanya hinawakan muna ako sa kamay ni Loui at sinabing dito ka muna ako muna ang kakausap sa kanya. Pinagbigyan ko na lang siya sa gusto niya kaya lang hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Nang matapos ang pag-uusap nila umalis na kami ni John. Dinala niya ako sa EK at don kami namasyal. Sa EK kung anu-ano na lang ang sinakyan namin. Lahat ay sinakyan namin at labis akong nag-enjoy sa company niya. Marami rin kaming napagkukuwentuhan kapag mahaba ang pila sa mga rides. Hatinggabi na kami nakauwi sa bahay kasi hinintay pa namin ang fireworks. Nung mahatid na niya ako hindi ko alam na naghihintay pala sa akin si Loui.
“Bakit ngayon ka lang?”
“Loui, pwede ba bukas na lang tayo mag-usap sa school. Pagod na ako at maaga pa ako gigising bukas.”
“Yun na nga eh maaga pa pasok natin bukas tapos nagpagabi ka pa ng uwi.”
“Bukas mo na nga lang ako sermunan. Dahil pagod na talaga ako eh.”
“Sige, magpahinga ka na at bukas na lang kita kakausapin.”
“Ok. Good night.”
“Good night.”
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Bestfriend
Teen FictionThis story is about the two childhood friend who fell in love with each other.