Janina.
"Nina, gising na po." Gumulong ako sa kama nang may yumugyog sa 'kin habang natutulog. "Uy! Gising na." Mahinang hampas na ang natanggap ko mula kay Ate Cyra kaya naman bumangon na ako sa higaan ko.
"Ano'ng oras na Ate?" tanong ko bago pumasok sa banyo.
"6:30 na," sagot nito.
"What?!" Napasigaw na lang ako dahil sa gulat. Tanghali na pala at napasarap ang tulog ko. Ano ba naman 'yan!
"Bilisan mo na, tanghali ka na," sambit ni Ate bago ko marinig ang pagsarado ng pinto ng kwarto ko.
Nagmamadali akong gumayak para makapasok sa school. Hindi ko na pinansin ang oras at nagmamadali akong lumabas ng bahay pagkatapos kong gumayak. Araw-araw akong late kaya wala nang bago. Parang daily routine ko na ang pagising ng tanghali at pagiging late sa school.
Tinignan ko ang wristwatch ko pagdating ko sa classroom. Twenty minutes late na ako pero wala pa ang teacher namin. Ang ikinakatakot ko lang ay baka nagsisimula na ang contest sa pagsulat ng sanaysay.
"Nina, nagsisimula na 'yung contest," narinig kong sabi ng president ng classroom namin.
Nagmamadali akong tumayo ay binitbit ang bag ko palabas ng classroom. Kailangan kong makaabot sa contest dahil mahalaga para sa 'kin 'yon. Isa ako sa miyembro ng journalism sa school namin. Isa akong sports writer sa school journal namin at dyaryo.
Nagmamadali akong pumunta sa perspective room kung saan magaganap ang contest. Nakita kong nakaayos na ang lahat at nagsisimulang magsulat. Umupo na ako para magsulat. Ilang minuto na lamang ang natitira bago matapos ang contest kaya kailangan kong magmadali.
Sa pagmamadali ko ay nahulog ang ballpen ko. Nang pupulutin ko na ang ballpen ko ay biglang may sumipa nito. Inangat ko ang tingin ko para makita kung sino ang may gawa no'n.
Si Ken Louis?
Nanlaki ang mga mata ko nang ngisian n'ya ako. What!? What the hell is his problem?
Pinulot ko na ang ballpen kaso ay inaapakan n'ya ang kamay ko.
"Aray!"
"What's happening, Janina?"
Napaupo ako ng maayos nang marinig ko ang boses ng nagbabantay sa 'min.
"Wala po, ma'am," sagot.
Lumingon ako sa tabi ko nang makarinig ako ng mahinang pagtawa ni KL. Ano'ng karapatan n'yang pagtawanan ako? Nakakatuwa ba na mang-asar? Hindi naman 'di ba?
"Go, continue your works."
Pinulot ko na ang ballpen ko at padabog na nagsimula sa pagsulat. Hindi porket magaling s'ya sa larangan ng pagsulat ay aapihin na n'ya ako. Ano'ng karapatan n'ya? Huhu.
"Pass your papers."
Nagmamadali kong nilagyan ng pangalan ang papel ko nang magsalita na ang isang teacher. Sobrang nag-panic na ako dahil kailangan nang matapos ang isinusulat ko.
Nagmamadali akong naglakad sa harapan at ipinasa ang papel ko.
"Nina, bakit mo nilagyan ng pangalan?" tanong ng teacher na nagbabantay sa 'min.
Nakarinig ako ng mahinang tawa sa tabi ko at nilingon ko kung sino 'yon. Si KL na naman?! Ano bang problema n'ya at ang hilig n'yang tumawa sa pagkakamali ng iba?
"Kulang ka ba sa aruga?" tanong ko at tinaasan s'ya ng kilay.
"Ma'am, kulang daw kayo sa aruga sabi ni Nina," pagsusumbong ni KL.
"Ano ba'ng problema mo, huh?"
"Ma'am, ano raw po ang problema n'yo sabi ni Nina?"
Hindi ko na lang pinansin si KL at binura ko na lang ang pangalan ko sa papel ko. Nakakabuwiset talaga 'tong lalaking 'to. Lagi na lang n'ya akong pinagtitripan. Minsan mapapaisip ka na lang na kulang s'ya sa aruga, eh.
"You may go, we will announce the winner later. Thank you so much everyone."
Lumabas na ako para makapunta sa canteen. Hindi pa ako kumakain ng umagahan kaya kumukulo na ang tiyan ko. Kumain ako ng kumain na para bang wala ng bukas. Wala akong pakialam kahit may nakatingin na sa 'kin. Ano bang pakialam ko?
Tinanggal ko ang eyeglasses ko at pinunasan nang bahagya itong lumabo. Bakit ba kasi kailangan pang nakasalamin ako, eh? Sana lahat ng tao ay may malinaw na mata.
"Mag-isa ka lang?"
Nagulantang ako nang may magsalita sa tabi ko. Tinignan ko ng masama si Harry.
"Did I startled you?" he asked.
"Ay hindi! Hindi!" sarcastic kong sabi habang kumakain ng cheese stick.
BINABASA MO ANG
The Montenegro Brothers and I (Montenegro: Ken Louis)
Teen Fiction[Completed but Under Editing and Revising] Kahit kailan ay hinding-hindi ako maiinlove sa isa sa Montenegro brothers.