Janina.
"Anong ginawa nyo dito?" Muli kong tanong.
"E, kung papasukin mo nalang kaya kami dami pang satsat," pagrereklamo ni Jacob.
Seryoso? Seryoso bang nagsalita s'ya? Parang ngayon ko na lang ulit s'ya narinig na magsalita ah. Ang tipid pa naman nito na magsalita. Karaniwan one to three words lang 'yan magsalita. Record breaking!
"Nagsalita ka?"
"Ano ba sa tingin mo?" Binuksan ko nalang yung gate. Wait! Nakit ko nga ba binuksan yung gate? Isinara ko ulit yung gate.
"Hello Nina!" Bati ni Harry, may tumawag kasi sa kan'ya kaya si Jacob ang kausap ko kanina.
"Ano ba'ng ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Paulit-ulit ba? 'Di ba sinabi kong papasukin mo nalang kami at tama na ang satsat?" Pagrereklamo ni Jacob without any emotion.
Sanay na ako sa gan'yan n'yang pag-uugali. Sa lahat naman ng tao, gan'yan s'ya.
"Jacob, that's not the right way to treat a girl," sabi ni Harry.
"Babae ba s'ya? Sorry, akala ko kasi bakla."
"ANONG SABI MO?" Sigaw ko with full i tensity.
Wow. Hiyang-hiya naman ako sa kan'ya. Kung makapagsabi s'ya na bakla ako, bakit s'ya ba hindi? Pasalamat s'ya hindi kami close dahil kung hindi uupakan ko talaga s'ya.
Padabog kong binuksan ang gate at hinayaan kong mauna si Jacob sa loob. Kahit hindi ko s'ya kilala ay hinayaan ko na s'yang mauna dahil tutal nandito naman si Ken.
"Ano ba talaga ang ginagawa n'yo dito?" Tanong ko kay Harry habang naglalakad kami papasok ng bahay.
"Magpapatulong sana kami sa project, ya know our mind was full of something." Sagot ni Harry. Pasimpleng tumaas ang kilay ko. Seriously? They were here para lang magpatulong?
"Oh, may isa pa! Nina umamin ka nga, sino sa kanilang tatlo ang boyfriend mo?" Bungad ni Mama pagpasok ko sa loob.
"MA!"
"Wala ba talaga, sabagay sino ba naman magkakagusto sa 'yo?"
"MA NAMAN!"
Eto na naman po kami ni Mama. Rinig na rinig ko ang mahina nilang tawanan except Jacob. Siguro kung pati si Jacob tumawa, nashock ako sa sobrang gulat.
"Sige gumawa lang kayo ng project d'yan, ipaghahanda ko kayo ng meryenda."
"Tita naman 'wag na kayong mag-abala," sambit ni Harry.
"Bakit ayaw mo ba?" Tanong ko kay Harry.
"Gusto."
Nagsimula na kaming gumawa ng project, I mean ako lang pala. Si Jacob at Harry kasi nakatutok sa phone nila. Kung alam ko lang na tatambay lang sila dito sa bahay, edi sana hindi ko na sila pinapasok.
Tapos si Ken naman nakatutok sa laptop n'ya. As if naman gumagawa rin sya ng project kaya nakatutok s'ya sa laptop n'ya. Hindi naman mukhang maasahan 'tong si KL, e.
"Wait nga lang! Ano bang ginagawa n'yo ditong dalawa?" Tanong ni Ken kaya naman napahinto kaming lahat sa ginagawa namin.
"Ano bang pakialam mo?" Pagrereklamo ng dalawang lalaking 'to.
"Wala naman kayong naitutulong dito, e, umuwi nalang kaya kayo baka may maitulong pa kayo sa bahay," inis na sabi ni Ken habang nakatingin kay Jacob at Harry.
Bakit kaya hindi silang tatlo ang umuwi? Sila nga yung mga walang maitulong d'yan eh.
"Nagsalita ang may naitulong."
BINABASA MO ANG
The Montenegro Brothers and I (Montenegro: Ken Louis)
Teen Fiction[Completed but Under Editing and Revising] Kahit kailan ay hinding-hindi ako maiinlove sa isa sa Montenegro brothers.