Kabanata 2

1.5K 55 4
                                    

Janina.

Hinampas ako ni Harry sa balikat at saka inagaw ang kinakain ko. Inirapan ko naman s'ya at nagpatuloy ako sa pagkain.

“Ano'ng ginagawa mo rito? Ang epal mo talaga kahit kailan.”

“How's the contest?” tanong ni Harry at saka sumimsim sa inumin ko.

“Nando'n 'yung kapatid mo na si KL. Hindi ako natutuwa sa ugali n' ya ah. Ang hilig n'yang tumawa sa pagkakamali ng iba. How dare him!” pahayag ko at saka mahinang hinampas ang mesa.

“Sigurado ako na hindi mo makukuha ang first place.”

Tinignan ko ng masama si Harry dahil sa sinabi n'ya. Akala ba n'ya nakakatuwa ang sinabi n'ya?

“Ano pa nga ba ang bago? Sabihin mo nga d'yan kay KL, 'wag na s' yang sumali kasi parang nakakawalang gana nang sumali dahil s'ya na lang ang laging nananalo. Nawawalan ng trill ang contest, eh.”

“Ano'ng sabi mo?”

I thought it was Harry who answered. Pero hindi pala. It was KL who spoke.

“May sinasabi ka?” tanong pa ni KL.

Tumaas pa ng bahagya ang kilay n'ya na para bang may halong pang-iinis. Tinignan ko s'ya ng masama at saka ko s'ya inirapan. Ano'ng karapatan n'yang pagtawanan ako kanina? At paglolokohin sa harapan ng teacher kanina!

“Sino'ng kausap mo?” pang-aasar ko.

“Hoy! Tama na nga 'yan. Tara na Nina. Dami n'yong alam sa buhay n'yong dalawa.”

Lumabas kami ni Harry ng cafeteria at saka dumiretso sa classroom. May klase na kami at sigurado akong papagalitan na naman kami ng teacher namin dahil wala na naman kami sa room sa tamang oras.

“Nina?”

“Oh, bakit?” tanong ko nang magsalita si Harry out of nowhere habang naglalakad kami.

“Si KL, 'wag mo nang patulan. Wala na naman sigurong magawa sa buhay' yon, eh.”

Tumawa si Harry na kung saan mahahalata mo na tuwang-tuwa s'ya. Minsan hindi ko maintindihan 'tong si Harry. Pinagtatawanan n' ya talaga ang kapatid n'ya?

Hindi ko maintindihan si Harry. Pero the time na sinabi n'ya na hindi sila tunay na magkakapatid ng mga Montenegro, doon ko nakita na totoo talaga s'ya sa sarili n'ya. Hindi 'yon ang unang beses na sinabi n'ya sa 'kin kung ano ang sikreto n' ya. I just don't know kung ano ang pinaghuhugutan n'ya ng lahat. He can even smile kahit na alam kong may mabigat s'yang pinagdaraanan.

“Harry?”

“Ano na naman?” natatawa n'yang tanong.

“Remember noong sinabi mo sa 'kin na hindi kayo lahat tunay na magkakapatid?” tanong ko.

Nilingon n'ya ako at saka s'ya nagtatakang tumingin sa' kin habang nakataas ang kilay.

“Nagtataka lang ako kung magkaano-ano kayong lima?”

“Basta. 'Wag mo nang itanong, basta ang mahalaga ay importante.”

Inunanahan n' ya ako maglakad.

The Montenegro Brothers and I (Montenegro: Ken Louis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon