The Montenegro Brothers and I

3.5K 75 4
                                    

Short Description.

We may met by an accident or we may met by destiny. All of us has a destination. And as we travel into our life, what will be our destination? Are we destined to hurt or are we destined to be loved?

S'ya si Nina Madrigal. She's just a simple girl who just want to love and to be loved. She's related to the Montenegro Brothers. Paano nga ba n'ya malalaman kung sino sa Montenegro Brothers ang tunay n'yang kapatid? Hanggang kailan n'ya mapapanindigan ang "Kahit kailan hindi ako maiinlove sa isa sa mga Montenegro Brothers."

-

"Waaaaah!"

"Kyahh!"

"Omegesh!"

"Huhubels, andyan na sila."

"Ang hot nila!"

Puro sigawan. Paulit-ulit na pangalan. Walang katapusang tilian ng mga babae maging mga lalaki. Sa sigawan pa lang ay mahuhulaan ko na Montenegro brothers ang nasa lugar na 'yon. Mga feeling pogi naman 'yung iba. Buset!

Grabe ang sigawan at tilian ng mga babae. Parang puputok na ang mga ugat sa leeg nila kakasigaw sa mga lalaking 'yon na hindi naman kagusto-gusto.

Nandito ako sa isa sa mga corridor habang pinagmamasdan ang mga OA na estudyante habang nagkakandarapang lumalapit sa isang grupo ng mga kalalakihan. Ito talagang mga babaeng 'to, parang ngayon lang nakakita ng gwapo ganon? Alien ba?

"KL my loves pa-autograph ako,"sigaw ng isang babae at pagkatapos ay nilapitan si Ken Louis aka KL

Nagtitili yung babae habang bitbit ang isang album. Mukhang isa yata sya sa die hard fan ni KL at ngayon ay nagpapasign pa sya ng isang notebook.

Fan? Ano bang talent n'ya? Magpa-gwapo?

"Ken my loves pa autograph, please!"nag-pout pa yung babae pero hindi sya pinansin ni Ken.

"Stay away. I'm so sorry. You're just wasting my precious time,"sambit ni Ken kaya napa 'whoaah' ang mga tao sa paligid.

'Bakit? Did you deserve to be treaten like a king?'

"Magpapa-autograph lang naman ako Ken eh. Sandali lang 'to promise," pero nagpupumilit pa rin ang babae na 'yon na humingi ng pirma ni Ken.

Bakit ba s'ya humihingi ng pirma? Artista ba s'ya? May talent ba? Sus!

"How many times I will tell you na ayoko? Baliw ka ba ? O sadyang wala kang utak?"Grabe na ang pagpapahiya ni Ken kaya nagsisigawan na ang mga tao.

Nakakaawa na yung babae dahil halos napayuko na sya sa sobrang hiya dahil sa ginawa ni Ken.

Pero kung ako din naman ang tatanungin kasalanan nya rin 'yon dahil nagpumilit sya sa lalaking yun na imposibleng pansinin ang kung sino lang.

Si Ken Louis "KL" Montenegro ang tinatawag nila na pinakamaloko sa Montenegro brothers. Wala kasi syang puso minsan at sobrang sama rin daw ng ugali nya? Hindi ko s'ya laging maencounter dahil minsan lang naman s'ya makita ng mata ko.

Nakita namin na kinausap ni Grey si KL. 'Di na rin siguro nya maatim ang ginawang kalokohan ng kapatid nya or maybe sabihin nalang nating pagpapahiya ni KL doon kay ate girl.

Si Grey naman ang pinaka-matanda sa kanilang lima. S'ya rin daw yung pinaka-responsible, malay ko ba kung totoo? Pero marami nang nagpatunay? Mabait 'yan tapos maloko rin.

"Guys, I'm sorry dahil next time nalang ako magpapamigay ng Autograph, medyo busy pa kasi. But don't worry hindi ko naman kayo bibiguin." Sabi ni Harry at simpleng napatingin sa pwesto ko. 'Di naman sa pagmamayabang, best friend ko kasi ang lalaking yan na ubod ng kahanginan sa katawan.

Si Harry naman ang pinakahyper sa kanilang magkakapatid. Marunong syang mag-approach ng mga taong gusto s'yang makilala dahil nga may pagkafriendly s'ya at madaling i-approach.

"Jacob my loves!"

Wala namang reaksyon si Jacob dahil sya ang tinaguriang na The coldest guy kuno dahil minsan wala s'yang emosyon at silent type sya.

"Ian akin ka nalang kasi! Pakasalan mo na ako "

"I'm sorry pero wala akong balak na pakasalan ka. Wala pa 'kong balak na mag-asawa," sagot ni Ian.

Natawa tuloy ako dahil sa sagot nya. 'Di ko alam pero natawa talaga 'ko. Masyado kasing mga desperada ang mga babaeng nandito kaya kahit pagpapakasal ay isisigaw nila sa ngalan ng kakirihan.

Si Ian kasi ang pinaka-mabait sa kanilang lahat dahil hindi sya masungit.

Nice answer Nina!

Si Ian lang yata ang pinakamabait sa kanila. Ewan ko kung kapatid ba talaga nya ang apat na 'yon.

Habang nakatayo ako dito biglang may bumanga sa 'kin kaya diretso agad akong napaupo sa sahig ng corridor.

"I'm sorry, Janina," paghingi ng tawad ng babae with her sarcastic voice.

Aba!

"It's alright." Nakataas ang kilay kong sabi.

Oo ako si Janina Madrigal o Nina para mas madali. Hindi ako kasing ganda ng tulad ng inaakala nyo. Galing ako sa isang simpleng pamilya, 'di man ako nagmamay-ari ng mansyon, nagmamay-ari naman ako ng puso ko.

Pero isa lang ang lagi kong tinatandaan .

"Kahit kailan ay hinding hindi ako maiinlove sa isa sa mga Montenegro Brothers," bulong ko sa sarili ko.

I swear that I will never ever fall in love in any one of them.

×-----×-----×-----×

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Note: I currently editing TMBAI, so wag magugulat kung maraming maiiba. I warned you, dude. At wag magtataka kung bakit ang tagal mag-update.

PLAGIARISM IS A CRIME! Remember this.

The Montenegro Brothers and I
Written by: Aesthetic_Pen

All rights reserved © 2017

The Montenegro Brothers and I (Montenegro: Ken Louis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon