9: Hula lang?

1.3K 51 16
                                    

Janina.

"Bakit ano bang sasabihin mo?"

Nagpakawala s'ya ng isang malalim na buntong hininga bago magsalita.

"Nina gusto ko lang sabihin na---"

"Ehem." Muntik na akong mapatalon sa gukat nang biglang dumating ang ilan sa mga Montenegro Brothers.

Si Ian, Jacob, Grey at Ken.

"Anong ginagawa n'yo dito, huh?" Tanong ni Harry sa kanilang apat.

Can you spell Epal?

M.O.N.T.E.N.E.G.R.O B.R.O.T.H.E.R.S !

"Paki-alam mo?"

"Hoy, alam n'yo ba meron daw manghuhula doon, try kaya natin.Malay n'yo malaman natin kung ano ang future natin," nakangiting sabi ni Ken.

Naniniwala s'ya sa mga ganon? Hindi halata sa katawan n'ya, ah? Akala ko puro kaartehan lang ang meron s'ya.

Binatukan ni Ian si Ken kaya naman natawa nalang ako sa isip ko. Alam n'yo bang para silang mga batang nag-aasaran?

"Oo nga, I agree. Try natin." Napatingin sila sa 'kin.

"Sino ka?" Tanong ni Ian. "Oh wait
! Are you Janina? Ah, ikaw pala yung nalipat na nanggaling sa section A."

"Kamusta kayo?" Muntik na akong mapatalon dahil sa biglang pagsulpot ng isang matandang babae. Tapos sobrang creepy pa ng boses ni Lola.

Bigla n'yang hinawakan ang kamay ko at saka ito pumikit .Tatanggalin ko na sana ang kamay ko nang bigla s'yang magsalita.

"Aakalain mong mahal mo pa sya pero ang totoo ay nahuhulog ka na sa iba."

Tinanggal ko ang kamay kong hawak ng matandang babae. Ano daw ang sabi n'ya?

'Aakalain mong mahal mo pa s'ya pero ang totoo ay nahuhulog ka na sa iba'

Ano daw? 'Di ko naintindihan at tsaka sino naman ang mahal ko at kanino ako mahuhulog? Ang lalim naman ni Lola.

Hinawakan n'ya ang kamay ni Harry at saka din ito pumikit. Pati nga si Harry pumikit din, eh. Loko talaga!

"May mawawala sa 'yo pero pagdating ng panahon may darating pero hindi s'ya mapapasaiyo dahil may hahadlang, may mawawala. Makakalimutan mo ang una at tutulungan mong lumimot ang pangalawa."

Halatang nagtaka si Harry, parang hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ni Lola. Nakakatakot dahil may mawawala at sa pangalawa ay may mawawala ulit.

Sumunod naman si Grey.

"Mamahalin ka n'ya at dahil may mamahalin kang iba, makakalimutan mo s'ya. Pero tatandaan mo, kailangan mong mamili at magdesisyon ng maayos dahil kada pagkakamali ay magbabago ang ihip ng hangin."

Halatang nadismaya si Grey maging ako nga rin eh. Masyado ring nakakatakot ang sa kan'ya dahil kailangan n'yang magdesisyon ng tama.

Sumunod naman si Jacob.

"Maswerte ka dahil isang babaeng hindi perpekto at maraming pagkakamali ang makakapagpabalik sa tunay na ikaw. Pero tandaan mo, magkakakilala kayo sa paraang mapaglaro, paraang nakakasakit, paraan na mali."

Ano daw? Makakapagbalik sa tunay na Jacob Kyke? Bakit fake ba si Jacob? Nakakatakot naman 'yon! Maling paraan? Nakakasakit na paraan? Bakit masyadong mapaglaro? Bakit parang wala pa pero pakiramdam ko, masakit talaga?

Sumunod naman si KL na malawak ang ngiti sa mga labi. Akala siguro nito swerte s'ya.

"Kapag nahanap mo na ang para sa 'yo, 'wag mong papakawalan. Nakikita ko ang mangyayari sa panahong bumabagyo ng problema at pagsubok. 'Wag kang magkakamali ng desisyon, dahil kapag nagkamali ka, hindi lang ikaw ang masasaktan."

The Montenegro Brothers and I (Montenegro: Ken Louis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon