Janina.
"Bakit ka sumisigaw?" Walang emosyong tanong ni Jacob.
"MUKHA BA 'KONG SUMISIGAW HUH! MUKHA BA 'KONG NAGAGALIT? HINDI 'DI BA? HINDI." Tahimik ang mga tao sa paligid habang nakatingin sa 'kin. "ANONG TINITINGIN-TINGIN N'YO D'YAN?" Pagkasabi na pagkasabi ko pa lang noon ay biglang nagkilusan ang mga tao sa paligid.
"Umagang umaga, ang aga aga mong nag iingay," bulong ni Jacob habang may isinusulat sa notebook n'ya.
Aba aba! Baka nakakalimutan n'yang may atraso pa s'ya sa'kin?
"Nakakalimutan mo bang may atraso ka pa sa 'kin? Sabihan mo ba naman akong BAKLA? FYI, Babae ako, Babae ako!"
"Kasalanan ko bang akala ko bakla ka?" Mahinahon lang n'yang sabi pero ramdam ko ang pang-iinis n'ya.
So iniinis mo 'ko? Edi iinisin din kita, makita mo! Balang araw maiinis kita?!
Dahil katabi ko lang s'ya ay isinandal ko ang siko ko sa arm rest ng upuan n'ya at iniharap ko ang mukha ko sa kan'ya.
Magsisi ka ngayon.Bakla pala 'ko ah. Ikaw ang bakla! Aasarin kita!
"What's with that look?" Kunot-noo n'yang tanong.
"Bakla ka rin 'di ba?"
Kahit gustong-gusto ko nang tumawa ay pinipigilan ko ang sarili ko. Babawi pa 'ko sa lalaking 'to eh.
Napatitig ako sa mata n'ya. Infairness ah ang ganda ng mata n'yang kulay almond tapos parang kumikinang-kinang pa. Pero bakla naman! Hays.
"Alam ko 'yung gan'yang galawan." sobrang husky ng boses n'ya.
Anak ng tokwa and me! Bakit parang ako pa ang naaapektuhan sa ginagawa ko?
"Then you know what I'm going to do?" Tanong ko.
"Sasabihin n'yo na bakla ang mga lalaki just because you want to get kiss. Am i right?" Tanong n'ya.
"What?"
"Maraming babae na akong nakasalamuha na gan'yan ang sinasabi. And guess what? They didn't get what they want," sambit n'ya.
"Ha?"
"Acting like you didn't know, huh? Pretending that you don't have an idea?"
Wala na, nanahimik na ako. Wala akong masabi, eh. Ang plano ko lang naman ay asarin s'ya na bakla s'ya dahil napakaseryoso n'ya at laging cold ang expression n'ya pero ngayon sa 'kin napunta ang lahat. Ang hirap pala na asarin ang mga ganitong tao.
Napalingon ako nang makita kong papasok ng classroom si Harry.
"Harry." Tinawag ko s'ya pero 'di nya 'ko pinansin. Yung para bang invisible ako sa paningin n'ya at wala s'yang naririnig?
Ano kaya ang problema nito?
Umupo s'ya sa tabi ko kaya naman tinignan ko s'ya ng mabuti. Para s'yang wala sa sarili n'ya tapos kapag malapit ay kitang-kita ang eyebags n'ya. Blanhko ang mukha n'ya at parang wala na s'ya sa katinuan.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko. Hindi naman s'ya sumagot bagkus ay yumuko s'ya sa arm rest ng upuan n'ya.
What's with you Harry?
Hindi ko na rin s'ya pinansin buong maghapon hanggang sa mag uwian na. Bukod nga pala sa kan'ya ay hindi pumasok sa klase si KL. Nakita ko s'ya kaninang umaga pero 'di naman s'ya pumasok.
Pauwi na ako at habang naglalakad ako sa kalsada ay aksidenteng nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na tao.
"Grey Montenegro," bulong ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
The Montenegro Brothers and I (Montenegro: Ken Louis)
Novela Juvenil[Completed but Under Editing and Revising] Kahit kailan ay hinding-hindi ako maiinlove sa isa sa Montenegro brothers.