Janina.
"Hoy! ayusin mo 'yan, huh? Sige ingat ka sa pag-uwi, tanga ka pa naman." Binulong ko lang yung 'tanga ka pa naman' dahil siguradong sasamaan na naman n'ya ako ng tingin.
"Are you saying something, aren't you?"
"Ano sa tingin mo?"
"I heard you."
Narinig na, nagtanong pa. 'Yan talaga ang hirap sa mga pinoy. At 'yan ang hirap kay KL.
"Alis na bye!" Pagtataboy ko kay KL.
"You don't have any rights to speak on me in that way! FYI, Find your innerbrain, pfft. HAHAHAHA," ayan na naman po s'ya. Akala ko naka-move on na sya sa FYI thingy na 'yan, e. Bakit ba ang hirap intindihin ng isang ito? Minsan seryoso? Minsan tawa ng tawa?
"Ano ba ang problema mo, huh? Lumayas ka na nga dito! Lagi mo na lang akong inaasar sa FYI na 'yan." Isinara ko na yung gate para di na s'ya makabalik pa sa loob.
"You made my day." Tumawa lang sya ng tumawa kaya hinayaan ko na s'ya sa labas at pumasok na ako sa loob ng bahay.
Hindi ko naman talaga intensyon na maging gano'n sa kan'ya. And actually napaka feeling close n'ya. Wala akong masabi sa kan'ya, he's so annoying and bipolar.
"Argh! Kainis!"
"Problema mo girl?" Napalingon naman ako kay Ate Cyra, obviously ate ko s'ya. Graduating na si Ate Cyra, freelance model s'ya kaya naman walang-wala ako sa kagandahan n'ya.
Simple s'ya pero may dating.
Pero actually hindi ako naiinggit. Hindi ko rin pinangarap na maging katulad n'ya. Ang saya saya kaya na maging simple. No problems.
Make up? Lipstick? Blush on? Hindi mo ko mapapagamit n'yan. Hanggang lip balm lang ako, e.
Hindi ako komportable sa suot ng iba d'yan na kulang nalang mag-two piece nalang habang naglakakad sa kalye. Not all! Pero kasi parang ang ganda tignan ng babae na simple lang pero ang lakas ng dating.
Hindi 'yung ang bongga ng itsura pero malakas naman ang putok! Joke lang. Hahaha.
"Hoy!" Natauhan ako nang biglang magsalita si Ate Cyra. "Sabi ko, ano ang problema mo?" Tanong n'ya ulit.
"Ano ba Ate, wala wala wala."
"Alam mo ba may pumuntang tatlong lalaki dito," biglang sabi ni Mama habang naglalakad papalapit sa 'min.
Isa pa 'tong si Mama, e. Hindi ko alam kung bakit napakahilig mang-asar ni Mama. Yung tipong minsan nakakatuwa, madalas nakakainis.
"Yieee! Si Nina may boyfriend na!" Pang-aasar ni Ate Cyra at sinundot-sundot ang tagiliran ko.
"Sinong may boyfriend?" Napalingon naman kami kay Kuya James na kasalukuyang pababa ng hagdan.
"Sinong may boyfriend? Ikaw ba Nina? Ang bata-bata mo pa may boyfriend ka na, tapos kung sino sino lang. Dadaan muna yan sa 'kin yan wal---"
"KUYA, ANG OA NAMAN! WALA AKONG BOYFRIEND NANINIWALA KA NAMAN D'YAN KAY ATE." Sinamaan ko ng tingin si Ate Cyra.
"Hoy anong ako? Nagtanong lang ako, ah!"
"Bahala na nga kayo, akyat muna ako sa taas," paalam ko.
Ang gulo nilang kausap. Sobrang gulo!
Bigla namang nag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagmessage.
From: Unknown number
Nina!Sino ba 'to at kung makapag-text ay akala mo ay close kami?
BINABASA MO ANG
The Montenegro Brothers and I (Montenegro: Ken Louis)
أدب المراهقين[Completed but Under Editing and Revising] Kahit kailan ay hinding-hindi ako maiinlove sa isa sa Montenegro brothers.