7: Tutor

1K 39 0
                                    

Janina.

Papasok na ako sa room 'ko nang aksidenteng mahagip ng mata ko si Harry na nakaupo sa bench habang nakatulala.

Ano kayang problema ng kumag na 'to?

Lalapitan ko na sana s'ya nang biglang magsalita sa likuran ko.

"Hoy FYI!" Napalingon ako. Kahit hindi ako lumingon alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

"Tapos na ba yung chemistry?" Tanong ko kay KL.

"Not yet. Don't worry because I can handle it by.my.own" ipinagdiinan pa talaga n'ya 'yung 'by my own'. Edi s'ya na magaling!

"Yabang!" sambit ko at maglalakad na sana papunta sa pwesto ni Harry nang bigla na namang magsalita si KL.

"Wait, where are you going?"

Ken respeto naman oh! Bakit nageenglish ka na naman?

"Pupuntahan ko lang si Harry. Obvious ba?" Maglalakad na sana ulit ako nang bigla n'yang hawakan yung wrist ko.

Ano bang problema nito? Hindi ba s'ya nakainom ng maintenance n'ya? Bakit ba ang hilig n'ya akong pigilan?

"Not now, he's not already fine."

"Bakit ka ba nageenglish?" tanong ko.

Napatingin ako kay Harry. Bakit kaya gan'yan ang itsura n'ya ngayon? May nangyari bang hindi maganda? Bakit kaya hindi nagsasabi 'tong si Harry kung ano'ng meron sa kan'ya?

"Hey! I'm talking to you." Napalingon ako kay Ken na ngayon at masama ang tingin sa 'kin.

"Sige mauna na 'ko," paalam ko at nauna nang maglakad papunta sa classroom namin pero ramdam kong sinusundan n'ya 'ko.

Hindi naman sa feeler ako, kasi totoo namang sinusundan n'ya 'ko. At mukhang dahil gusto n'ya na naman akong pagtripan.

Naramdaman ko na lang na kasabay ko na s'ya at ngayon ay nasa tabi ko na s'ya.

"Sasabay ako."

"Ano bang problema mo?" Inis kong sabi.

"Sasabay lang naman, akala mo naman ang ganda ganda mo para mag inarte."

"Baka kung sino pa ang makakita sa 'tin. Wala akong maalala na close tayo. Hindi pwede, baka sabihin nila na nilalandi kita, as if naman totoo "

"Bakit hindi ba?" Proud n'yang sabi kaya nagulat talaga ako.

Binatukan ko sya. Full force, sagad! Para 'yan sa masamang ugali n'ya. Nilalandi to s'ya? Mamatay na ang lumandi sa kan'ya! Buwiset!

"Damn. Ang sakit non, huh?"

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin na nilalandi kita! FYI---"

"Pffft. HAHAHAHAHAHA." Hindi na naman n'ya ako pinatapos dahil tumawa na naman s'ya ng tumawa. At sigurado akong dahil 'yon sa sinabi kong ng FYI.

Di ko na s'ya pinansin at nauna na akong maglakad. Lagi na lang s'yang tumatawa sa tuwing binabanggit ko ang FYI.

Pagdating ko sa room wala pang katao tao. Nasaan na kaya yung mga yun? Porket ba section F sila ay may karapatan na silang mahuli sa klase? Sabagay section F nga 'di ba? Sigurado akong nakatambay ang mga 'yun sa kung saan saan dito sa school.

"Nina?"

"Ay anak ng---Sorry ma'am, bakit po ba?" Tanong ko kay Ma'am Vargas. Bigla bigla na lang kasing nanggugulat si Ma'am eh.

"Nina pwede ba akong makahingi ng pabor?"

"Oo naman po, anything ma'am."

Bigla tuloy akong kinabahan. Anong pabor kaya ang hihingin ni Ma'am? Hindi naman siguro 'yon ganun kahirap?

"Pwede bang i-tutor mo si Jacob?"

"Seryoso po?" Halos di na maipinta mukha ko."Ma'am paano ko po itututor si Jacob, eh lagi po s'yang naka poker face o 'di kaya po laging walang emosyon"

"Isang subject lang naman, sa science lang naman and for almost 1 grading lang. Hayaan mo Nina kapag nagawa mo 'yun tutulungan kitang makabalik sa section A."

"Sige po, will do!"

Seryoso? Oh my gulay! Kapag tinuruan ko si Jacob sa science makakabalik na 'ko ng section A?

Party party! Wait--- Wala pa nga e, hindi ko pa nga natuturuan si Jacob. Speaking of him, papasok s'ya sa pintuan. At kasabay no'n ay ang pagdating ng mga kaklase ko.

"Alam mo na ba?" Tanong ko pero napakatagal n'ya bago magrespond.

As usual, he's wearing his cold face expression.

"Sagutin mo naman ang tanong ko. Kahit alam kong ang emosyon mo ay EMOTIONLESS EMOTION H---"

"Emotionless emotion?" Nagtataka n'yang tanong habang nakakunot ang noo.

TEKA, NASABI KO BA TALAGA YUN? Nadala lang ako ng emosyon ko, e. Pero tama naman 'yung emotionless emotion 'di ba?

"Oo basta yun na 'yon! So kailan magsisimula ang tutorial natin?"

"Malay ko."

"Sige na nga. Sabagay wala pa namang masyadong tao dito t---"

"Gagahasain mo 'ko?"

"ANG KAPAL DIN NG MUKHA MO EH NO?"

"Bilis simulan mo na."

"ALIN?"

"Ano pa nga ba? Edi simulan na nating mag-aral."

Kinuha ko na ang libro at notebook ko. "Okay, in order to locate the epicenter of an earthquake you need to determine the time internal between the arrival of the P and S waves on the seismograms from atleast three different stations. You have to measure the interval to the closest secon---"

"Pwedeng pakiulit?"

"Hays," bulong ko. "Ibang topic na nga lang."

May kaartehang taglay din pala ang lalaking 'to. So, I turned the book.

"Okay. Alfred Wegener is a german meteorologist proposed a theory that about 200 million years ago were once on large landmass. Gets?"

"Hmmm."

"Pangaea is a greek word which means all earth. May tanong ka ba?"

"Oo."

Marunong naman pala 'tong si Jacob, e. Marunong naman pala s'yang magtanong, mukhang magkakaintindihan yata kami.

"Magagamit ba yang Alfred Wegener na 'yan at theory theory na 'yan kapag nagtrabaho na 'ko?"

Dahil do'n speechless ako.

"It's nonsense! Okay, Alfred Wagner has a five evidence regarding to---"

"HAHAHAHAHAHAHA." Napalingon kami sa mga nagtatawanan naming mga kaklase. Take note, ang lakas pa ng mga tawanan nila.

Kaya mo yan Nina, hindi ka na rin naman magtatagal dito sa section F.

"Okay let's proceed t---"

"HAHAHAHAHA." Anak ng dilis 'tong mga papansin na mga lalaking 'to.

"Don't mind them. Alfred wegener's first evidence was t---"

"HAHAHAHAHAHAHA."

Isa nalang talaga at babatuhin ko na ng bulaklak 'tong mga 'to. Bulaklak na may kasamang paso.

"Okay. He said that the continents was a big landma---"

"HAHAHAHAHAHA---"

"LETSE!" Napatingin sila sa 'kin maging ang mga naglalakad sa labas.

-
For more updates and infos. Please do visit my account.

Fb: Ellah Maniego

The Montenegro Brothers and I (Montenegro: Ken Louis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon