4: Partner

1.3K 51 2
                                    

Nina's P.O.V

Natapos ang klase ng wala akong natutunan, paano ba naman kasi 'tong si Harry nag-papacute sa mga kaklase ko. Ang ingay-ingay pa.

Remember, section F kami ngayon. Pero aaminin kong hindi pa rin ako komportable. Why? Ikaw ba naman ang makasama mo ay mga taong walang hilig mag-aral. Like Harry, you know what matalino naman s'ya, e, kinulang nga lang sa tulog.

"Okay class dismiss." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ng teacher namin.

First time kong mapangiti dahil sa katagang yun. Whoaa! Yes uwian na.

"Yeah uwian na!" Tuwang-tuwa na sabi ng kaklase ko at nag unat-unat pa.

"Ang tagal talaga ng oras! Buti nalang uwian na." Napalingon naman ako sa kaklase kong babae na bakas ang ngiti sa mukha n'ya at handa nang lumabas ng room ng biglang—

"Hep hep!" Napahinto ang lahat sa ginagawa nila. Aksidenteng nahagip ng mata ko si Jacob na walang emosyon na nakatingin sa teacher namin.

Grabe hindi ba sya marunong magbigay ng kahit anong emosyon? Hindi manlang marunong ngumiti. Aso ba sya? Daig pa nga s'ya ng aso, e.

"Okay section F magsi-upo muna kayo." Bumalik pala ulit yung chemistry teacher namin at mukhang may kailangan s'yang sabihin. Isinara rin ng isang naming kaklase ang pintuan para sure na walang tatakas.

"Ano ba yan, uuwi na 'ko, e," React naman ng isa kong kaklase. At tinignan s'ya ng teacher namin ng tingin na ano-aangal-ka-look. Umupo naman 'yung kaklase namin at hindi na nagsalita pa. Ano ka ngayon?

"I have something to announce, medyo natagalan kasi yung meeting namin kanina kaya 'di na ako nakabalik para mag-announce. So now I'm here, let's proceed," Paliwanag ng teacher namin kaya ang daming nag-react na naman.

"Pakibilisan naman po, may date pa 'ko." Napalingon ako sa kaklase kong nagsalita. I-broadcast ba namamg may date s'ya. Edi kami na walang date.

"You should shut up your mouth Mr. Ajero." Tumahimik naman ang paligid dahil sa sinabi ng teacher namin. "Okay, so ang sasabihin ko nga pala ay magkakaroon kayo ng  project, so it's a presentation about chemistry." Isinulat ng teacher namin ang mga topics na kailangan naming ilagay sa presentation.

"So by pair po ba? Kasi po parang kakapusin sa oras kapag individual. Okay lang po ba yun?" Lakas loob kong tanong kaya napalingon nga kaklase ko sa section F. Totoo naman kasi eh, medyo marami-rami yung mga topics na dapat itackle.

Napasimangot ako sa mga bulungan. Ano ba masamang magtanong? Mga echeosero at echeosera talaga 'tong mga 'to.

"Thanks for asking, hija. So you're right, by pair tayo and I hope all of you will cooperate. To be fair, I have here the list of the partners. Ajero and Martinez, Rivera and Enriquez, Esquivel and Santiago, Madrigal and Montenegro---"

"Sinong Montenegro po?" Tanong ko. Parang napaisip naman ng malalim yung teacher namin.

"Oh sorry I forgot na tatlo na nga pala ang Montenegro rito. So you're partner will be..." Tinitigan n'ya isa-isa ang tatlong Montenegro at mukhang namimili s'ya. "Ken Louis Montenegro."

Nagulat naman akong napatigin sa likuran ko dahil may biglang sumipa. So if I won't forgotten nasa likod ko si Ken Montenegro.

"Nonsense project."

"Palibhasa tamad mag aral." Bulong ko.

"Are you saying something?"

"I'm not,"

"I heard you."

"And why are you asking me all over again?"

"Tch,"

The Montenegro Brothers and I (Montenegro: Ken Louis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon