CHAPTER 1
Galing akong Prussia Mall. Nakipagkita kasi sa akin 'yung bestfriend ko at nakakasura lang dahil kasama niya pala 'yung boyfriend niya slash mukhang alalay niya. Hindi niya man lang sinabi sa akin na may makakasama pala kaming mukhang shokoy at sa huli, nagmukha lang akong chaperon sa kanilang dalawa.
I'm on my way home now. Sakay ako ng masikip at mabahong jeep. Palubog na ang araw pero ang pawis ko ay tagaktak pa rin sa noo ko. Hinawi ko ang bangs ko at tiningnan ng masama ang katabi ko.
Nakataas ang kaliwang kamay niya at kanina ko pa nalalanghap ang amoy ng kili-kili niya.
Hindi ba siya aware sa sarili kung gaano kabaho 'yung kili-kili niya?
Takip-takip ko ang ilong ko nang lumingon siya sa akin.
Inismiran niya ako kasabay nang pagpara niya.
"Manong para!"
Galit pa siyang sumigaw sa driver kasabay nang madaliang pagbaba niya at bago siya tuluyang makababa ng jeep ay nilingon niya pa ako kasabay nang pagtaas ng gitnang daliri niya.
Ohh, fuck you too!
Naibulalas ko na lamang sa hangin matapos siyang mawala sa paningin ko at mabilis na pag-andar muli ng jeep.
Tiningnan ko ang suot kong relo, alas singko y medya. Ilang oras na lang para magkita ulit kami.
"Babe, hihihi. Nakikiliti ako babe."
Napatingin ako sa harapan ko nang marinig ko iyon.
Isang babae, sa tingin ko naman ay estudyante rin dahil nakasuot ito ng uniporme at isang lalaking naka-civilian ang naglalampungan sa harapan ko. Naghaharutan sila na para bang walang mga tao sa paligid nila ngayon.
Inirapan ko sila at tumingin na lamang sa bandang unahan ng jeep kung saan kapansin-pansin ang isang estudyanteng nakasuot ng headset pero may hawak-hawak na libro at ang librong iyon ay nakaharang sa buong mukha niya.
Weird.
Kahit saan ata ako sumakay, wala ata akong makakasamang pasaherong matino na kagaya ko kaya inabala ko na lamang ang sarili kong tumingin sa labas at bilangin ang lahat ng sasakyan na madadaanan ng jeep na sinasakyan ko.
Maya-maya'y huminto ang jeep at may sumakay. Naramdaman kong sa tabi ko siya umupo.
"Manong, madadaanan niyo po ba ang pag-ibig?"
With that, dahan-dahan akong lumingon sa katabi ko at bago pa lamang sumagot ang driver ay naunahan ko na siya.
"Miss, hindi nadadaanan ang pag-ibig. Kusa itong dumarating sa iyo." Malumanay na sagot ko sa babae.
Panandalian na huminto ang oras o imahinasyon ko lamang iyon dahil para bang lahat ng ginagawa nila kanina ay itinigil nila at lahat sila ay nakatingin na sa akin ngayon.
'Yung babaeng katabi ko ay sunod-sunod lang ang pagkurap ng mga mata niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko, sa sagot ko sa kanya. Nakuha niya pa akong tingnan mula sa ulo hanggang sa paa at muling bumalik sa mukha ko. Nakakunot ang mukha niyang nakatingin sa akin na para bang akala niya nantitrip lamang ako sa mga sinabi ko sa kanya kanina at bago pa siya sumagot sa akin, lumingon na ako sa driver.
"Manong, sa tabi lang po."
Pagkababa ko ng jeep ay siya namang pagkarinig ko ng sagot ng driver sa babaeng nagtanong kanina.
"Nadaanan ko na ang pag-ibig miss. Hindi na ako pwedeng bumalik doon."
Muling umandar ang jeep na kanina lang ay sakay-sakay ako. Bahagya lang akong nakatingin sa papalayong jeep na iyon at iniisip ang sinabi ng driver.
Napabuntong hininga ako.
Mukhang kapareho ko ang kapalaran ng jeepney driver na iyon.
Mukhang pareho kaming may pinagdadaanan pero mukhang mas malalim ang pinagdadaanan niya kaysa sa akin kaya naisip ko rin ang sinabi niya.
Oo at hindi na pwedeng bumalik sa pag-ibig lalo kapag sobra ka lang masasaktan.
•••
ʜᴜɢᴏᴛ ɴɪ ᴋᴇɪᴋᴏ
ωяιттεη вү: нαηηℓιιт
BINABASA MO ANG
Hugot Ni Keiko [ON-GOING]
RomanceHighest Rank Achievement: #76 out of 1,000 Top Stories by Wattpad on August 15, 2017. "Huwag ka ng umasa, masasaktan ka lang." -Keiko *** Credits to Fliss Bysshe for the cover. Harthart. All Rights Reserved Copyright ©2017 HannLiit -081017-