Hugot Ni Keiko - 16

30 4 0
                                    

CHAPTER 16

"Abo!" Huli na nang mapagtanto kong sa katawan ako ni Abo nahulog.

Nakalapat ang katawan niya sa makintab na sahig habang nakapatong naman ako sa matigas niyang katawan. Miski ang dalawang kamay ko ay nakalapat sa kanyang dibdib. Kahit nakasuot ito ng jersey, ramdam na ramdam ko ang matigas niyang dibdib. Kalahating dangkal lang ang layo namin sa isa't isa kaya naman ramdam na ramdam ko ang hininga niyang tumatama rin sa mismong mukha ko. Napakabango nun. Isang bagay na gustong-gusto ko sa lalaking 'to. Nangangalingasaw kasi ang kanyang amoy. Halos makabisado ko na nga ang amoy ng pabango niya dahil sa tapang nun ngunit sobrang sarap sa ilong kapag naaamoy ito.

"Okay ka lang ba?" Kahit narinig ko itong nagsalita, pakiramdam ko'y bumulong lamang siya sa hangin. Mas naririnig ko pa ang ilang bulungan at katyawan sa paligid namin ngunit hindi ko iyon pinagpapansin. Nakapako lang ang mga mata ko sa buong kabuuan ng mukha ni Abo. "Demon, okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" Nag-aalala na ang mukha niya at hindi na magkandamayaw ang kanyang itsura. Naramdaman ko pang hinawakan ako nito sa magkabilang  tagiliran ko para sipatin ang buong kabuuan ko knowing the fact na ganoon pa rin ang itsura namin. Malaswa. 'Yon ang maiisip kong iisipin ng ibang taong nakakakita sa itsura namin ngayon. Pero dahil kami ito, si Abo at si Demon. Si Ashel at si Devon. Walang malisya para sa amin iyon. Ni hindi nga makakakitaan nang pagkailang ang itsura ni Abo dahil sa itsura naming dalawa ngayon. At mas lalong wala ring kakikitaang kakaiba sa reaksyon ko ngayon kahit na hindi ko ito inaasahan. Nagkakalapit naman kami ng sobra pero hindi sa ganitong bagay na sobra pa sa sobra ang lapit. Pero dahil kami nga ito, wala pa ring malisya ito para sa amin kahit sa mata ng iilan ay matatawag na itong makasalanan.

"Ano? Feel na feel niyong humilata dyan? Walang balak tumayo? O baka naman gusto niyo pang etong buong floor na ang gawin niyong kwarto? Baka isipin pa ng ibang tao na nagchu-churbatan na kayo." Nagchuhu---ano raw?

Hindi ko na nasagot pa si Abo dahil pareho kaming natawa sa kadaldalan na iyon ni Lesleigh. Kung anu-ano na naman ang lumalabas sa mapanghusga niyang bibig.

Tatayo na sana ako nang pareho kaming napaigtad ni Abo nang may tumama sa kanyang ulo. Narinig ko pa ang mahinang pagdaing nito. Miski ang reaksyon ng mukha niyang nasaktan ay nakita ko rin. Sabay pa naming naiangat ang parehong ulo at tingnan kung anong bagay ang tumama sa kanyang ulo. Isang bola. Ngunit ang bola na iyon ay hindi lang isang simpleng bola. Napakaganda ng bolang iyon. Isang pulang bola. Nakaukit dito ang mga guhit na 'nota' at mga salitang alibata. Hindi ko maintindihan ang mga katagang nakasulat sa pamamagitan ng alibata ngunit napakaganda nang pagkakadesenyo sa bolang iyon. May initial pa na V-D-Y-W ang nakaukit sa pinakagitna ng bola. Para bang personalize ang bolang iyon. Nagawa ko pa iyong titigan at hangaan sa ilang segundo lang. Ngunit hindi sa bola nagtagal ang aking paningin kundi sa kulay pulang papel na nasa tabi nito. Na ngayon ko pa lamang napansin na katabi ito ng mga gamit ko na nagmula sa bag kong nabitawan ko kanina nang tisurin ako ni Abo.

"Omygod, Keiko! 'Yung mga gamit mo."

Doon lang din siguro napansin nila Lesleigh na nagkalat nga sa sahig ang mga gamit ko. Kung wala pang maliligaw na bola rito talagang hindi talaga nila iyon mapapansin. Wew! Masyado siguro silang nakatuon sa itsura namin ni Abo.

Mabilis pa sa hangin nang tumayo ako. Tutulungan ko na sanang tumayo si Abo nang may biglang lumitaw na isang kamay sa harapan ko. Nang tingalain ko kung kaninong kamay iyon, kamay iyon ni Woods na nakalahad ngayon kay Abo. "Sorry capt, nabitawan ko." Nakayuko ito habang ang kaliwang kamay ay nakalahad sa harapan ni Ashel. Nakaipit naman sa kanyang tagiliran at hawak ng kanyang kanang kamay ang bolang kanina lang ay nasa sahig. So, sa kanya pala ang bolang 'yon. Mayroong headset ang kanyang tainga. "Let me help you." Sabi pa nito at puwersahang inangat si Ashel. Nang tumayo ito ay nakahawak na ito sa kanyang ulo. "Ang sakit nun ah. Iisipin ko na parang sinadya mo 'yon." Natatawang biro ni Abo ngunit mabilis nang tumalikod si Woods nang hindi ko alam kung narinig niya pa ba si Ashel dahil miski ang pagdasahan ako ng tingin ay hindi niya ginawa. Hindi niya talaga ginawa. Pakiramdam ko'y para lang akong hangin sa paningin niya at hindi niya talaga ako dinapuan ng tingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hugot Ni Keiko [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon