Hugot Ni Keiko - 14

30 5 0
                                    

CHAPTER 14


Nagising ako sa lakas ng ringtone ko.

Napapaindak pa ako habang nakapikit dahil tala lang naman ang naririnig ko. Tala by Sarah G. pero 'yung version ni Ella Cruz 'yung di-nownload ko at ginawa itong ringtone sa sobrang LSS sa kantang 'yon. Pero sa totoo lang hindi naman dahil sa liriko ng kanta ako nahuhumaling kundi sa mismong step nung sayaw na iyon.  Ang galing kasi talagang sumayaw ni Ella. Nawawala 'yung ganda ko kapag siya na 'yung nakikita ko sa screen. Shocks! Higit sa lahat, nasasapawan niya ako sa pagsasayaw. Bagay na ikinaiinis ko. Gusto ko siya pero kagaya nga nang sinabi ko---hindi niya ako die hard fun, duh! Never.

Parang nakatingin ang buong daigdig
Pag ako ay yakap-yakap mo. Ohh...
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka

Kasabay nang pag-indak ng ulo ko'y ang pagpilantik din ng mga daliri ko. Tamad na tamad ang katawan kong sagutin ang tawag ngunit buong kalamnan ko'y nilalabanan iyon. Tila mas gusto pa nitong sumayaw ako habang natutulog. Mawiwirduhan siguro sa akin kung sino man ang makakakita sa itsura ko ngayon. Well, kasalanan lang naman 'to ni Ella. Inulul niya ako sa mga dance moves niya.

Kapit lang ng mahigpit
Aabutin natin ang mga tala
Tala, tala, tala...

"Ohh!" Sagot ko sa pinakamalumanay na tinig ngunit sa kabaligtaran iyon. "Sino ka ba? Natutulog 'yung tao." Inis na anas ko ngunit isang napakagwapong tawa ang narinig ko mula sa kabilang linya na siyang nagpadilat ng isang mata ko.

Kahit hindi ko man tingnan ang caller nasisigurado ako kung sino itong distorbo sa umaga ko.

[Aren't you going to say hello to the handsome boy?]

Inilayo ko sa tainga ko ang aking cellphone. Tiningnan ang caller habang nakapikit pa rin 'yung isang mata ko. Tinitigang mabuti kasabay nang pagkakunot ng noo ko. At hindi nga ako nagkamali kung kaninong boses iyon. Tumihaya ako. Tuwid na tuwid ang katawan. Ini-on ang speaker sa aking cellphone at saka ipinatong sa aking dibdib iyon.

"Gago!" Malutong na mura ko. Kasing lutong nang pagkiskis ng mga ngipin ko sa aking panga. Senyales na naiirita ako.

Ganito ako kapag bagong gising. Tamad na tamad at nauuna ang irita sa aking katawan.

[Hahaha. Ba't ba ang sungit mo, Devonyita?"

"Ba't ba ang distorbo mo? Ang aga-aga. Tsk!" Naiinis na anas ko. Mas lalo pa akong nainis dahil sa napakagwapo niyang pagtawa.

Aminado naman ako dun. Kahit hindi pa talaga kami nagkikita, aminado akong boses pa lang niya mukhang gwapo nga siya. Iyon nga lang---hindi kami talo.

"Napatawag ka, Damn Yu?" Yeah, it was Damn Yu.

Bukod sa chat ay nagkaka-usap din kami through cellphone. Kaya naman kabisado ko na ang mapang-asar niyang boses kahit hindi ko pa man din tingnan kung sino man ang tumatawag. Bukod kay Abo, siya lang naman ang pangalawang taong nambwi-bwisit sa akin tuwing umaga.

[Araw-araw naman akong tumatawag sa 'yo para gisingin ka. Haha.]

With that, bigla akong napabalikwas ng bangon. Nalaglag pa sa hita ko ang cellphone ko. Lumingon pakanan para tingnan ang malaking wall clock na nandito sa kwarto ko at alamin kung anong oras na ba.

Shocks! 10:11 na.

10 am ang pasok ko ngayon.

[Hahaha.]

Hugot Ni Keiko [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon