Hugot Ni Keiko - 2

72 32 28
                                    

CHAPTER 2





Pagkarating ko sa condo na tinutuluyan ko, Paseo Parkeview Tower to be exact, binati agad ako ng guard na nagbabantay sa main door sa may lobby.

"Hi crush." Masayang bati nito pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto ng main door.

Tiningnan ko lamang siya at wala akong balak na batiin siya pabalik pero ang ngiti niya kanina ay hindi pa rin naalis kahit na wala siyang nakuhang matinong sagot mula sa akin.

Narinig ko ang pagtawa at pang-aasar sa kanya ng receptionist na nilagpasan ko na.

Matagal na akong nag-i-stay sa condo na ito kaya hindi ko na inaabala ang sarili kong maglog-in at maglog-out sa log book nila.

"Bad mood ata ngayon si Keiko."

Narinig ko pang sabi ng guard na nakasalubong ko na mukhang nasaksihan din niya ang pagbati sa akin ng isa kong tagahanga.

Tiningnan ko lang ang guard na iyon at nilagpasan din.

Hindi naman talaga ako bad mood, sadyang may hinahabol lang talaga akong oras.

Oras.

Oo tama, oras.

I looked to my wristwatch, kinse minutos bago mag-alas sais.

Pinigilan ko ang pagsara ng elevator at katulad nang pagpigil ko sa kanya noon, hindi ko rin napigilan ang elevator na ngayon ay tinitingnan ko na lamang na nasa 2nd floor na pataas.

Bumuntong hininga ako.

Wala ata akong kakayahang magstay sa akin ang mga bagay na gusto ko...

"Miss? Are you up or down?"

Tumingala ako sa may edad na lalaking nakatayo sa harapan ko at nasa loob na siya ng elevator. Dahil sa ilang segundong pagmumuni-muni ko kanina ay hindi ko namalayang bumuksan na pala ang kabilang elevator.

Isang chinese ang nasa harapan ko ngayon kaya hindi masyadong klaro ang pagsasalita niya ng english. May accent ito. Hinihintay niya akong sumagot habang ang kamay niya ay nakaabang sa may pindutan ng elevator kung saang floor siya magtutungo.

"I'm Keiko." I said as I was entered the elevator.

Salubong ang kilay niyang tiningnan ako saka ko pinindot ang button na number 35, kung saan naroon ang room ko.

"Hindi mo ko naintindihan ano?" Malumanay na sagot ko sa kanya. Malamang hindi niya ako naintindihan dahil chinese nga siya at kahit english din naman ang sagot ko alam kong hindi niya rin iyon maiintindihan. "Alam mo, parang ikaw siya. Katulad ka rin niya. Kaya alam kong kahit anong paliwanag ko sa 'yo, kagaya niya, hindi mo rin ako maiintindihan." Pagpapatuloy ko na kunyareng nauunawaan niya lahat ng sinasabi ko.

Lalong kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko.

"Ha? Nǐ fēngle!(You're Crazy!)" Marahang sagot niya na parang galit pang sumagot sa akin kasabay nang tumunog ang elevator at bumukas ito at iritableng lumabas na siya.

Sa paglabas niya ako naman ang napakunot ang noo.

Hindi ko siya naintindihan.

Hindi dahil salita nila ang ginamit niya kundi dahil katulad niya, iniwan niya rin akong may tanong sa aking isipan. Iniwan niya rin akong mag-isa at hindi man lang pinaliwanag sa akin ang mga bagay na sinabi niya, kagaya na lang nang ginawa niya sa akin noon, iniwan niya akong hindi ko siya naintindihan at kailanman hindi ko siya maiintindihan.





•••
ʜᴜɢᴏᴛ ɴɪ ᴋᴇɪᴋᴏ
ωяιттεη вү: нαηηℓιιт

Hugot Ni Keiko [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon