CHAPTER 11
"But kuya!"
Kuya?
Dafuq! Kapatid niya 'to?
Magkapatid sila?
Nagulat ako. Dilat na dilat ang mata. Nakanganga. Halos hindi matanggap ng sistema ang nalalaman ko. Higit sa lahat, hindi ako makapaniwala.
Sobrang liit ng mundo.
"Gosh! Magkapatid kayo?"
Miski sila Lesleigh ay gulat na gulat din. Habang nagtatawanan lang 'yung team nila Ashel.
Anong nakakatawa?
"Hahaha. Pare, kamusta?" Napaigtad ako nang biglang umakbay sa akin si Abo habang sinasabi niya ang mga katagang iyon at nakatuon lang ang paningin sa taong nasa harapan namin ngayon. Hindi pa siya nakuntento, talagang lumapit pa siya sa taong kinakausap niya ngayon at natangay din ako. Nilahad pa nito ang kamay niya sa lalaking kaharap habang mabilis naman nitong pinaunlakan iyon. "Ayos lang pare. Nakabalik ka na pala? Asan pasalubong ko?" Nakangiting sagot nito na ikinamangha ko. Nagkamayan sila ni Abo at ginawa 'yung ritwal nila. Yung fist bump kung tawagin ng mga kalalakihan.
Ikinagulat ko pa dahil hindi niya talaga ako pinadasahan ng tingin kahit na nagkadikit ang mga balikat nila ni Abo kanina dahil nakaakbay pa rin sa akin si Abo. In short, kahit na ang lapit-lapit ko sa kanya'y hindi niya talaga ako pinagtuunan ng pansin. Edi wow! Feeling gwapo talaga. Ang angas eh. Kung hindi ako pansinin, akala mo hangin lang akong nakatayo sa tabi ni Ashel. Tsk.
Doon ko nga lang natitigan nang malapitan ang mukha nito. Nang mas malapit kaysa nung una ko itong titigan sa klase. He has two dimples on his cheeks whenever he smiled. Nawawala ang singkit niyang mata kapag nakangiti o tumatawa ito. Okay, I admit it. Gwapo nga siya. Pasado na sa sapat. Pero hindi pa rin nawawala 'yung pagka-imbyerna ko sa kanya dahil lang sa gwapo niyang mukha.
"Busyng-busy ka, Mr. MVP ah."
"Ba't di ka sumama sa amin kanina?"
"Nagsosolo ka na naman sa babae mo, pare."
"Akala ko ba pagdating ni captain, ipapakilala mo na 'yung babae mo?"
"Tagal mo ring di nagpakita, Van Damme. Asan na nga 'yung babae mo? Haha."
Sabay-sabay na sumugod ang mga team ni Abo kay Woods at isa-isa nila itong sinusuntok sa balikat. Ayon ata 'yung way nila nang batian sa isa't isa. Oo. Si Woods nga ang nakikita ko ngayon. Hindi na bago sa akin na nagkakasama 'tong mga 'to dahil iisang team naman sila. Ang bago lang sa akin ngayon dahil nakikita ko siyang tumatawa at ngumingiti. Bagay na ngayon ko lamang talaga nakita.
Nakakakilabot!
BINABASA MO ANG
Hugot Ni Keiko [ON-GOING]
RomanceHighest Rank Achievement: #76 out of 1,000 Top Stories by Wattpad on August 15, 2017. "Huwag ka ng umasa, masasaktan ka lang." -Keiko *** Credits to Fliss Bysshe for the cover. Harthart. All Rights Reserved Copyright ©2017 HannLiit -081017-