CHAPTER 4
🎵🎶Ayos lang kung di mo kausapin. Ang lumingin ka ay sapat na sakin.🎶🎵
🎵🎶Isang tingin mo lang, bumabagal ang mundo. Isang tingin mo lang, kumakabog ang puso.🎶🎵
🎶🎵Hindi alam kung bakit 'yan ang, sadyang nagagawa ng isang tingin mo lang---🎶🎵
Napahinto ako sa pagkanta at pag-indak ng aking ulo nang biglang nawala ang pinapatugtog ko at napalitan ito ng ringing call. Nang tingnan ko kung sino ang caller, walang iba kundi ang aking bestfriend.
CHIPS DELIGHT CALLING...
Tiningnan ko muna ang orasan sa cellphone ko.
Alas onse ng gabi.
Kunot noo kong tinitigan ulit ang pangalan niyang nababasa ko ngayon sa screen ng aking cellphone baka kasi namamalikmata lamang ako.
Bago ko pa tanungin ang sarili ko kung bakit tumatawag siya ng ganitong oras ay sinagot ko na ang tawag niya kaso sa katagalan ko ata ay nag-end call na.
Siguro naman napindot niya lang iyon dahil alam kong sa mga oras na ito ay mahimbing nang natutulog 'yung bruhang iyon.
Nagpunta ulit ako sa music ko at inulit-ulit ang kantang Isang tingin nila Ella Cruz at Julian Trono.
Sa totoo lang, hindi naman ako die hard fan ni Ella pero gustong-gusto ko siya. Halos lahat ng kanta, sayaw at movies niya ay nakasave sa cellphone at laptop ko. Minsan nga kapag wala akong magawa ay ginagaya ko ang lahat ng dance step niya.
Sabi ko naman, hindi niya ako die hard fan, sadyang may pagkakapareha lang talaga kami. Mahilig din akong sumayaw at kumanta pero 'yung pagkanta ko'y ako lang ang may alam at nakakakita nun.
Sa lovelife naman nila ni Julian, wala akong pakialam dun dahil para lang din sila 'yung mommy at daddy ko, maghihiwalay din balang araw. Hindi naman sa ayaw ko kay Julian pero hindi ko rin siya gusto.
🎵🎶Di ko mapigilan mapanakaw-tingin. Ang simple mong ngiti ay sadyang agaw pansin.🎶🎵
Nasa intro pa lang ako ng Isang tingin nang magring ulit ang cellphone ko.
CHIPS DELIGHT CALLING...
Sinagot ko na kaagad ito bago pa ako mainis sa bestfriend ko at sugurin siya sa kanila para kainin ng buhay.
"Alam mo ba kung anong oras na ha? Alas onse na ng gabi bruha! Baka hindi mo alam. May pasok na tayo bukas. Matulog ka na at huwag mo nang isipin 'yung mukhang shokoy mong boyfriend, walang forever." Mahabang litanya ko at wala nang pangbungad na hello.
Nagtaka ako dahil sa dami ng sinabi ko ay wala man lang sumagot sa kabilang linya kaya dun ko pa lang nasabi ang intro ko. "Hello!" Tawag ko ulit sa kanya.
"Hello?" Marahan na tawag ko ngunit wala pa ring sumasagot.
Inisip kong baka kasi aksidente niya lang na napindot ang number ko kaya walang sumasagot sa kabilang linya dahil maagang natutulog iyon lalo at may pasok na kami bukas.
Papatayin ko na sana ang call nang hindi sinasadyang marinig kong suminok ang nasa kabilang linya. 'Yung sinok na para bang pinipigilan mong umiyak kaya mapapasinok ka na lang.
BINABASA MO ANG
Hugot Ni Keiko [ON-GOING]
RomanceHighest Rank Achievement: #76 out of 1,000 Top Stories by Wattpad on August 15, 2017. "Huwag ka ng umasa, masasaktan ka lang." -Keiko *** Credits to Fliss Bysshe for the cover. Harthart. All Rights Reserved Copyright ©2017 HannLiit -081017-