Hugot Ni Keiko - 6

37 12 3
                                    

CHAPTER 6


Sabi nila, makikita mo raw 'yung taong nilaan para sa 'yo kapag naramdaman mo 'yung slow motion sa paligid mo.

Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kasabihang iyon dahil sa mga oras na ito, ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

Parang kabayong nag-uunahan sa pagtakbo.

Halos hindi ko na marinig ang ingay sa paligid. Ang lecturer na nagsasalita sa harapan ay hindi ko na rin ito naririnig. Miski ang tunog ng aircon dito sa loob ay hindi ko naririnig. Para bang huminto lahat sa paligid ko at siya at ako lang ang nakikita ko sa mga oras na ito.

In short---parang nagslow motion sa paligid ko ngayon. Nakahinto ang oras ngunit ang pintig ng puso ko ay napakabilis.

Nakatayo siya sa harapan ko habang nakaupo akong nakatingala sa kanya---sa kabuuan ng mukha niya.

Pakiramdam ko, pinaliligiran kami ng mga bulaklak sa paligid namin at 'yung mga bulaklak na iyon ay nagliliparan. Malakas ang hangin na parang tinatangay ako. Tinatangay ako patayo at titigan siya nang mabuti pero bago pa mahuli ang lahat at tuluyan akong mabaliw ay pinilit kong pakalmahin ang aking sarili at malakas na sinalubong ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Van Damme Woods?" Pang-uulit na tanong ko sa buong pangalan niya.

"Tss! Mamaya ko na pipirmahin, umalis ka dyan sa upuan ko."

Ha?

Ano raw?

Salubong ang dalawang kilay kong pinagmasdan siya.

"Alis sabi!" Sigaw niya dahilan para mapunta sa amin ang atensyon ni ma'am at doon ko nga lang napagtantong lahat ng kaklase namin ay nakatingin na sa amin ngayon.

"Yes? Woods? What's your problem?"

Rinig kong sigaw ni ma'am pero hindi naman siya sinagot nitong lalaking nakatayo sa harapan ko.

Nakatingin lang siya sa akin at sesenyas sa upuan na inuupuan ko ngayon kaya naman titingin din ako sa inuupuan ko.

"Ha?" Wala sa sarili na naitanong ko sa kanya.

"That's-chair-is-mine-." Napakadiin na sambit nito. Inisa-isa pa niya talaga ang bawat salita.

"Ahh?---okay?" Sagot ko at wala sa sariling tumayo bitbit ang gamit ko pati sapatos ko at umupo sa katabing upuan ko, I mean upuan niya raw na inupan ko.

"Tss!"

Narinig ko ang pagkairita niya pero hindi ko na lamang iyon pinansin at nagfocus na lang sa lecturer namin.

Mabilis na lumipas ang kalahating oras. Parang feelings niya para sa akin, ang bilis lumipas.

Wala akong ginawa kundi tumingin kay ma'am na kunyare nakikinig ako. Sinusundan ko siya kung saan man siya maglalakad at pati ang pagsusulat ng kamay niya ay sinusundan ko rin pero hindi talaga ako nakafocus sa kanya kundi nakafocus ako ngayon dito sa lalaking katabi ko.

Kanina pa siya natutulog.

Oo! Natutulog talaga siya at bakit itong lecturer namin walang pakialam sa kanya. Pero hindi naman 'yung pagtulog niya 'yung problema ko kundi 'yung buong pangalan niya.

Coinsidence lang ba na magkapareho sila ng pangalan? As in buong pangalan parehas sila?

Pwede kaya 'yon?

Hugot Ni Keiko [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon