Hugot Ni Keiko - 5

54 27 3
                                    

CHAPTER 5



First day of class at wow lang dahil late na kami ni Lesleigh.

Kainis!

Bakit ba kasi kung kailan pasukan na, saka pa siya nag-inarte kagabi at bakit ba kasi pinapasok ko rin siya sa unit ko edi sana hindi ako kasama sa namomroblema ngayon.

"Haist! Lesleigh, make it faster!"

Kanina pa ako sigaw nang sigaw at kinakalampag ko na ang pinto ng CR ko. Halos masira ko na nga ata ito dahil sa puwersahang pagkatok.

Bumuntong hininga ako.

"Haist! Bakit ba, ikaw na nga 'yung sinasaktan ko pero ako pa rin ang mas nasasaktan." Para akong timang na kinakausap ang pinto kasabay nang paghimas ko sa kamao ko.

Nakuha ko pa talagang humugot sa oras na ito kahit na alam kong lalabas na talaga siya.

Dito na natulog si Lesleigh at ang walanghiya, alam naman niyang pasukan na ngayon pero wala man lang siyang dalang uniform o kahit undies man lang. Mygod! As in sarili niya lang talaga at cellphone niya ang dala niya kagabi nang pumunta siya rito. Sa sobrang pagluluksa niya, nakuha niya pang gamitin ang laptop ko at wala lang namang ibang ginawa kundi ang istalkin pa rin ang boyfriend niyang mukhang shokoy. Ex boyfriend to be exact pero mamaya o bukas alam kong magbabalikan din ang mga iyon.

Pustahan pa tayo.

Miski ang pagbayad niya sa sinakyan niyang taxi ay ako pa rin ang nagbayad kagabi at buti na lang may mga undies akong hindi ko pa naisusuot kaya binigay ko na sa kanya. Iyon nga lang hindi pa iyon nalalabhan at may tag price pa iyon. Pati 'yung isang uniform kong bago ay pinagamit ko na rin sa kanya. Mukha naman kasi siyang kawawa kung uuwi pa siya sa kanila ng wala man lang bihis-bihis.

"Lesleigh! Baka gusto mo namang bilisan ano! Swear, kapag lumabas 'to ng hindi naman dapat siya lumabas, malilintikan ka talaga sa akin." Sigaw ko habang pinipigilan ang paglabas ng hinanakit ko.

"Ang sakit pa rin ng tiyan ko, Keiko. Ano bang nangyayari sa atin?" Maluha-luhang sagot nito mula sa loob ng CR.

Ramdam ko ang paghihirap niya at pamimilipit niya rin sa sobrang sakit pero hindi ako maaawa ngayon sa kanya.

"Ang sabihin mo, may sama ka lang ng loob sa pagbigay sa akin ng chips delight kagabi kaya heto ako ngayon, nakikiramay sa paghihirap mo." Hirap na hirap man ay pinilit ko pa ring tumayo nang tuwid at naglakad papasok ng kwarto ko.

Naghanap ako ng tissue at pinunasan ang pawis kong tumatagaktak sa noo at leeg ko. Kahit de aircon dito sa loob ay pinagpapawisan ako, iyon nga lang kasabay nun ang panginginig ng buong katawan ko at pagtayo ng mga balahibo ko.

Kanina pa ako tinatawag ng kalikasan, pabalik-balik rin ako kagaya ni Lesleigh at kanina pa nga kami nag-aagawan sa CR para ilabas ang sama ng loob.

Ayan ang napapala niya sa sobrang pagkain ng ice cream kagabi pero hindi ko maintindihan kung bakit pati ako naghihirap din. Mukhang masama loob niya sa pagbigay sa akin ng chips delight. Ganun daw kasi iyon kapag may nagbigay sa iyo na hindi naman bukal sa loob.

Hugot Ni Keiko [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon