Ang sinag ng araw ang gumising sakin, pagdilat na pagdilat ng mga mata ko agad na nag flashback ang mga pangyayare samen ni Nikko kagabi lalo na yung huli kong narinig sakanya na "ILOVEYOU" ...
matapos nag flashback ang lahat agad kong hinanap si Nikko, hindi ko sya makita sa paligid ko kaya naman pinulot at sinuot ko ang mga damit ko at hinanap sya sa may CR pero walang ni anong bahid ni Nikko... Hindi ko mapigilang masaktan at nangngingilid na ang mga luha ko, habang humina ang mga tuhod kong lumakad papuntang higaan, bigla nalang akong nabuhayan ng tumunog ang CP ko.
Isang mahabang text ang natanggap ko galing kay Nikko pero isang salita ang umakit ng paningin ko. "BYE" ito'y nakasulat sa pinakahulihan hindi ko tuluyang binasa iyon at kusa ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam pero may kutob nako sa mangyayare.
Pinili kong hindi nalang muna basahin iyon at umuwi na ng bahay.
Lutang ang isip kong tumungo sa kwarto ko, napansin siguro ni mama ang aura ko kaya sinundan nyako pero bago paman nyako maabotan sinirado ko na ang pintuan.
"Anak? may problema kaba? gusto mo tawagan ko si Nikko? " sabi nya habang kumakatok ng kaunti.
"Ma.. " sagot ko
"hmm? "
"Wag nyo napong asahang sasagot o pupunta man si Nikko dito... " Normal ang boses ko pero ang puso ko mukhang guguho..
Hindi na sumagot si mama at unti-unti ng naglaho ang mga footsteps ni mama.
Ilang araw din ang dumaan at wala nang paramdam sakin si Nikko, hindi ko rin kasi sya tinext and to think na hindi ko pa nababasa ang last text nya sakin.
last day na ng school days at nakita ko sya sa may library patakbo akong pumunta sakanya ng bigla nalang akong huminto at napa atras ng nakita kong kasama nya si Lesheya.
Napakagat nalang ako ng labi at tuluyan ng umalis sa library.
At dahil lutang akong nagpalakad lakad sa campus kung sino-sino nalang ang nababang-ga ko hanggang sa si Nayjel na ang nabang-ga ko.
Napa hinto ako't tumingin sakanya pero yumoko naman uli't nagpatuloy na saking paglalakad, sinundan lang nya ako ng walang kibo.
Napa-upo ako sa may Garden ng school at tumingin sa malayo, umupo sa harapan ko si Nayjel
"Shans? Alam mo napala? " Napatingin ako sa sinabi nya, obviously alam ko kung ano man ang ibig nyang sabihin pero ayaw kong isipin iyon. Nag what face lang ako sakanya at nag bikit balikat.
"Shan pwede ba? Isipin mong mabuti ang mga bagay bagay, alam mo naman siguro diba? Alam kong mahirap pero kailangan mong tanggapin "
"I know... Nagsinungaling siya sakin, nagmukha akong tanga for a year pero bakit ganon?" I paused then stare at him "hindi ko parin kayang magalit sakanya "
"Kase mahal mo sya "
Biglang nag stop ang mundo para sakin, it seems like ang sinabi ni Nayjel eh nag rere-echo sa utak ko.
Mahal ko sya?
Si Nikko Martin? Mahal ko?
or Should I say?
Pinilit ko lang ang sarili kong mahalin sya.
Ang kasunod na Chapter neto eh private kase nga may adult content :3 pero kung gusto nyung basahin yun kelangan pakong i-follow :3 wattpad naman KJ sorry talaga na private
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Sensitve
Lãng mạnYes, I do love him but I also love my best friend.