" Mark "
Matapos kong ayain si jenny na pumunta sa lab pagtapos ng class.
paulit ulit parin pumapasok sa utak ko na nag thank you siya sakin.
"Ui mark thanks sa kahapon ha"
" thank you "
" thank you "
hindi ko alam na marunong palang mag thank you yung babae na yon kaya siguro paulit ulit pumapasok sa utak ko yung sinabi niya.
habang naglalakad ako dumiretso na ako sa classroom kasama si johnny at louise, buti naman hindi nila ako inasar sa nangyari kanina.
pag-upo ko napa isip nanaman ako, naisip ko ano kayang sasabihin ko kay jenny mamaya at bakit ko ba siya inaya na magkita kami sa lab kanina? may sakit ba ko ngayon?
bakit kung ano ano ng nasasabi ko kay jenny kanina? tas biglang pumasok sa isip ko yung nangyari samin nung una naming pagkikita ni jenny yung nagkasigawan kaming dalawa, nung naalala ko yun bigla nanaman akong nainis kaya may naisip ako nung mga oras na yun may ipapagawa nalang ako sa kanya na sigurado akong hindi niya magugustuhan.
habang nag iisip ako biglang lumapit sakin si nadine yung babaeng pinahiya si bjenny.
" bakit ka nandito nadine? akala ko suspended ka? " tanong ko sa kanya inis na inis talaga ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay jenny.
flashback
pinapahirapan na nila si jenny at nung time na yun nasa rooftop ako at nakaupo lang pero bigla akong nakaramdam ng gutom kaya bumaba ako para bumili sa canteen kaso pagpasok ko sa canteen nakita ko si nadine na pinapahiya si jenny sa buong student at inis na inis ako sa mga student dahil pinapabayaan lang nila si nadine sa ginagawa niya kay jenny at halatang tuwang tuwa pa sila, bigla kong narinig yung sinabi ni nadine.
" ano? ang kapal ng mukha mong sumama kay louise tandaan mo akin lang siya at hindi mo siya pwedeng agawin sakin. " sabi ni nadine
nagulat naman ako sa sinabi niya pano naman napasok si louise sa usapan nila at bakit kailangan ganyanin niya si jenny? biglang nag init yung ulo ko, hindi ko alam kung ano bang nangyari at bakit nasali si louise sa usapan nila pero ramdam ko sa sarili ko yung galit at inis dahil sa ginawa ni nadine kay jenny kaya ako na ang pumigil kay nadine.
" tigilan nyo yang ginagawa nyo kay jenny, nadine." sigaw ko kay nadine at binitiwan ni nadine si jenny at nakita ko na natumba siya at tuluyan nang nahimatay
" So-sorry mark tinuturuan kasi namin siya ng leksyo, ang kapal kasi ng mukha niya kalabanin ako and look at this picture si louise at jenny magkasama kahapon. " sabi sakin ni nadine.
hindi ko alam na magkasama silang dalawa ni louise kahapon at tsaka wala namang nasabi si louise samin ni johnny na magkasama pala sila kahapon ni jenny, tumingin ulit ako kay nadine, hindi parin talaga nawawala yung galit ko sa kanya but actually hindi ko alam kung bakit ako nagagalit kay nadine, siguro nagagalit ako kasi ayokong nakakakita ng mga binu-bully kasi kahit mayabang ako hindi naman ako katulad ni nadine.
" kahit na hindi mo dapat ginawa yan sa kanya, at tsaka tandaan mo hindi mo naman pagmamay-ari si louise kaya wala kang karapatan na sabihin kay jenny na sayo lang si louise. " galit na sabi ko sa kanya
" bakit ba mas pinagtatanggol mo siya e samantalang pinoprotektahan ko lang naman kayo kasi malandi yang si jenny na yan at masyadong papansin. " malakas na sabi sakin ni nadine
" hindi mo kami kailangan protektahan at ito ang tandaan wag mo munang husgahan si jenmy kasi baka yung sinasabi mo na malandi at papansin ay bumalik sayo. " tinulak ko ng mahina si nadine para makapunta ako kay jenny at para buhatin siya papuntang clinic, lahat ng students nagulat sa ginawa ko at lahat nakatingin saming dalawa ni jenny habang naglalakad ako bigla akong huminto at humarap kay nadine.
" mag-usap tayo bukas nadine. " inis na sabi ko
" o- okay. " yun lang yung sabi niya sakin
at dumiretso na nga ako sa clinic kasama din yung bestfriend niya na si joyce, pagpunta namin sa clinic hiniga ko na agad si jenny pagbaba ko kay jenny aalis na sana ako ng biglang nag " thank you " si joyce sakin " your welcome " yun nalang yung nasabi ko sa kanya at nginitian ko nalang siya at ganun din naman yung ginawa niya.
End of Flashback
" uhmm.. nakalimutan mo na ba diba sabi mo magkita tayo ngayon so now here I am. " mataray na sagot niya sakin habang nakangiti
" gusto mong malaman kung bakit kita kakausapin ngayon? " tanong ko sa kanya?
" oo. " sabay hawak sa mukha ko, grabe ee siya naman pala talaga yung mas malandi kaysa kay jenny ee
" sige nga hulaan mo? " at tinanggal ko yung kamay niya sa mukha ko
" uhmm... kasi gusto mo ko. " confident na sagot niya sakin, medyo ambisyosa siya kaya bigla akong nainis
" masyado ka naman atang confident sa sinasabi mo na yan nadine. "
" yun lang naman kasi yun naiisip ko na dahilan kung bakit mo ko inaya kahapon na mag usap tayo. " mataray na sagot niya sakin
" ganun talaga, hindi ba pwedeng galit ako sayo at kaya kita pinapunta dito para sabihin sayo na wag na wag mo na ulit sasaktan si jenny dahil pagnalaman ko na ginawa mo ulit yun malalagot ka sakin , tandaan mo yan nadine. " inis na bulong ko sa kanya at halata sa mukha niya ang takot dahil sa mga nasabi ko sa kanya.
" bakit mo ba siya pinagtatanggol ha?! bakit may gusto kaba sa kanya? " malakas na sigaw niya sakin kaya naman lahat ng students sa room ay nagsitinginan samin.
" hindi no! ayoko lang talaga na ganunin mo siya. " mahinahon kong sinabi yun sa kanya kahit na pikon na pikon na ako at baka mamaya masaktan ko na siya kahit babae siya
" bahala ka nga diyan.. inaksaya mo lang oras ko. " sabay labas sa room namin na saktong pagpasok naman ng adviser namin.
pag-alis ni nadine sa loob ng room kumalma na din ako at unti unti nang nawala yung galit ko.
natapos naman ang klase ng walang nangyayari kung ano kaya dumiretso na ako sa lab para makausap si jenny, pagdating ko nandun na si jenny sa lab, nag-antay kaya siya ng matagal? biglang pumasok sa isip ko yun kahit hindi ko naman alam kung bakit, kaya pumasok na agad ako.
" jenny! " tawag ko sa kanya
" kanina kapa ba nag aantay? " tanong ko sa kanya
" hindi naman ngayon ngayon lang din naman, so ano ba sasabihin mo sakin? " masungit na sagot niya sakin, kahit kelan talaga ang sungit sungit niya
" may gusto sana akong ipagawa sayo, tutal may utang na loob ka sakin, so yung gusto ko nalang na ipagawa sayo yung kabayaran sa ginawa ko. "
" ano ba yon? sige na sabihin mo na agad sakin. " iritang sagot niya
" magiging personal maid kita for 1 months, yun yung gusto kong gawin mo. "
" yun lang pa--- anooooooo!!! " gulat na sabi niya sakin, bigla akong natawa ng malakas nung nakita ko yung expepression niya parang nagma malfuntion yung utak niya na para nakita ng multo dahil sa mga sinabi ko sarap niya talagang asarin.
sana pumayag siya sa gusto kong mangyari, i'm sure pag pumayag siya magagawa ko na yun pinaplano ko.
ano kayang pinaplano ni mark kay jenny? hahaha I smell something fishy.. heheh.
Guys Please support my story. thanks and don't forget
Just
Like
.
Comment
.
Share
.
and
.
Vote

BINABASA MO ANG
I think I love you
Teen FictionJenny Anne Villanueva 16 year old a super rich girl, maganda, mabait, friendly, matalino, lahat na ata na sa kanya pero lahat ng yun ay nagbago dahil sa nakaraan niya kaya napaisip niya na magpunta sa boracay at dun nalang siya mag aral sa Heaven's...