"Jenny"
paggising ko nasa clinic na ako at nakita ko na nakaupo si joyce sa gilid ko, halatang halata na nagaalala siya sakin.
pero teka sino ba yung lalake na nagligtas sakin kanina nung kinakawawa na ako nung palakang si nadine na yun?
nakita ako ni joyce na gising na at pansin kong tuwang tuwa siya dahil nagising na ako at sa sobrang tuwa niya niyakap niya ako ng mahigpit.
" anne!!! kumusta na pakiramdam mo? okay ka na ba? " tanong sakin ni joyce at halatang halata na nag aalala siya sakin
"okay lang naman ako.. ikaw ha grabe ka naman mag alala sakin, wag ka mag-alala hindi pa naman ako mamatay. " pabiro kong sabi sa kanya
" ikaw talaga may gana kapang magbiro diyan, pero seryoso na, Sorry kung hindi kita naipagtanggol kay nadine. " malungkot na sabi niya sakin
" ikaw naman wala na yun at tsaka hindi mo naman kasalanan na hawak ka nung mga kasama ni nadine kaya hindi mo ko naipagtanggol pero okay na ako Promise. " sobrang bait talaga ni joyce kahit kakakilala palang naming dalawa ang bait na agad niya sakin.
" wag ka mag alala pina suspend na sila ng ate ko. " nagulat ako sa sinabi niya
" ano? sinong ate at bakit pinasuspend ng ate mo si nadine, bakit sila ba may ari ng school? " gulat na sabi ko kay joyce.
biglang tinakpan ni joyce yung bibig ko at tinignan niya ako ng seryoso
" uhmm masasabihan naman kita ng secret diba anne? " sabi niya sakin ng seryoso
" oo naman no, bestfriend na tayo diba? " sabi ko sa kanya at nagulat naman siya sa sinabi ko at halatang tuwang tuwa siya sa sinabi ko
" talaga bestfriend na tayo? "
" oo naman kaya sige na sabihin mo na yung sikreto mo sakin. " tas bigla ko siyang nginitian.
" okay since your my bestfriend now i'll tell you everything about me. " at bigla siyang napabuntong hininga
" my parents is the owner of this school but they have lots of work in manila so tinanong nila si ate annalyn yung principal natin ngayon na kung pwede e siya muna ang pumalit kay mama bilang principal dahil nakapag tapos narin naman si ate sa pag-aaral niya, and one more thing anne hindi alam ng iba na anak ako ng may-ari ng school na toh ang alam nila scholar lang ako at tayong dalawa lang nakakaalam niya kaya quiet ka ha. " sabi sakin ni joyce
" so talagang anak ka ng pamilyang Fuentes? " sabi ko sa kanya.
" Oo ganun na nga pero wag mong sasabihin yun kahit kanino ha? " takang taka talaga ako sa sinabi niya na wag ko daw sabihin kahit kanino, anung meron? bakit ayaw niya ipaalam sa iba?
" e bakit ayaw mong sabihin sa iba na ikaw yung anak ng may-ari ng school na to? "
" e kasi pagnalaman nila na ako yung anak ako ng may-ari ng school na to bibigyan nila ako ng special treatment. " katwiran sakin ni joyce
" oh!? ayaw mo non pagnalaman nila yung totoo wala nang mangbu bully sayo at hindi kana pagtutulungan nung mga mayayabang na yun na sila nadine. "
" gusto ko kasi na makaranas ng normal na buhay, hindi ko kasi naranasan dati yun ee. " malungkot na pagkakasabi niya sakin
" ahh kaya pala, bakit mo naman nasabi na hindi normal yung buhay mo dati? " tanong ko kay joyce tas napatingin ako sa mga mata niya feel ko maiiyak na siya
" sorry anne siguro sasabihin ko nalang sayo yung totoo pag handa na ako. " sabi sakin ni joyce halatang halata na ayaw niya talagang matandaan yung mga nangyari kaya nag okay nalang ako kay joyce at nanahimik nalang ako habang nag iisip.
BINABASA MO ANG
I think I love you
Teen FictionJenny Anne Villanueva 16 year old a super rich girl, maganda, mabait, friendly, matalino, lahat na ata na sa kanya pero lahat ng yun ay nagbago dahil sa nakaraan niya kaya napaisip niya na magpunta sa boracay at dun nalang siya mag aral sa Heaven's...