Chapter 13

29 3 0
                                    

" Jenny "

paggising na paggising ko palang masayang masaya na agad ako dahil syempre sa mga nangyari kagabe kaya mabilis na agad akong kumilos para makapasok na ko sa school, kailangan magpaganda ako at tsaka kailangan kong ipaalam kay joyce yung tungkol sa relasyon naming dalawa ni louise, grabe excited na ko pumasok, pagtapos mag-ayos dumiretso na agad ako sa school.

At the school

nakita ko na agad si louise na nasa labas ng gate at halatang masayang masaya siya, ano kayang nangyari kagabe? pumayag kaya parents niya?

papalapit na ko kay louise kaya tinawag ko na siya.

" Good morning louise. " masigla kong bati sa kanya

" good morning din sayo jenny. " sabay kiss sa cheeks, kyaaaaah, kinikilig na ako

pagtapos naming magbatiang dalawa naglakad na kami habang naka holding hands, habang nasa hallway kaming dalawa at naka holding hands napansin ko na maraming nakatingin saming dalawa.

" bakit magka holding hands silang dalawa ni prince louise? sila na ba? hindi sila bagay? " sabi nung isang girl malapit sakin.

nung narinig ko yung sinasabi nila tinanggal ko yung kamay ko sa pagkahawak ni louise pero ayaw niyang tanggalin yung pagkahawak sakin at mas hinigpitan niya pa.

" louise bitiwan mo nalang kaya yung kamay ko para hindi na tayo pinagtitinginan. " bulong ko kay louise

" okay lang yan gusto kong ipakita sa kanila kung gano kita kamahal. " sabay ngiti sakin, napatingin naman ako sa ibang direksyon dahil alam kong namumula na ako at baka pagnagpatuloy pa to baka ano pa ang magawa ko.

pagtapos ng ilang minuto nakapunta na kami sa room.

" dude musta? " sabi ni mark habang nakikipag apir ka louise at bigla naman siya napatingin sa kamay naming dalawa?

" kayo na? " tanong ni mark

" oo tol amg saya saya ko nga ee. " proud na sabi ng magaling kong boyfriend na si louise, napansin ko naman biglang kumunot yung nuo ni mark at nakatingin siya ng masama sakin

" kelan pa? " tanong ulit ni mark, nakaka ang kulit niya ano bang paki niya, Tskkk..

" kahapon lang. " nakangiting sabi ni louise

" ahh sige louise alis na ko punta lang ako sa cafeteria. " inis na sabi niya

anong problema niya? nagseselos ba siya? pero imposeble naman yun, bahala na nga

pagtapos mag usap ni louise at mark pumasok na kami sa room at nakasalubong namin si nadine akala ko tatarayan niya ako pero nginitian niya lang ako.

kinidlatan ba kanina si nadine at parang good mood siya ngayon? bahala na nga at least mukhang bumait na siya.

" sige louise mamaya nalang ulit, balik kana sa upuan mo. " sabi ko kay louise

" okay sige maya nalang, love you. " sabay kiss sa cheek ko nanaman

" tama na nga louise kanina ka pa kiss ng kiss dyan sige na alis na. " asar ko kay louise at napangiti naman siya sakin

pagbalik ni louise sa upuan niya napansin ko si mark na nakatingin nanaman ng masama sakin habang papunta siya sa upuan niya.

" mark anong problema mo? ang aga aga tapos ganyan na agad yung itsura mo. " nakangiti kong sabi ka mark

" wala, wag mo nga kong kausapin at nababadtrip ako ngayon. " cold na pagkasabi sakin ni mark grabe no kayang problema niya

I think I love you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon