Chapter 9

34 5 2
                                        

" Louise "

hindi ko inaasahan na makikita ako ni jenny dito sa may eskinita kung san kasama ko si nadine, oo si nadine siya ang girlfriend ko, naging girlfriend ko siya dahil sa mga parents ko at gusto nila na kaming dalawa ni nadine ang magkatuluyan kaya pinilit nila akong maging girlfriend si nadine kahit na ayaw ko pero walang nakakaalam nun sa school dahil ayokong malaman nila ang totoo, si johnny at mark lang ang may alam tungkol saming dalawa ni nadine, sinabi kasi sakin ni mark yung nangyari kay nadine at jenny kaya napilitan akong sabihin sa kanila ang lahat at sinabihan ko si mark na alagaan at bantayan si jenny dahil nung una kong nakita si jenny na love at 1st sight na agad ako sa kanya.

inaamin ko nagulat ako sa sinabi sakin ni jenny na mahal niya ko dahil hindi ko talaga ine-expect na maiin-love din siya sakin, pero kahit na alam ko na pareho lang pala kami ng nararamdaman hindi ko na ipaglaban dahil kami na nga ni nadine at hindi ako pwedeng makipag break sa kanya dahil magagalit ang parent ko sakin, at nung makita ko siyang umiyak galit na galit ako sa sarili ko wala akong magawa kundi panuorin lang siyang umiyak at tumakbo papalayo sakin.

" hey babeeeeee! " bigla akong nagising sa ulirat ko ng tinawag ako ni nadine ng malakas

" huh? ano yun babe? "

" ano ano ka dyan babe kanina pa kita kausap pero hindi mo ko pinapansin, may problema kaba? " inis na tanong niya sakin

" wala akong problema. "

" ahh alam ko na naaalala mo parin yung nangyari sa inyong dalawa nung palaka na yun no? ano bang meron sa kanya ha? " asar niya sakin

" pwede ba tigilan mo na ako at alam mo ba kung ano ang meron siya? meron siya ng wala ka kaya tigilan mo muna ako!! " inis na sabi ko sa kanya, nakakapikon kasi na tinatawag niya na palaka si jenny samantalang mas mukha naman siyang palaka

" Okay fine. "

--------------------------------------------------------------------------

" Jenny's Pov "

sa kakaiyak ko hindi ko namalayan kung saan na ako napupunta kahit na gusto ko nang dumiretso sa pag uwi hindi ko na talaga alam kung asan ako kaya dumiretso nalang ako sa bahay ni mark habang umiiyak.

ding dong, ding dong, ding dong

pero wala paring nagbubukas ng gate pero mayamaya binuksan na din ni mark yung gate.

" ano ba yan jenny anong oras na oh! tas may gana-- wait jenny umiiyak kaba? " tanong sakin ni mark na halatang nag aalala na sakin

" pwede ba akong pumasok?" kahit na nakakahiya sa kanya, gusto ko talagang may makakausap kaya pagtitiisan ko muna si mark

pagpasok ko sa bahay ni mark pinaupo na ako ni mark at binigyan ng tubig.

" okay kana ba Nie? " tanong sakin ni mark

" oo okay na ko ngayon, thank you. "

" ano bang nangyari nie ba't ka umiiyak? " halatang nag aalala parin sakin si mark

" si louise kasi ee. " tapos bigla nanaman akong umiyak at hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin sa kanya ang lahat ng nakita at nalaman ko.

" alam mo ba kung sino yung girlfriend ni louise? " tanong sakin ni mark

" sino

" si nadine yung girlfriend niya yung babae na pinahiya ka sa buong student sa school. " sabi sakin ni mark

" a-a-ano sino? pakiulit nga ulit. "

" si Nadine, N-A-D-I-N-E yan inispell ko pa sayo. " asar niya sakin at nginitian ako pero hindi ko na talaga kaya, yung babae na ipinahiya ako sa buong student ay siya rin palang girlfriend ng taong mahal ko, sa sobrang sakit na nararamdaman ko hinayaan ko nalang yung sarili ko na ilabas lahat ng sama ng loob.

I think I love you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon