Chapter 4

45 5 0
                                    

" Jenny "

Pagpasok ko sa school medyo kinakabahan na ako at napansin ko na ang daming tumitingin sakin at yung ibang mga babae kulang nalang kainin ako hindi ko alam kung bakit siguro dahil sa nangyari kahapon samin ni mark.

hay naku hanggang ngayon ba naman.. tsskkk!!

grabe isang araw lang kaming nagkasama at ganun na agad ang kinalabasan agad na akong nain-love kay louise, mayamaya pa nakapasok na agad ako sa room namin pagkaupo ko tulala lang ako at napansin ni joyce na tulala ako kaya sinagawan niya ako sa tenga ko.

" hoy anne? " sigaw saki ni joyce

" ano yun joyce? makasigaw ka naman diyan. " inis na sabi ko sa kanya.

" what's your problem anne? bat tulala ka? para kang ewan jan tutulo na laway mo dahil sa pagkatulala mo. " asar sakin ni joyce,

naku naman ang kulit naman ng babaeng to hindi tlaga ko tinitigilan.

" wala may iniisip lang ako. "

" ano naman yun? " tanong niya sakin

" alam mo tsismosa ka din no. " inis na sabi ko

" grabe ka naman, i'm sure dahil yan sa mga star idols diba? " aba magaling siyang manghula ahh..

" hindi aa! at bakit ko naman sila iisipin aber? " pagkakaila ko sa kanya sana effective yung acting ko

" ee baka naman kasi naiin-love kana sa isa sa mga star idol. " sabi niya sakin and gosh she' giving me an evil glare and smile. nakakakilabot tong babae na to.

" as if naman na mangyayari yun? "

inis na sabi ko sa kanya, onti nalang sasabog na ko sa sobrang inis dahil sa kakulitan ng babae na toh

" sure ka ha? basta sabihin mo nalang sakin pag in-love kana sa isa sa star idol, wag ka mag alala tutulungan kita pag nangyari yun. " and she gave me another evil smile then she walk away.

sa sobrang inis ko feeling ko isa akong volcano at para nang puputok sa sobrang inis.

sheeessh! bakit kasi kaylangan ko pang magkagusto kay louise nakakainis talaga.

after 10 minutes our teacher's already enter the classroom our first class is math so bored na bored ako chini check ng teacher namin yun attendance at tinawag yung tatlong ungas namin na kaklase este yung star idols pero wala sila.

san kaya sila? kumusta kaya si louise?

jenny, louise nanaman tama na mag focus ka okay.

natapos na ang first class kaya break time na namin gaya ng dati si joyce parin yung kasama ko pag break time at lunch time.

habang naglalakad kami hinarang nanaman kami nung mukhang palaka na yun nasi nadine at ang mga alipores niya. nakakastress na sa hair ang mga to ha.

" ano nanaman kaylangan mong babae ka? " sarcastic na tanong ko sa kanya.

" anong ibig sabihin nito? " pinakita niya sakin yung isang picture na magkasama kaming dalawa ni louise?

hala pano nila kami nakuhanan ni louise na magkasama?

" kaylangan ko pa bang biglang ng ibig sabihin yan? " tanong ko sa kanya

" aba ang yabang mo aa! ang kapal ng mukha mo bago ka lang dito kaya wag mo kong ginaganyan dahil baka anong magawa ko sayo? " pananakot niya sakin.

Tskk! ano namang paki ko at para namang natatakot ako? pero patay ako mapapa away pa ata ako nito.

" bakit anong gagawin mo sakin? " gusto mo hamunan ha.

bigla siyang nanahimik sabi ko na nga ba ee hanggang salita lang siya kaya tumalikod nalang ako sa kanya at nag umpisa na kong maglakad kaso nga lang hinila niya yung buhok ko.

" gusto mong malaman kung anong gagawin ko sayo? " sabi niya sakin at hinila niya yung buhok ko papuntang canteen at nakita nila ako na hinahatak ni nadine yung buhok ko habang si joyce naman sinusundan lang kami at inaawat si nadine sa mga gagawin sakin.

Sh*t alam ko na ata yung mangyayari pero sana naman hindi mangyari.

" nadine bitawan mo na ako. " awat ko sa kanya feel ko talaga malapit na kong maiyak.

" diba nakikipag hamunan ka sakin? ngayon tanggapin mo tong gagawin ko sayo. " habang hila parin yung buhok ko.

" girls dalhin nyo dito yung pagkain bilis... " utos niya dun sa mga alipores niya at agad naman dinala nung mga yun yung pagkain na menudo at tinawag niya lahat ng mga tao sa canteen.

" guys tignan nyo kung pano ko siya ipahiya sa harapan nyo. "

at inginudngod ni nadine yun mukha ko sa pagkain ng matagal na halos hindi na ko makahinga at yung mga nanunuod parang wala silang paki sakin binapabayaan lang nila si nadine na gawin ang lahat sakin habang si joyce naman hindi niya ko matulungan dahil hawak siya nung mga kaibigan ni nadine.

naiiyak na talaga ako sa mga nangyayari pinapahiya na ako ni nadine at hindi man lang ako makalaban sa kanya.

" ano? ang kapal ng mukha mong sumama kay louise tandaan mo akin lang siya at hindi mo siya pwedeng agawin sakin. " sabay ngudngod nanaman sa mukha ko.

" tigilan nyo yang ginagawa nyo kay jenny, nadine." may isang lalake na sumigaw kaya natigil si nadine sa ginagawa niya sakin

bigla akong napatumba at nanlalabo na ang mata ko dahil sa pagkain kaya hindi ko namukaan kung sino siya at tuluyan na kong nahimatay ang naaalala ko na lang ay galit na galit yung lalake dun kila nadine..

Sino kaya yung lalake na yun noh guys? sa tingin nyo ba may bagong lalake nanaman na papasok sa buhay ni jenny? let's find out in chapter 5.

I hope you like my story guys Love you

and just

Like

Comment

and

Share

Thanks guys..

I think I love you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon