HATRED 7

54 2 0
                                    

Dedicated to  her ;))) thank you for your very inspiring comment! enjoy!

***********[CHAPTER 7]**************

Aya’s POV

Hindi ako masyadong nakatulog ng dahil sa kakaisip ko kung paano ako makakalapit kay Daniel Lee Perez. Mahinahon akong naglalakad ngayon papuntang Engineering Building.

NAKAPAGTATAKA?

Oo, tama! Ang halimaw na si Perez ay isang engineering student ng Ylleshnne University. Maniwala kayo o hindi, si Daniel Lee Perez lang naman ang pinakasikat na Engineering student dahil siya ang laging top student. Well, lahat naman ng student ng Engineering ay sikat at mayayaman. Pero si halimaw ang pinaka matalino sa kanila. Shooooo!. Hindi halata !

“Miss, bawal ang hindi estudyante ng Engineering dito,” sabi sa akin ni Kuya Guard bago ako tuluyang makapasok sa high-tech na glass door ng Engineering building.

Napataas naman ako ng kilay pero pinigilan ko ang aking sarili.

Good manners Aya Selena .

“May pupuntahan po ako Kuya,”sagot ko naman sa kanya

Nagtaka naman siya.

“Ahh, kaibigan ko  po.Dadalhan ko lang sana ng lunch,”sabi ko ulit sa kanya ng mapansin kong nakakunot ang noo niya at parang nahihiwagahan sa mga sinabi ko. Ugh! Papasukin mo na lang ako !

“Bawal nga Miss, palabasin mo na lang siya. Hindi ka pwedeng pumasok,sige tabi ka dyan at nakaharang ka..,”sabi naman niya at talagang pinatabi pa ako!! Grr! Imposible naman yung sinasuggest mo kuya eh! Si DANIEL LEE ‘HALIMAW’ PEREZ uutusan kong lumabas dito? ASA KA ! LUMUHA KA MUNA NG BATO bago niya gawin yun!

“Kuya, saglit lang naman ako eh--”

“Ayy nako Miss ang kulit mo naman eh…”

“BABE!!!!!!,” nagulat kaming dalawa ni Kuya ng makiita naming naglalakad si halimaw papunta sa amin.

Sobra sobra ang ngiti ng loko at parang may binabalak na masama.

“SIya ba ang pupuntahan mo iha?,” bigla namang tanong sa akin ni Kuya na halatang nagulat ng tinawag ako ni Halimaw

Hindi ko na siya nasagot dahil laglag ang panga ko ng mas lalong lumapit si Daniel sa amin at inakbayan ako .

“Ba’t di mo siya papasukin ha? Girlfriend ko ‘to eh,” sabi naman ni halimaw at talagang nakaakbay pa sa akin!

Gusto ko siyang sapakin at sabunutan lalo na ng nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag ngisi niya.

Kainis!!!!!!!!

“Eh Sir, hindi naman po niya sinabing ikaw ang pupuntahan niya .Sabi niya kaibigan daw…,” sagot naman ni Kuya Guard saka niya ako tinignan

Tumawa naman si Halimaw at sumagot, “Shy type ‘tong girlfriend ko eh, sige na..pasok na kami at medyo marami pa kaming gagawin..” tapos kinindatan niya ako.

WAAH! Gusto ko siyang sampalin !

“Sige ho, ’sagot na lang ni Kuya at hinayaan na kaming pumasok.

Nakaakbay pa rin si Halimaw at mukhang walang balak na bitawan ako.

Napansin ko namang pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Mga lalaki sila .. Walang babae!! Ano ba ‘tong pinasok ko???!!

LOVE WRECKER (under construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon