***********
MSPATRICKSTAR’S NOTE :
Hey my beloved readers! Thank you for reading this story:)) pwede bang humingi ng favor si author? Pwede bang mag comment kayo about dito sa story? Pretty please^____^
Salamat ! kindly add this to your reading lists! And kung bet nyo po ang chapter ay pwede nyo rin pong i-vote:))
Follow me to keep updated :))
*********CHAPTER 10************
Aya’s POV
“Ano na naman ba?,” nakakunot noo kong tanong kay Daniel ng makita ko siya pagkalabas ko ng pinto.
“Sabay na tayo pumasok, girlfriend,” cool niyang sagot habang nakasandal sa kanyang kumikinang na Lamborghini.
Inirapan ko siya at nagsimula na akong maglakad papunta ng university. Pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong binuhat na pangkasal.
“Ibaba mo nga ako !!!,” amoy na amoy ko na naman ang pabango niya at siguradong didikit na naman ito sa damit ko. Napahawak naman ako sa manggas ng polo niya para hindi ako malaglag.
“Nah-uh, sabay tayong papasok gamit ang kotse ko o bubuhatin kita hanggang sa building nyo? Pili na girlfriend. ,” nakangiti niyang sagot at talaga namang labas ang kanyang perfect white set of teeth.
Napapikit ako dahil sa frustration. Bakit ko pa kasi sinabing gusto ko siya?
“Fine. Ibaba mo ko at sasakay ako sa kotse mo, happy?,” sarcastically kong sagot.
Marahan naman niya akong binaba at nakasimangot na naglakad papunta ng kotse niya para pagbuksan ako ng pinto sa front seat.
“Anong sinisimangot mo ha? Sasabay na nga ako diba? Eto na oh, sasakay na sa kotse mo, tss,” sabi ko sabay bukas ng pinto sa backseat at pumasok na ako. Asa naman siyang tatabihan ko siya sa unahan. THE NERV E!
Nag smirk siya dahil sa ginawa ko at pabagsak niyang sinara ang pinto sa front seat. Sumakay na siya sa driver’s seat pero hindi niya pinaandar ang sasakyan bagkus ay nilingon niya ako at tinignan ng masama.
Humalukipkip naman ako at tumingin sa labas ng bintana.
“di pa ba tayo pupunta ng university? Male-late ako.,” sabi ko ng hindi siya tinitignan dahil alam kong nakatitig pa rin siya sa akin ng masama.
“Woah, gusto mo ba akong pagmukaing driver mo ha? Lumipat ka dito,” tanong niya ng nakakunot noo sabay tapik sa upuan na katabi ng driver’s seat.
Tinignan ko siya ng matalim.
“Sino ba nagpumilit na ihatid ako? Sige, bababa na lang ako,” sabi ko saka ko binuksan ang pinto pero agad naman siyang nagsalita.
“Fine! Tss ! ,” pasigaw niyang sagot saka pinaandar na ang makina. Sinara ko naman ang pinto at ngumisi ako. See that! Panalo ako .
Pagdating namin sa parking lot ng Ylleshnne University ay agad ko namang napansin ang isang sasakyan na pinagkakaguluhan ng media.Maraming mga reporters ang nagaantay sa pagbaba ng nasa loob. Sino kaya yun?
“We’re here your highness,” may halong sarcasm na sabi ni Daniel kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
“Ang sungit mo talaga sa akin girlfriend..tanong ko lang..allergic ka ba sa gwapo?,”tanong niya ng mapang-asar kaya inirapan ko lang siya at mabilis na akong lumabas sa sasakyan niyang lamborghini.
BINABASA MO ANG
LOVE WRECKER (under construction)
Novela JuvenilDi ba dapat kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo siya kailanman sasaktan? Bakit maraming umiiyak? maraming brokenhearted? maraming nagiging emo? kailangan mo pa bang sumama sa mga kwentong sawi sa pag-ibig??? well, ako hindi... MAH HATER yata 't...