********* CHAPTER 8 ********
Aya’s POV
*boogsh*
“Aww!,” halos maluha na si Daniel habang hawak ang binti niyang sinipa ko ng ubod ng lakas. Kainis! Nanakawan niya ako ng halik at worst dahil first kiss ko yon!
“naiinis talaga ako sayo manyak ka!,” sigaw ko sa kanya ng ubod ng lakas.
Paika-ika naman siyang umupo sa upuan at hinimas ang kanyang binti.
“Grabe naman Aya ! ang sakit mo namang magmahal! Bali na ata buto ko eh!,” sabi naman niya na nakakunot ang noo at iniinda ang sakit dulot ng pagkakasipa ko sa kanya.
“Manyak!,” bulyaw ko sa kanya at nagbadya na akong lumabas ng room pero agad naman siyang sumigaw para pigilan ako.
“Aya! Akala ko ba gusto mo ako? Iiwan mo ko ng ganito? Gusto mo bang makasuhan ha? May cctv camera ang bawat room ng Ylleshnne University, so pati ang classroom na ito. ,” tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya at padabog akong lumapit sa kanya.
“Anong gusto mong gawin ko?,” nag cross arm pa ako sa harap niya.
“Dalhin mo ko sa hospital, seriously, nalumpo na ata ako sa lakas ng pagkakasipa mo sa binti ko Aya. ,”
“Are you insane? Dadalhin kita sa hospital?Masyado ka naman atang maarte niyan PEREZ ,“ tinaasan ko siya ng kilay
“Sa clinic na lang , please..Girlfriend,” mahinahon at malambing niyang sambit. This is really stupid.
“Fine, ” sagot ko na lang at inalalayan ko na siya para makatayo. Inilagay ko ang braso niya sa balikat ko at ganun din ang ginawa ko . Dahan dahan kaming naglakad palabas ng room at sa hindi ko malamang dahilan ay parang nagkakaroon ng maraming paru-paro sa loob ng tiyan ko.
“Sa 4th floor pa yung clinic girlfriend, mag –elevator tayo, ” sabi naman niya at ramdam kong nagsitindig ang mga balahibo ko dahil sa hininga niya na sobrang lapit.
“Wag mo nga akong tawaging girlfriend.” Sabi ko naman at inirapan ko siya
“Tsk. Sungit mo naman. Hindi pa kasi pwedeng ‘wife’ Aya! Masyado kang advance!,” nakangisi niyang sagot kaya napahinto ako sa paglalakad at syempre ganun din siya.
“Pag ako nabanas sa iyo, ihuhulog kita sa hagdan para matuluyan ka na! ano? May sasabihin ka pa ba?,” seryoso ang tono ng pananalita ko
Tumawa naman siya . “Alam mo, sa lahat ng babaeng nagtapat sa akin na gusto nila akong maging boyfriend, ikaw lang ang galit at naiirita. Yung ibang mga babae lumuluhod para maakbayan ko lang, pero ikaw na nahalikan ko lang saglit ng di sadya, galit pa! hahaha! Interesting ka talaga girlfriend!,” nakangisi niyang sagot. Kainsi! Inirapan ko na lang siya dahil baka mamaya ay totoong mapatay ko na ‘tong halimaw na ito.
Pumasok na kami ng elevator at pinindot ko na ang 4th floor para madala ko na ‘tong halimaw sa clinic at makalayas na ako dahil kailangan ko na talagang maligo dahil sobrang kapit na ang pabango niya sa akin.
Naramdaman ko namang nillipat niya ang mga braso niya sa bewang ko kaya agad ko itong tinanggal.
“Gusto mo talagang subukan ang pasensya ko ano? Gusto mo talagang dito sa elevator bawian ng buhay ha? ,” pagbabanta ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
LOVE WRECKER (under construction)
Novela JuvenilDi ba dapat kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo siya kailanman sasaktan? Bakit maraming umiiyak? maraming brokenhearted? maraming nagiging emo? kailangan mo pa bang sumama sa mga kwentong sawi sa pag-ibig??? well, ako hindi... MAH HATER yata 't...