PROLOGUE

110 4 0
                                        

Prologue

..

“Will you marry me?,” sinsero niyang tanong habang nakaluhod. Dahan dahan niyang nilabas ang isang pulang kahon mula sa kanyang bulsa. Binuksan ito at tumambad ang isang singsing na ubod ng ganda.

Nakita ko kung paano siya tumingin na punong-puno ng pag-asang makakamit niya ang matamis na oo na hinihingi niya.

Tahimik ang mga taong nakapaligid na animo’y kinakabahan din sa magiging kasagutan. Lahat naka-titig sa dalawang taong sentro ngayon ng atraksyon.

Nananatili siyang nakaluhod at matiyagang nag-iintay ng sagot.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin.. kung ano ang dapat kong maramdaman.. parang sasabog ang puso ko …

“Yes, I will marry you …,’ sumilay ang napakagandang ngiti ng dalaga.. gayundin ang binata at sinuot niya ang singsing sa daliri ng dalaga at mahigpit itong niyakap..

Umingay ang paligid dulot na rin ng hiyawan at palakpakan ng mga taong kanina pa nanunuod..

Pero bakit hindi ko magawang ngumiti? At wala akong lakas para palakpakan sila?

Lumandas sa aking pisngi ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan..

Sa huling sandali ay sinulyapan ko sila..

“Masaya na sila. At mas magiging Masaya pa…” nasambit ko sa sarili ko habang pinagmamasdan sila….

Ngunit bago ko tuluyang iwan ang lahat ng ninanakit ko……

Sa pagkakataong ito ay nagkasundo ang puso’t isipan ko….

‘Na ako dapat ang nasa posisyon niya.. Ako dapat at hindi siya.’

I, Aya Selena Cruz

Get used to laugh at him whenever he says he loves me.

Get used to throw away his feelings for me.But I also learned to live my life by his side. Where is he now?—Maybe he’s too far away that I cannot see his smile. ---I confess, I need this guy who captured and mended my broken heart.--

Am I too late to win him back?

LOVE WRECKER (under construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon