HATRED 5

42 2 0
                                        

************[CHAPTER 5]**********

 Aya’s POV

Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko dahil sa nangyari kanina. I know, medyo rude ang pagkagat sa tao pero hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun sa Daniel na yan. Maybe I’m just being so impulsive pagdating sa kanya. AYOKO SIYANG MALAPIT SA AKIN!

Pinuntahan ko ang locker ko para kuhain ang mga art materials dahil may practicum kami mamaya. At as usual, may letter na naman mula sa aking stalker na masyadong persistent .

Napabuntong hininga na lang ako at binuksan ang nakatuping papel. Wala namang masama pag binasa ko diba?

[Dear Aya,

I was walking yesterday and I passed by an Art Exhibit and do you know that you were the first person who crossed my mind…I know you’ll be a great painter someday and I wish you could draw my face and hang it in your own Art Shop.  Surely, I will not hesitate to  buy it.

P.S. I want you to smile more but I will love it if I’m the reason behind that bright smile of yours.

-Secret Admirer. ]

Aaminin ko, this Secret Admirer is something.  Masyado siyang maraming alam tungkol sa akin. He even know how to make me smile. Yes, painting is my weakness and every time na may pumupuri about sa pagkakaroon ko ng talent sa painting ay hindi ko mapigilang matuwa.

Pinunit ko yung letter at tinapon sa basurahan. Although nakakatuwa yung sinabi niya, I’m not that stupid para magpadala sa mga salita niya.

I am also pissed off dahil hindi ako yung tipo ng babaeng kinikilig pag may secret admirer.

Psh. Love is a waste of time.

I don’t care and I don’t trust man.

At tuluyan na akong pumasok sa room para sa subject ko ngayong araw. Tama. Mas mahalaga ang pag-aaral kaysa sa lovelife.

xxxxx –xxxxx - xxxx

Trish’s POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Aya para bisitahin siya. Simula ng umiyak ako at nagpaka-emo nung nakaraan ng dahil kay Grei, naitindihan ko na siguro hindi ako bagay sa kanya dahil in the first place ay alam ko namang katulad din siya ng bestfirend niyang si Daniel Lee Perez na isang babaero.

Kakatok na sana ako sa pinto pero hindi ko napigilang marinig ang usapan ng Mama ni Aya at ng isa pang babae.

“I’m sorry Mrs. Cruz, masyado na pong malaki ang utang ninyo sa banko at kung hindi ninyo mababayaran ito, kailangan na naming kunin itong bahay ninyo ,” narinig kong sabi nung babae

“Opo, naiintindihan ko naman iyon.. pero pwede bang bigyan niyo pa ako ng ilang araw para magawan ko sana ng paraan at mabayaran ko na kayo ,”pakikiusap ng Mama ni Aya

“Masyado na hong matagal ang palugit na naibigay sa inyo Mrs. Cruz kaya naman kapag hindi nyo nabayaran ang utang ninyo sa loob ng tatlong araw, hindi na po kami magdadalawang sisip na kuhain itong bahay ninyo. Pasensya na po ”

“naiintindihan ko, salamat po,” sabi naman ni Mrs. Cruz at narinig kong gumalaw ang mga upuan at ito na ang hudyat na lalabas na sila kaya naman umalis na ako sa pintuan at mabilis na naglakad palayo.

Kailangan kong tulungan si Aya! Hindi maaring mawalan sila ng bahay!

xxxxxxxxx-xxxxxxxxxxxxxxxxxx

Aya’s POV

“Aya naman eh,” sabi ni Nikka Villafuerte . Kasalukuyan kaming nag-uusap dito sa coffee shop . Tapos na ang mga klase ko pero hindi pa rin ako makauwi dahil hinarang niya ako para makapag-usap daw kami

“No Ms. Villafuerte, hindi ko talaga kayang gawin yung pinagagawa mo..look, ayokong makapatay ng tao lalo na kung si Daniel pa ang mapapatay ko…AYOKONG MABAHIRAN NG DUGO NG MGA PLAYBOY ang malilinis kong mga palad..ayoko,.” sabi ko naman sa kanya ng seryoso

“pfffft.. You’re funny! Hindi ko naman sinabing patayin mo si Daniel eh! Hahaha. Ang gusto ko lang ay akitin mo siya ! ,” sagot naman ni Nikka na sobrang tawa ng tawa

Bumuntong hininga ako. This is going insane!

“Yes, hindi mo nga inutos na patayin ko siya pero look at the situation, I despise him a lot to the point na makita ko pa lang ang mukha niya ay nasusuka na ako! At isa pa, anong aakitin? Do you think maaakit ko iyon? Look at me….hindi ako papantay sa mga babaeng nakakadate niya..”

Tumigil naman sa pagtawa si Nikka at tumingin sa akin ng seryoso.

“You are beautiful Aya, and knowing the tricks of the playboy, isa kang thropy …diba nga nilapitan ka pa niya ? I bet he must be that persistent..”

Napairap naman ako sa sinabi niya. Seriously! Why can’t she just drop this issue at humanap na lang ng iba!

“It’s still a NO. ,” sagot ko at saka tumayo na ako para umuwi.

“Wait Aya, in case na magbago ang isip mo, this is my calling card ha,” tapos nilagay niya sa kamay ko ang isang papel at nginitian ako.

Nagtaka naman ako.

Bakit binibigyan niya ako ng calling card eh alam naman niya ang number ko..

Umalis na ako at naglakad pauwi . Naisipan ko namang dumaan muna sa mall para bilhan ng regalo si Mama. Malapit na kasi ang birthday niya at gusto ko na kahit hindi mamahalin ay maregaluhan ko siya. May naipon naman ako mula sa allowance ko.

 Pumunta ako sa department store at nagtingin ng mga damit. Natuwa naman ako ng makakita ako isang t-shirt na may nakasulat na ‘CERTIFIED IYAKIN’ at naalala ko agad si Trish.

Bibilhin ko na sana pero nanlumo ako ng makita ko ang presyo…5OO PESOS para sa isang t-shirt?!!!!

This is ridiculous!

Kaya naman binalik ko na lang tapos pumunta na ako sa cashier para bayaran ang blouse na binili ko para kay Mama.

Lumabas na ako ng department store para makauwi na at sa bahay na lang siguro ako kakain dahil siguradong mas masarap naman ang luto ni Mama kaysa sa mga pagkain dito sa mall.

Mula sa isang mamahaling boutique ng mga damit ay nahagip naman ng aking mga mata ang isang taong nakapagpapakulo ng dugo ko..

The halimaw, DANIEL LEE PEREZ.

May kasama siyang maputing babae na abala sa pamimili ng damit….

WOW. ONCE A PLAYBOY,  ALWAYS A PLAYBOY nga naman.

Napataas na lang ako ng kilay at umuwi na sa bahay.

****************************

(Thank you for reading! I will be very happy to read your feedbacks about this story. Kindly comment :))   share this story !)

LOVE WRECKER (under construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon