HATRED 6

41 2 0
                                    

**********[CHAPTER 6]********

Trish’s POV

Nandito ako sa office ng Papa ko para humingi ng tulong. Ayoko naman na  mawalan ng bahay sila Aya at tumunganga na lang.

“Where’s my dad?,” tanong ko sa secretary niya

“Nasa conference po ngayon ang dad ninyo Ma’am Trish, may meeting po siya kasama ang board of directors,” sagot naman ng secretary niya

“Okay, I’ll just wait here hanggang matapos ang meeting niya and tell him na nadito ako at gusto ko siyang makausap okay,”sabi ko naman at tumungo naman ang secretary ni Dad.

Nag ikot-ikot naman ako sa loob ng company. Someday ako ang magmamana ng company namin. Walang alam si Aya na anak ako ng CEO at akala niya ay katulad lang din niya ako na simpleng scholar ng Ylleshnne University pero mali siya. Hindi ko naman gustong mag lihim sa bestriend ko pero ayoko kasing ipagkalat ang tungkol sa identity ko..maybe sa tamang oras ay sasabihin ko na kay Aya ang pagkatao ko, I know na matatanggap niya..

“Trish?!!,”napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa akin .

“Nikka!!!,” nilapitan niya ako at niyakap.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Meet Nikka Villafuerte, my beloved cousin.

xxxx-xxxxxxxx-xxxxx

Aya’s POV

“Mama, kailangan ba talaga nating umalis?,” tanong ko kay Mama habang abala siya sa pag eempake ng damit.

“Hindi anak, maiiwan ka. Hindi ka sasama sa akin. Makitira ka muna kila Trish. Babalik din ako ha…,” sabi naman niya na nagpagulo sa isip ko

“Ma, bakit ka aalis? Ano po bang problema? ,”seryoso kong tanong sa kanya.

Napatigil naman sa pag eempake si Mama at naupo sa kama. Tinabihan ko naman siya.

“Pasensya na anak ha,”sabi niya saka hinaplos ang buhok ko.

“Bakit ma? Ano bang nangyayari?.”

“Aya, makinig ka ..lubog na tayo sa utang at wala akong magawa…..kukunin na ng bangko itong bahay natin …pasensya na..”nakita kong namuo ang luha gilid ng mga mata ni Mama .

Ayokong nakikita siyang malungkot .. Gagawa ako ng paraan..

Niyakap ko siya ng mahigpit..

“Ako na pong bahala Mama…”

Ilang oras na akong nakatulala sa calling card na binigay sa akin ni Nikka. Tawagan ko na lang kaya siya at manghingi ng tulong? Diba mayaman siya at siguradong may maipapautang siya sa akin na pera.

Lumunok muna ako ng ilang ulit bago ko tinawagan si Nikka..

[Hello ! This is Nikka Villafuerte, how can I help you? ]

Himinga ako ng malalim at nagsalita

“Hello Nikka, si Aya ‘to”

[I know ! hahaha. So ano na?]

Napapikit na lang ako bago ako magsalita at humugot ng lakas ng loob..

“Payag na ako. Gagawin ko ang gusto mo. Pero kailangan mo akong pautangin ng 2 million ,”

[YES! THANK YOU ! FINALLY AYA! FINALLY! Sure, nakadeposit na yung 2 million sa account mo, pwede mo ng i-withdraw kahit ngayon na ]

Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

“Paano mo nalaman na kailangan ko ng 2 million? ,”

[ahhh…instincts? Hahaha.. sige na, gabi na Aya..tulog na ha…basta yung plano natin ha..wag mo kalimutan..pag hindi ka tumupad sa usapan, kailngan mong bayaran ang 2 million ng cold cash. Bye Aya! Good luck !]

“Fine, bye” tapos ay pinindot ko na ang end button.

Humiga ako sa kama at inabsorb ang ginawa ko.

This is the most ridiculous thing I have ever did in my entire life.. ugh!

LOVE WRECKER (under construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon