*********CHAPTER 9**************
Aya’s POV
Naramdaman kong may humahaplos ng aking pisngi kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nasilayan ko ang isang napakagwapong halimaw sa balat ng lupa.
Tumaas ang kilay ko at inalis naman niya ang kamay niya na nasa mukha ko saka ngumisi .
“uuwi na ako.,” sabi ko at tumayo na ako para makauwi.
“Hatid na kita, girlfriend,” sabi naman niya at sinabayan ako sa paglalakad palabas ng clinic.
Huminto ako sa paglalakad at ganun din siya. Nilingon ko siya ng nakataas ang kilay.
“Kala ko ba masakit ang binti mo at hindi ka makapaglakad?,” tanong ko sa kanya ng naniningkit ang mga mata.
“Magaling na ako! Ikaw ang gamot ko eh!,” sabi naman niya at ngumiti ng pagkatamis.
Mas lalong uminit ang ulo ko.
“Ayoko na sundan mo ko ah, uuwi ako mag-isa at umuwi ka na din,” sabi ko at agad agad akong pumasok sa elevator at hindi ko na siya inantay na pumasok dahil agad ko itong pinindot para magsara.
Napabuntong hininga ako dahil sa wakas ay nilubayan ako ni halimaw. Lumabas ako ng engineering building at naglakad palabas ng Ylleshnne University.
Medyo madilim na din at siguradong nasa bahay na si mama.
Habang naglalakad ako ay napansin ko ang isang sasakyan na mabagal na sumusunod sa akin.
Huminto ako sa paglalaakd at hinarap ang sasakyan. Agad namang binaba ni halimaw ang bintana.
“Sabing wag mo kong sundan eh!,” sigaw ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin at parang nagagalak pa siya kasi nagtagumpay na naman siyang sirain ang araw ko.
“ISA! Kapag hindi ka tumigil sa pagsunod sa akin --,” napahinto naman ako at nag-isip ng pwedeng ipang blackmail sa kanya.
Inihinto niya ang sasakyan at lumabas para harapin ako.
“Ano? Anong gagawin mo girlfriend?,” mapanukso naman niyang tugon habang naka-cross arms pa.
Napairap ako at sinabing, “MAKIKIPAG BREAK AKO SAYO, KAYA SUNDIN MO GUSTO KO!,”
Tumawa naman siya ng malakas at napahawak pa siya sa kanyang tiyan.
“whoa! Ang galing mo mag joke girlfriend! Dami kong tawa dun ah!,”
Naikuyom ko ang mga palad ko at konti na lang ay masasapak ko na siya.
“Ehem,” sabi naman niya ng mapansin niyang hindi ako natutuwa sa ginagawa niya.
Nanatili akong nakatayo at seryosong tinitigan siya.
“YOU’LL BREAK UP WITH ME? Nah-uh, wala sa bokabularyo ko iyon Aya.. the moment you asked me to accept you as my girlfriend, you’re already mine,” sabi naman niya ng may malamig na tinig.
I smirked.
Hinawakan niya ako sa aking balikat at tinignan ako sa mga mata.
“YOU ARE MINE , Aya. ,” sabi naman niya bago ako tuluyang iwanan sa gitna ng daan. At pinanuod ko kung paano maglaho sa madilim na kalsada ang kanyang sasakyan.
Nabato ako sa kinatatayuan ko. He’s serious!
WHAT TO DO? I’M NOW HIS POSSESION!
**Trish’s POV**
“Love! Let me explain!,” narinig kong tawag ni Grei sa akin pero di ko siya pinansin.
Naiinis ako dahil ayaw niya akong tigilan. Ginagawa ko na ang lahat at iniipon ko ang aking lakas ng loob para masabi sa kanya na maghiwalay na kami. Pero pag nakikita ko siya, nanghihina ang mga tuhod ko.
Why do I love this guy?
“LOVE!,” nahawakan niya ako sa braso at hinarap sa kanya. Hindi ako nagsalita at hindi ko rin siya tinignan sa kanyang mga mata. Nanghihina ako pag napagmamasdan ko ang kulay abo niyang mga mata.
“let’s fix this okay, I miss you,” sabi niya at niyakap niya ako ng mahigpit.
Hindi ko siya niyakap pabalik. Ikinuyom ko ang mga palad ko at humugot ng malalim na hininga.
“I’m b-breaking up with you , I had enough Grei. I loved you but you never cared. I’m sorry for myself because I dared to love you, but this too much pain is enough Grei. I’m letting you go. ” seryoso kong sabi at tinanggal ko na ang mga braso niyang nakapulupot sa akin.
Ni hindi ko nakitaan ng kahit anong emosyon sa mukha si Grei. Hindi man lang siya tumutol! Ni hndi man lang niya ako pinigilan !
Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya pero umaasa akong pipigilan niya ako at yayakapin. Pero mali ako! Hindi niya kasi ako mahal! Tama si Aya na niloloko lang niya ako!
“T-trish,” napahinto ako sa paglalakad ng marinig kong tinawag niya ako. Please Grei, I’m begging you, just tell me you love me, I will run back to your arms..please..
“Sorry,”iyan ang huling salita na narinig ko mula sa taong mahal koat hindi ko na napigilan ang mga luhang walang tigil sa pagpatak. Parang pinipiga ang puso ko at sinasaksak paulit-ulit.
Sorry? Dahil minahal kita o dahil hindi mo ko kayang mahalin Grei? Na all this time niloloko mo lang ako.
I hate this !
BINABASA MO ANG
LOVE WRECKER (under construction)
Teen FictionDi ba dapat kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo siya kailanman sasaktan? Bakit maraming umiiyak? maraming brokenhearted? maraming nagiging emo? kailangan mo pa bang sumama sa mga kwentong sawi sa pag-ibig??? well, ako hindi... MAH HATER yata 't...
