IKALAWANG YUGTO

97 55 26
                                    

Author's note: credits to Xandddie for the image.

"Baliw," pasaring ni Rodel habang iwinawasiwas sa ere ang kanyang espada, kanina pa kasi parang batang naghihimutok sa galit si Marikit sabay bato ng kung anu-anong mapulot niya sa batis.


"Ayoko sa kanya! Kainis! Kainis! Bakit ba kailangan sila ang magdesisyon sa mapapangasawa ko? Masyado pa akong bata para sa kasal! Ni ayaw ko ngang maging reyna! Hoy Rodelito nakikinig kaba?" bulyaw ng prinsesa nang mapansing hindi siya pinakikinggan ni Rodel at patuloy lang ito sa kanyang ginagawa.

"Hoy Rodelito tuod! Sige ayaw mo akong pakinggan ha! Hetong sa'yo!" pumulot si Marikit ng isang kalahating tuyong buko na walang lamang saka ibinato kay Rodel.

"Aray!" gulat at marahas na napalingon si Rodel sa kinaroroonan ng prinsesa na kunwaring nanghuhuli ng isda.

Imbes na patulan ang ginawa ng prinsesa isinilid niya nalang ang kanyang espada sa lalagyan nito na nakasabit sa kaliwa niyang beywang at agad na nagtungo nga sa kanilang kabayo.

"O! Hoy! San ka pupunta? Iiwan mo ako dito?" gulat na turan ng prinsesa sa kanyang bantay.

Nang makaangkas na si Rodel sa kanyang kabayo agad niyang pinatakbo ito sa direksyon ng prinsesa.

"Te-teka! Tumigil ka! Anong ginagawa mo! Nababaliw ka na ba—" napatili ang prinsesa sabay pikit ng bigla na lamang hinigit ni Rodel ang kanyang beywang at pwersahang kinarga papunta sa harapan habang lulan ng kabayo.

Halos mapunit na ang mangas ng damit ni Rodel sa higpit ng pagkakahawak ng prinsesa rito at nakapikit parin ito ngayon sa labis na takot kaya 'di mapigilang mapahalakhak ni Rodel sa reaksyon ng prinsesa.

Nang makababa labis parin ang pagkainis ng prinsesa  sabay sabing, "nakakainis ka Rodelito! Aatakehin ako sa puso sa ginawa mo! Paano kung nadisgrasya tayo't na—"

Hindi na natapos pa ng prinsesa ang kanyang sasabihin ng bigla na lamang siyang halikan nito sa labi.

Tulala at nanlaki ang mga mata matapos ang ginawang paghalik sa kanya ng binata, hanggang ngayon di parin magkandamayaw ang tibok ng kanyang puso sa nerbyos at ginawang paghalik ni Rodel.

"Lapastangan!" bulyaw ng prinsesa sabay taas ng kanyang kamay at akmang sasampalin na niya ang binata.

Kahit si Rodel ay 'di rin makapaniwala sa kanyang ginawa dahil sa dala ng matinding inis at selos nang malamang ikakasal ang kanyang matagal nang iniirog.

Hinintay niya na dumapo ang kamay ng dalaga sa kanyang pisngi ngunit kabaliktaran ang nangyari rito.

Nakabungisngis si Marikit pagdilat niya na nakataas ang hintuturo sa kanyang harapan at sinabing, "hayop ka Juanchonggo! Isa pa nga!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakabungisngis si Marikit pagdilat niya na nakataas ang hintuturo sa kanyang harapan at sinabing, "hayop ka Juanchonggo! Isa pa nga!"

Napanganga si Rodel sa tinuran ng dalaga at 'di na nagdalawang isip pa na lapitan ito't hagkang muli.

Pilit na hinihigpitan ni Rodel ang paghawak sa batok at beywang ni Marikit natatakot na mawala ang prinsesa't baka panaginip lang ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pilit na hinihigpitan ni Rodel ang paghawak sa batok at beywang ni Marikit natatakot na mawala ang prinsesa't baka panaginip lang ang lahat.

Labis naman ang iyak ng prinsesa sa ginawang paghalik sa kanya ni Rodel dahil buong buhay niya ngayon lang niya naranasan ang labis na tuwa't saya.

Si Rodel na mismo ang kumalas sa halikan nilang dalawa nang mapansing umiiyak ang dalaga.

"Ka-kamahalan. . . Patawad! Mali na ginawa ko iyon! Patawarin mo ako sa aking kalapastanganang ginawa. Nararapat na ako'y maparusahan." Lumuluhod na pagmamakaawa ni Rodel habang naguguluhan.

Bigla ring lumuhod sa kanyang harapan si Marikit at niyakap siya nito ng kay higpit.

"Rodel hindi. . . Wala kang ginawang mali. Paki-usap sabihin mo sa'king may nararamdaman ka rin para sa'kin, hindi naman siguro biro lang ang ginawa na'tin 'di ba? Rodel ayokong makasal sa iba, ikaw lang ang gusto kong maging kabiyak." Hindi na natapos pa ng prinsesa ang kanyang sinabi ng biglang gumanti ng isang mahigpit na yakap si Rodel sa kanya habang hinahaplos ang mahaba nitong buhok.

"Hindi mo na kailangang sabihin iyan kamahalan, matagal na akong may pagtingin sa iyo simula noong nagkita tayo. Hindi ko inaasahang mahuhulog agad ang loob ko sa iyo ng inabot mo ang iyong kamay upang magpakilala sa isang hamak na tulad ko. Ang mga ngiti mong iyon, isa yun sa pinakaiingat-ingatan kong alaala nang dumating ka sa buhay ko." Pagaalo ni Rodel kay Marikit at 'di niya rin mapigilang mapaluha sa labis na tuwa.

"Mahal na mahal kita kamahalan, pero isang matinding kaparusahan  ang naghihintay sa'tin sa oras na malaman nilang nagmamahalan tayo. Kaya kung maari pigilan mo ang nararamdaman mo para sa'kin, isipin mo ang kapakanan ng bayan dahil ikaw na ang susunod na magiging reyna ng lungsod na ito." alalang turan ni Rodel upang mas lalong mapahagulgol ang prinsesa sa bisig niya.

"Sa pangalawang pagkakataon isinusumpa ko ang pagiging prinsesa sa bayang ito." Humihikbing turan ni Marikit.

"'Wag mong sabihin 'yan, magiging maayos rin ang lahat. Tumayo na tayo't maggagabi na baka hinahanap ka na sa palasyo." Paniniguradong saad ni Rodel pero bakas rin ang panlulumo sa boses nito.

Pagdating sa palasyo agad na sinermonan si Marikit ng kanyang amang hari, pero imbes na sumagot pabalang gaya ng dating ginagawa, nagtaka ang hari ng mapansing balisa ang kanyang prinsesa.

"Anak anong problema? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ng hari sa kanyang anak, bigla namang humikbi si Marikit at agad siyang niyakap ng kanyang ama. "Marikit sabihin mo sa akin, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"Wa-wala, nangungulila lang ako kay inang." Pagsisinungaling ni Marikit at napabuntong-hininga na lamang ang hari.

"Pumasok ka na sa iyong silid at magpahinga," turan niya rito't marahang inalo. "Punong kapon ihatid niyo ang prinsesa sa kanyang silid." Baling ng hari sa kanyang tagapagsilbi.

Yumuko naman ang punong kapon at sinabing, "masusunod po kamahalan."

Balisa at humihikbi paring sumunod sa kanila si Marikit patungo sa silid nito.

Sa 'di kalayuan naman tahimik lang na nakamasid si Rodel at bumuntong  hininga sa labis na panlulumo.

Itutuloy...

PragmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon