IKA-ANIM NA YUGTO

55 46 44
                                    

Makalipas ang isang linggo. . .

"May balita na ba kayo sa aking anak?" maotoridad na tanong ng hari sa kanyang mga kawal.

"Kasalukuyang hinahanap parin po sila ni Heneral Diamante kamahalan. Hindi rin daw po siya makapaniwala na nagawa iyon ng kanyang anak." Paliwanag ng isang kapon sa hari.

"Bilisan niyo! Huwag kayong titigil hangga't hindi naibabalik sa palasyo ang prinsesa, sa susunod na linggo na ang kanyang kasal!" galit na turan ng hari at napahawak na lamang ito sa dibdib niya. "Kung alam ko lang sana na itatakas ng traydor na iyon ang anak ko hindi ko na sana siya pinagkatiwalaan. Dalhin niyo siya sa akin ng buhay! Ako mismo ang pupugot sa ulo niya."

"Masusunod po kamahalan." Saad ng isang kawal sabay yuko bago tuluyang umalis sa harapan ng hari.

Samantala...

"Hinahabol pa rin ba tayo?" hingal na turan ni Marikit habang nagtatago sa likod ng malaking kahoy.

"Sa tingin ko naligaw na natin sila," hingal ring sagot ni Rodel.

"Bakit tayo nilusob?" tanong ng prinsesa habang pinupunasan ang kanyang pawisang noo.

"Baka natunugan nila ang kuta ng mga bandido. Hindi tayo ligtas sa lugar na ito kailangan na nating magmadali at mahanap ang bayan ng Liwayway." Saad ni Rodel sabay akay sa dalaga, "ayos lang ba ang mga paa mo? Hindi ka ba nasugatan?"

"Hindi naman, pero Rodel sa laki ng gubat na ito tiyak na aabutan tayo ng gabi," saad ni Marikit.

"Wag kang mag-alala may pagkain tayong dala sapat na para sa isang linggo." Sagot ni Rodel.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay, tiniis nila ang pagod para hindi masundan ng mga sumusunod sa kanila. Nagdaan ang ilang oras hindi nila namalayang ginabi na pala sila sa kanilang paglalakbay.

"Kamahalan may dagat sa banda roon!" ani ni Rodel sabay tawag ke Marikit na nasa kanyang lingkuran bakas sa mukha ng dalaga ang pagod at pananakit ng mga binti.

"Ayos ka lang? Kaya mo pa ba?" tanong ni Rodel at agad na nilapitan si Marikit saka lumuhod ito sa kanyang harapan saka sinabing, "angkas. Bubuhatin kita."

"Anong ginagawa mo? Ayos lang ako, kaya ko pa ito... Tumayo ka na diyan." Giit ni Marikit.

"Kamahalan 'wag ng matigas ang ulo, obligasyon kong pagsilbihan ka, protektahan at alagaan." Siya rin namang giit ng binata.

Bumuntong  hininga muna ang prinsesa bago sinabing, "sige na nga, mapilit ka eh." Saka umangkas na sa lingkuran ni Rodel at pumunta na sila sa dalampasigan.

"Diyan ka lang muna maghahanap ako ng mahihigaan natin at masisibak na kahoy," saad ni Rodel kay Marikit nang makarating sila sa dalampasigan.

"Tulungan na kita." Giit ng dalaga kaya sinamaan siya ng tingin ni Rodel.

"Diyan ka lang." Mariing sabi ni Rodel bago tinalukuran si Marikit at bumalik sa kakahuyan.

Makalipas ang sampung minuto may dala-dala nang dahon ng saging at mga kahoy si Rodel sa kanyang pagbalik. 

"Sa wakas dumating ka na rin, tignan mo itong nakita ko oh!" saad ni Marikit habang ipinapakita ang mga alimangong nakuha siya.

"Wag mong hawakan iyan! Baka maipit ka't masaktan!" tarantang turan ni Rodel kaya agad niyang binitiwan ang kanyang mga dala at tumakbo papalapit kay Marikit.

Tumawa naman ng malakas ang prinsesa at tinukso si Rodel, "ano akala mo sa'kin si Maria Clara? Rodel bata palang ako 'nun pinapanuod ko na ang mga mangingisda sa bayan natin kung paano manakip ng mga alimango at mga kabibe. Nakalimutan mo na bang mahilig akong pumuslit sa palasyo upang magliwaliw sa bayan?" 

"Kahit na! Paano kung naipit ka niyan?!" giit ni Rodel kaya niyakap na lang siya ni Marikit. 

"Oo na, alam ko na nag-aalala ka, ang importante mahalaga este! may hapunan na tayo!" masiglang turan ng prinsesa.

"O siya sige gagawa lang ako ng apoy para ipangluluto diyan," pagsuko ni Rodel sa usapan upang makaiwas sa alitan.

Habang gumagawa ng apoy si Rodel inilatag naman ni Marikit ang mga nakuha nilang dahon ng saging upang gawing higaan. 

"Kailangan mo ng tulong?" turan ni Marikit habang tinitignan ang pagkiskis ni Rodel sa mga bato para makagawa ng apoy.

"Hindi na umupo ka na lang, kaya ko na 'to," saad ni Rodel habang seryoso sa kanyang ginagawa.

"Mali naman yang ginagawa mo eh! Akin na kasi..." Giit ng prinsesa sabay agaw ng bato sa kamay ni Rodel, "ganito kasi iyan oh!" turan niya habang pinagbangga ang dalawang bato dahilan upang kumislap ito at agad na umapoy ang mga tuyong dahon na nakapaligid sa mga putol na kahoy, "O diba? sabi sayo magaling ako sa ganito eh!" pagmamayabang ng prinsesa na agad namang napabusangot si Rodel.

"Oo na ikaw na ang magaling." Pagsuko ni Rodel at sinimulan na nilang lutuin ang kanilang magiging hapunan.



----

"Rodel tignan mo ang laki ng isang iyon oh!" turan ni Marikit habang nakaturo sa kalangitan.

"Tama ka kamahalan, ang ganda nilang pagmasdan, alam mo bang ikaw ay parang isang bituin sa kalangitan?" nakangising turan ng binata habang nakayakap sa prinsesa.

"O talaga? paano mo naman na sabi iyan?" tugon naman ng prinsesa sa kanya.

"Dahil napakahirap mong abutin. Magkaiba ang antas na ating ginagalawan kamahalan, isa lamang akong dukha at ikaw nama'y isang maharlika." Aniya sabay haplos sa buhok ng prinsesa.

"Rodel ang pag-ibig hindi tumatanaw ng estado sa buhay dahil walang pinipili ang pagmamahal kusa natin itong nararamdaman, tulad ng pagmamahal ko sayo. Hindi mahalaga sa akin ang katayuan mo sa buhay, ang importante mahal natin ang isat-isa at masaya tayo. Nako! Hindi ko aakalain magagamit ko sa totoong buhay ang linya na binasa ko sa isang libro!" bungisngis na tugon ni Marikit.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan, ang ganda na ng linya mo sa simula eh, binasag mo pa. Pero seryoso, seryoso ka ba sa mga sinabi mo?" tugon ni Rodel rito.

"Oo naman! Totoo lahat ng sinabi ko no, kahit ano at sino ka man, ikaw lang ang lalaking pagkaiibigin ko." Saad ng prinsesa.

"Mahal na mahal rin kita Marikit..." Ani ni Rodel.

"Kay sarap pakinggan ng aking pangalan sa tuwing ikaw ang bumibigkas nito. Rodel sa palagi na lang ganito, sana habang buhay nalang tayong masaya't magkakasama, sana hindi nalang ako naging prinsesa, san—"

Hindi na naituloy pa ni Marikit ang kanyang sinasabi ng bigla na lamang siyang hinalikan ni Rodel sa labi, marahan ang bawat pagdagpi ng mga labi nito't kapwa ayaw nang kumalas sa pagkakayakap at paghalik sa isa't-isa. Dahil sa labis na galak na nadarama napaiyak na lamang si Marikit at sinamsam ang bawat sandali.

"Rodel mahal na mahal kita," saad ni Marikit sa gitna ng kanilang halikan.

"Ganun rin ako kamahalan, mahal na mahal kita Marikit." Malumanay ring tugon ng binata sa prinsesa.

Kapwa nalunod at nalasing sa siil ng bawat halik ang dalawa, dahan-dahang inakay ni Rodel ang likod ni Marikit upang makahiga sa dahon ng saging na kanilang gamit panglatag.

Saksi ang dagat, ang kalangitan, ang mga puno at mga bituin sa kanilang pagmamahalan at pagiging isa.

Itutuloy...





PragmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon