IKALIMANG YUGTO

59 47 18
                                    

A/N: Chapter theme above, photo credits to Xandddie. italicized words are flashbacks. enjoy reading!  

"Pasensya na po kamahalan wala akong ibang damit na maipapasuot sayo," turan ni Emelia sabay abot ng kasuotang pan-alipin sa kanya.

"Nako walang kaso po sa akin 'to, kung hindi niyo po naitatanong  mas madami po akong koleksyon ng mga ganito sa bahay kaysa sa mga bistidang damit," tugon naman ni Marikit sabay bungisngis.

"Hulaan ko, inaatake siguro parati ang hari ng altapresyon dahil sa kakulitan mo." Dagdag pa ng ginang.

"Nako sinabi mo pa!" saad ni Marikit at sabay na nagtawanan silang dalawa.

Matapos mag-usap agad na nagpalit ng damit si Marikit pagkatapos dumeritso na sila sa kabilang kubo kung saan nagtitipon-tipon ang ilan sa mga mamayan ng napakaliit nilang nayon.

"Oh! Andyan na pala sila sige na kumain na tayo," ani ng pinuno nilang si Hektor.

Taliwas sa haka-haka ng ilang bayan at mga maharlika na ang mga bandido ay dapat katakutan dahil wala silang awa at walang habas na mamamaslang ng mga taong makakabangga nila, tinuturing na mga rebelde rin ang mga bandido, wala pang sino man ang  nakaka-alam sa pinagtataguan nila maliban nalang kina Marikit at Rodel na aksidenteng dinakip. 

"Heto ang unang pagkakataon na magkaroon tayo ng mga panauhin sa ating kuta, 'wag kayong mag-alala nakakasigurado akong hindi nila tayo ipapahamak," saad ni Hektor sa mga kanayon tapos bumaling naman ito kay Marikit at sinabing, "'di ba kamahalan?" 

---

"Mahal heto na yung tubig para sa kanilang dala—Ju... Julio anak ko." Sabat ng ginang na basta-basta nalang pumasok sa bodega't agad niyang na bitiwan ang dala-dala nitong baso na hindi parin tinatanggal ang pagkakatitig sa binatang si Rodel.  

"Julio..." Turan ulit ng ginang saka tumakbo papunta sa kinaroonan nina Rodel at agad na marahang hinaplos ang mukha ng binata habang umiiyak. 

"Emelia lumayo ka sa kanila! Ano bang kahibangan iyang sinasabi mo?"  Awat naman ng asawa niya at pinipilit na ilayo kina Rodel.

"Emelia lumabas muna tayo." Ani nito sa asawang umiiyak saka bumaling kina Marikit, "hindi pa tayo tapos mag-usap. Wala kayong gagawing ikakapamak niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" 

Nalilito man agad ring tumango ang dalawa at tuluyan ng lumabas ng pinto ang mag-asawa.

Pinapasok ni Hektor si Emelia sa silid nito't agad na kina-usap. 

"Mahal, kailan mo ba matatanggap na wala na ang anak na'tin." Masuyong turan nito sa naghihinagpis niyang asawa.

"Pero mahal, nararamdam ko dito sa puso ko na siya si Julio, Hektor hindi mo ba nakita ang mukha niyang labis mong kawangis nung kasing edad mo pa siya? Hindi mo ba nararamdaman ang lukso ng dugo?" giit ng asawa nito at mas lalo pa itong napahagulgol sa kanyang bisig.

Pansamantalang natahimik si Hektor dahil alam niya ang tinutukoy ng kanyang mahal na asawa. Ang dahilan kung bakit niya dinakip sina Rodel at Marikit ay 'di dahil sa gawin itong bihag o dahil sa pagpunta nito sa bundok.

Ito ay dahil oras na, para makasama nila ang kanilang anak na nawalay sa kanila sa mahabang panahon.

 Patagong nagpapalitan ng sulat si Hektor at ang kanyang kapatid na si Heneral Federiko Diamante, ang itinuturing na ama ngayon ni Rodel.

Bumuntong hininga naman si Hektor at pinahiran ang luha sa pisngi ng kanyang asawa.

"Patawarin mo ako Emelia kung nagsinungaling ako sayo, tama ka siya nga si Julio at inaalagaan siya ngayon ng kapatid kong si Federiko. Hindi ko sinabi sayo dahil baka mapurnada ang plano natin. Patawarin mo sana ako mahal ko." Paliwanag ni Hektor sa kanya.

Umiling naman si Emelia at sinabing, "hindi Hektor naiintidahan kita, salamat sa Diyos at buhay ang anak natin at lumaki siya ng maayos. Papanong buhay pa ang bunso mong kapatid?" tanong niya.

"Hindi alam ng ama ni Virgilio na may bunsong kapatid ako sa isang tagapagsilbi ng palasyo. Kaya nung araw na nilusob nila tayo sa palasyo siya ang pinagkatiwalaan kong kakalinga sa anak nating si Julio." Sagot ni Hektor at hinawi ang hibla ng buhok nito sa mukha.

Nagyakapan ang mag-asawa upang humugot ng lakas sa isa't-isa.

"Gustuhin man nating makasama agad si Julio, hindi pa pwede dahil hindi pa sapat ang ginawa kong plano para bawiin ang trono, kaya paki-usap mahal ko. 'Wag mo munang biglain ang anak natin at parte parin siya ng plano. Bukas na bukas magpapadala ako sulat na itinakas ng anak natin ang babaeng kasama niya. Dun na magsisimula ang ating matagal nang plano." Saad ni Hektor.

"Bakit ? Sino ba ang babaeng iyon na kasama niya?" tanong ni Emelia sa kanya.

"Ang prinsesa, ang anak ni Virgilio." Bakas ang pagkamuhi sa salitang binitiwan ng pinuno.

"Ang anak ni Virgilio?" pag-uulit ni Emelia sa sinabi ni Hektor.

"Siya nga at wala ng iba. Alam ko kung gaano ka importante ng anak niya sa kanya, kaya gagamitin na'tin siya para mapabagsak si Virgilio at bawiin ang dapat ay sa atin. Kaya tahan na at lumabas na tayo rito, umaktong hindi natin sila kilala."

Tumango naman si Emelia at agad na sinundan ang asawa niyang lumabas na ng pintuan.

"Mabuti naman at marunong kayong makinig, papakawalan namin kayo sa isang kondisyon..." Bungad ni Hektor nang makarating sila sa bodegang kinalalagyan ng nina Marikit.

"Anong kondisyon?" matapang na turan ng prinsesa rito.

"Sa oras na tumakas kayo at isuplong ang kuta namin... Susunugin namin ang bayan niyo't gagawin kitang alipin." Giit nito na ikinabagabag naman ni Marikit.

"Dadaan muna kayo sa'kin bago niyo siya saktan." Sabat naman ni Rodel kay Hektor.

"Matapang ka bata pero 'di uubra sakin yan, ang gagawin niyo lang ay sumunod sa gusto namin at makakauwi kayo ng buhay." Turan naman ni Hektor.

"Sige, gagawin namin ang iuutos mo basta't tutuparin mo ang iyong ipinangako." Tugon ng prinsesa.

Tumango-tango lang ang pinuno at bahagyang binuksan ang pintuan...

"Pumasok na kayo't kalagan sila!" Utos nito kaya agad namang nataranta sina Rodel.

Matapos kalagan pinapunta na sina Marikit sa kanilang bahay na mapapahingahan.

----

"Ha? Ah opo, makakaasa po kayo." Sagot ni Marikit sabay ngiti.

"Oh siya sige, kumain na tayo." Sabat naman ni Emelia at nagsikain na sila.

Kung titignan 'di mo aakalain na kuta ito ng isang mga bandido kasi para lang itong maliit na nayong mapayapa.

Makikita sa paligid ang mga batang masayang naghahabulan at naglalaro.

May mga kababaehan ring masayang nag-uusap habang nagsasampay ng mga labahan.

Sila ang mga pamilya ng mga kasapi ng mga bandido o mga rebeldeng galit at takot sa pamahalaan.

Tumakas sila upang mabuhay ng walang nagdidikta at walang nang-aalipusta.

Itutuloy...



PragmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon