"Rodel nakikita ko na ang bayan!" masiglang turan ni Marikit matapos kasi ng dalawang araw nilang paglalakbay sa kagubatan nahanap narin nila ang Liwayway.
"Dahan-dahan lang kamahalan baka madulas ka," alalang turan ni Rodel kaya patakbong tinungo niya ang prinsesa.
Nang makarating na sila sa bayan nagtaka sila nang mapansing tensyonado ang buong paligid, madalang lang ang mga tao sa lugar at nagkalat ang mga kawal.
"Psst! Dito!" sigaw ng isang lalaki pero parang pabulong ito at agad namang nilingon nina Marikit ang pinanggalingan ng boses nito.
Nakita nila si Isko na nagtatago sa likod ng isang tindahan at palinga-linga sa paligid.
Parehong napakunot ang noo ng dalawa at kapwa nagkibit-balikat na lang na tinungo ang direksyon ni Isko.
"Anong nangyayari? Bakit ka nagtatago?" bungad ni Rodel kay Isko.
"Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo, sumama muna kayo sa bahay ko mas ligtas kayo roon." Turan nito bago tuluyang nilisan ang lugar at dumeritso na sa bahay na tinutukoy ni Isko.
----
"Anong meron Isko?" agarang tanong ni Rodel habang nakaupo sa salas at palinga-linga sa paligid.
"May isang grupo ng mga kawal mula sa kabilang nayon ang nag-aasik sa bayan namin, teka inumin niyo muna ito," inabot ni Isko ang dalawang basong may lamang tsaa sa kanila at agad naman itong tinanggap nina Marikit saka nagpasalamat at umupo narin si Isko.
"Kinabukasan nung pagpasyal niyo sa bayang ito dumating sila, may hinahanap silang prinsesa raw, Marikit ang pangalan at isang lalaking nagngangalang Rodel. Kapag hindi daw namin ilabas ang mga hinahanap nila susunugin raw nila ang bayan kaya hindi natuloy ang pista sa takot, hindi namin magawang magsaya. Kilala niyo ba sila?" malungkot na turan ni Isko habang pinapaliwanag ito sa kanila.
Kapwa natigilan sina Marikit at Rodel sa sinabi inihayag ni Isko, bakas rin ang tensyon at alala sa mukha ng dalawa dahil kasalanan nila kung may mangyaring masama sa bayan ng Liwayway.
Umiling si Marikit at nagtanong, "bakit raw nila hinahanap ang mga taong iyon?"
"Ayon sa narinig ko, tinanan daw ng lalaki ang prinsesang nakatakda ng ikasal sa isang prinsipe. Binigyan nila kami ng isang linggo upang hanapin ang mga taong tinutukoy nila kaya lang limang araw na wala parin kaming alam kung sino sila." nababahalang saad ni Isko.
"Totoo ba iyon Rodel? Itinanan mo ako? Akala ko ba si ama mismo ang may gustong umalis tayo?" hindi napigilan ni Marikit na sumbatan at kwestyunin si Rodel.
Nagulat si Isko sa isiniwalat ng prinsesa at nabitiwan niya ang basong hawak niya, "ka-kayo ang hinahanap nila?"
Ngunit mistulang bingi ang dalawa at napatuloy ito sa pagtatalo.
"Nagkakamali ka kamahalan, kailanman hindi ako nagsinungaling sa iyo, ang kamahalan mismo ang nag-utos sa aking ipasyal ka, isa lamang itong hindi pagkakaunawaan! Mahal ko, paniwalaan mo naman sana ako. . ." paliwanag ni Rodel sa prinsesa sabay hawak sa mga kamay nito.
"Kung ganun bakit tayo tinutugis ng mga kawal? Hindi naman kaya. . . Si Crisanto! Tama, si Crisanto lang ang maaaring gumawa nito! Ang walang hiyang yun! Kung akala niya madadaan niya ako sa dahas upang pakasalan siya nagkakamali siya!" asik ng prinsesa na nagpupuyos sa galit.
"Kailangan na nating bumalik sa bayan, nakataya sa mga kamay natin ang kaligtasan ng bayan na ito kamahalan," turan ni Rodel na bakas ang pangamba sa mukha nito.
"Teka! teka! kung susuko kayo agad baka kung ano pa ang gawin nila sa inyo." Singit ni Isko sa usapan ng dalawa.
"Pero kung hindi kami magpapakita sa kanila ang bayan niyo naman ang mapapahamak Isko, 'wag kang mag-alala kami lang ang hanap nila't hindi nila sasaktan ang prinsesa." Tugon ni Rodel rito.
BINABASA MO ANG
Pragma
Historical Fiction[ Historika Series: 3 ] When it's gone, you'll know what a gift love was. You'll suffer like this. So go back and fight to keep it. -Ian Mcewan Hanggang saan ba kayo kayang subukin ng inyong pag-iibigan... Kung sa simula pa lang, ang pagkikit...