"Ang ganda mo pala sa malapitan," nakangising saad ni prinsipe Crisanto habang nagtsatsaa sa hardin ng palasyo.
"Ayaw kitang maka-usap kaya ubusin mo na iyang tsaa mo nang makaalis na ako," malamig na turan ng prinsesa dahilan upang mas lalong lumapad ang ngiti ng prinsipe.
"Masungit nga lang, 'di ko talaga inakalang ikaw ay isang maharlika sa una nating pagkikita. Wala pang nakakatalo sa'kin sa isparing, ikaw pa lang." Turan ng prinsipe sabay lagay ng tsaa niya sa patungan nito.
---
"Wala na bang ibang lalaban diyan? Mas malaki ang pusta ngayon kesa sa nakaraang araw. Ano? Sino ang hahamon sa dating kampyon?" sigaw ng tagahatol ng laro sa bayan sa mga taong nanunuod ng palaro.
"Tanga lang ang lalaban sa prinsipe, alam naman namin na wala kaming binatbat sa kanya." Tugon ng isang alipin na nanunuod.
Sumang-ayon naman ang mga kasamahan nito dahilan upang mapatawa ang prinsipe at magmalaki na walang makakatalo sa kanya.
"At sinong may sabi?" Biglang sigaw ng isang boses ng babae dahilan upang mapatahimik silang lahat at mapatingin sa kanya.
Ilang segundo ng katahimikan bago tuluyang nagsihalakhakan ang mga manunuod.
"Bakit ineng? Sinong manok mo?" tanong ng tagapaghatol.
"Alangan naman ikaw, syempre ako!" Sarkastikong saad ng dalaga sabay lakad patungo sa gitna.
Nagsitawanan muli ang mga manunuod maliban kay prinsipeng Crisanto ay 'di maitago ang pagkamangha kaya lumapit siya rito at pinayagang makipagsparing sa kanya ang dalaga.
"Totohanin mo ang laban, 'di purket babae ako 'wag mong pigilan." Aniya sabay kuha ng espadang kahoy.
"Sigurado ka? Sige, kung 'yan ang gusto mo binibini." Ani ng prinsipe at agad na sumugod sa kanya.
Maliksi si Marikit dahil magaan lang ang kanyang timbang kumpara sa prinsipe kaya madali niyang naiilagan ang bawat pag-atake nito, naging mabilis ang pangyayari namalayan nalang nilang nakatuon na ang espada sa leeg ng prinsipe at nakaluhod na ito habang hinihingal saka inanunsyo na ng tagapaghatol kung sino ang nanalo dahilan upang mapahiyaw ang mga manunuod at mapangiwi si Crisanto.
----
"Bakit mo pinapaalala ang pagiging talunan mo?" saad ni Marikit sabay tayo. "Didiretsahin na kita kamahalan. Ayoko sayo, masyado pa akong bata para makasal, hindi talaga kita magugustuhan kahit anong pilit niyo—"
"Dahil may ibang nagpapatibok na diyan sa puso mo?" mapanuyang saad ni Crisanto dahilan upang mapaawang ang bibig ng prinsesa.
"Ano? Anong kabalbalan iyang lumalabas sa bibig mo? Paano kung may makarinig sa'tin at isiping totoo iyang sinasabi mo?" galit na turan ni Marikit pero mas lalong nakangisi ang prinsipe at nilapitan siya nito.
"A-anong ginagawa mo? 'Wag kang lalapit!" taas-noo paring saad ni Marikit kahit bakas na sa mukha nito ang takot niya.
Humalakhak naman si Crisanto at bahagyang dumistansya, "huwag kang mag-alala hahalikan lang kita sa oras na makasal na tayong dalawa."
BINABASA MO ANG
Pragma
Historical Fiction[ Historika Series: 3 ] When it's gone, you'll know what a gift love was. You'll suffer like this. So go back and fight to keep it. -Ian Mcewan Hanggang saan ba kayo kayang subukin ng inyong pag-iibigan... Kung sa simula pa lang, ang pagkikit...