IKA-APAT NA YUGTO

65 47 10
                                    

Author's note: chapter theme above photo credits to Xandddie

"Anong lugar 'to Rodel?" tanong ni Marikit na bakas ang labis na pakamangha sa kanyang mukha.

Bago paman makasagot si Rodel agad na tumakbo si Marikit sa planta ng mga bulaklak na parang bata kaya napailing nalang ang binata't napangiti.

"Rodel tignan mo 'to oh! Walang ganito sa palasyo! Pwede kaya pitasin ito? Siguro, dahil sobrang dami! Juanchonggo ano ba! Lumapit ka na rito, dali!" sigaw ni Marikit habang nakabungisngis at patuloy sa pagpitas ng mga bulaklak kaya pumitas nalang rin si Rodel at patakbong tinungo ang prinsesa.

"Grabe ang dami, sana may ganito rin sa palasyo no? Puro halaman lang kasi ang andun mga pandak pa!" daldal parin ng prinsesa pero tahimik lang si Rodel na nakikinig at nakatitig sa kanya na 'di parin nawawala ang ngiti sa mga labi.

"Hoy! Ano ba? Nakakatakot na iyang tingin mo't pangiti-ngiti ka pa diyan." Nakakunot-noong saad ni Marikit sa kanya.

Umiling naman si Rodel at agad na inipit ang bulaklak sa tenga ni Marikit.

"Hindi lang ako makapaniwala na gusto mo ako. Nasabi ko na ba sa iyong ang ganda mo?" nakangiting turan nito na ikinamula ng pisngi ng prinsesa't pinipigilang mapatili sa kilig.

Mahina siyang sinundot ni Marikit sa tagiliran at sinabing, "lapastangan ka talaga!"

Gumanti naman ng sundot si Rodel sa magkabilang pisngi nito't sinabing, "pilya, kinikilig ka lang eh." Saka binigyang yakap mula sa likuran ang prinsesa.

"May isa pa pala akong ipapakita sa iyo," saad ni Rodel na ikinaaliwalas ng mukha ng dalaga.

"Talaga? Ano yun?" 'di mapigilang bulalas ng prinsesa.

"Hindi ano, kundi saan. Halika na! Marami pa tayong papasyalan." Aniya sabay hawak at marahang hinila ang kamay ng dalaga papunta sa kanilang kabayo.



-----

Napatakip ng bibig si Marikit ng wala sa oras dahil sa kanyang nakikita ngayon, lulan ng kanilang kabayo 'di mapigilan ng prinsesa ang labis na tuwa sa makapagpigil hiningang tanawin.

Napatakip ng bibig si Marikit ng wala sa oras dahil sa kanyang nakikita ngayon, lulan ng kanilang kabayo 'di mapigilan ng prinsesa ang labis na tuwa sa makapagpigil hiningang tanawin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Nasa tuktok tayo ng bundok, ang nakikita mo sa ibaba ay ang bayan nila, ang Liwayway." Mahinang turan ni Rodel habang nakatingin rin sa tanawin sa ibaba.

"Napakaganda naman ng bayan na'to... Matiwasay, magigiliw ang mga tao't maraming magagandang tanawin," ani ng prinsesa sabay hawi ng buhok niyang tinatangay ng malakas na hangin.

"Tama ka, pero mas maganda ka pa sa tanawin na iyan." Seryosong saad ni Rodel habang nakayakap parin sa likod ng beywang ni Marikit.

Pabirong inirapan siya ni Marikit at sinabing, "nakakarami ka na ha."

Tumawa nalang si Rodel bilang tugon.

"Rodel baka nagsimula na ang kapistaan sa bayan bumalik na tayo roon pero bukas ipasyal mo ako uli rito ha?" turan ng prinsesa.

"Makakaasa ka, mahal ko." Ani Rodel sabay hampas ng kabayo para tumakbo.

Habang pababa ng bundok biglang pinahinto ni Rodel ang kabayo nang mapansing may mga taong nakasuot ng itim na may mga takip ang mga mukha habang itinutuon ang espada sa direksyon nila.

Agad na bumaba si Rodel at inalalayan niya si Marikit bakas ang namumuong tensyon sa paligid.

"Anong inyong kailangan?" seryosong saad ni Rodel habang pilit na pinapatago si Marikit sa kanyang likuran at binunot na rin niya ang kanyang espada saka itinuon sa mga taong kaharap nila ngayon.

"DAKPIN SILA!" sigaw ng isa sa kanila at agad naman nagsilusob ang kasamahan nito.

"Kamahalan sumakay ka ng kabayo, bilis!" sigaw ni Rodel pero nataranta lang si Marikit at nanatiling nakatayo.

"Ano? Hindi kita pwedeng iwan dito! Takte! Bakit hindi ko kasi dinala ang espada ko—" napatili si Marikit ng bigla siyang hilahin ng isa sa kanila at itinuon ang espada sa leeg nito.

"KAMAHALAN! 'WAG NIYO SIYANG SASAKTAN! ANO BANG GUSTO NIYO?" Galit na sigaw ni Rodel sa kanila at agad na sinugod muli ang mga kalalakihan.

"Sumama kayo sa amin kung gusto niyo pang mabuhay!" sigaw naman pabalik ng pinuno nila, "ibaba mo ang espada mo!"

"Ang kasalanan namin sa inyo? Mga hayop kayo! Pakawalan niyo kami!" sigaw ni Marikit hindi niya alintana ang panganib sa kanyang pinagsasabi.

Nag-aalangan man, agad na ibinababa ni Rodel ang kanyang espada at agad na itinaas ang mga kamay bilang pagsuko kaya agad na tinalian ang kanilang mga kamay ni Marikit at pwersahang tinutulak pasunod sa kanila.


-----

Maagang na alimpungatan si Rodel nang tamaan ng sinag ng araw ang kanyang mga mata. Masakit man ang ulo't katawan agad napabalikwas si Rodel nang mapagtanto niyang nakatali parin ang kanyang mga kamay at paa.

"Kamahalan? Marikit nasa'n ka?" nag-aalalang sigaw ni Rodel.

"Nandito ako Rodel, ang tagal mo namang magising." Himutok ng prinsesa sabay bangon sa pagkakahiga sa mga dayami.

"A-ayos ka lang? Hindi ka ba nila sinaktan?" nahihirapan man dahil sa pagkagapos, sinikap ni Rodel na mapuntahan ang kinaroroonan ng prinsesa.

"Humihinga pa naman, Ikaw-"

"Mabuti naman at gising na kayo." Boses na nagpatigil sa kanilang dalawa.

Naging handa naman ang dalawa sa maaring gawin sa kanila.

Tumawa naman ang lalaki na batid ni Rodel kasing edad lang ito ng hari at ng kanyang ama. "Huwag kayong matakot hindi namin kayo sasaktan...
Kung sasagutin niyo ako ng maayos."

Humakbang naman ito papalapit sa kanila dala ang dalawang plato na may lamang pagkain saka inilapag ito sa kanilang harapan.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo sa amin?" kalmado pero seryosong saad ni Rodel sa lalaking kaharap nila ngayon.

"Ako si Hektor ang pinuno ng nayon na ito at kami ay mga bandido." Aniya sabay hila ng upuan at umupo sa kanilang harapan.

Dahil sa sinabi ng Hektor agad na hinila ni Rodel si Marikit para proteksyohan ang prinsesa.

"Madali lang naman akong kausap kung hindi magiging matigas ang mga ulo ninyo, hindi ko kayo sasaktan, siya nga pala... Bakit hindi niyo ginagalaw ang inyong pagkain? Ayaw niyo ba sa luto ng asawa ko?" sindak nito sa kanila kaya agad na nagtinginan ang dalawa sabay pulot ng kanilang mga pagkain.

Nag-aalangang subo at nguya ang ginawa nina Rodel at Marikit habang sila ay kumakain.

"Anong ginagawa niyo dun sa tuktok ng bundok? Nakita niyo ba ang ginagawa namin?" mahinahong tanong ni Hektor sa kanila pero nanatiling tahimik sina Marikit.

"Anong ibig niyong sabihing nakita namin kayo? Eh kayo nga itong bigla nalang sumusulpot na nantututok ng espada't hinarang niyo pa kami," himutok ni Marikit habang patuloy parin sa pagkain.

"Kami ay dayo mula sa bayan ng Mantawi, wala kaming nakita na kung anong tinutukoy ninyo, at wala kaming intensyon na isuplong kayo." Ani naman ni Rodel.

"Sigurado ba kayo? Pasalamat kayo't hindi pa namin kayo pinaslang ng matagpuan namin kayo, pero sa oras na magsisinungaling kayo sa akin, kikitilin ko na ang mga buhay niyo." Seryosong saad ni Hektor at sabay tayo.

"Mahal heto na yung tubig para sa kanilang dala-Ju... Julio? Julio anak ko," sabat ng ginang na basta-basta nalang pumasok sa bodega't agad niyang na bitiwan ang dala-dala nitong baso na hindi parin tinatanggal ang pagkakatitig sa binatang si Rodel.

Itutuloy...

PragmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon