Chapter 2 - New Neighbours

845 8 0
                                    

CHAPTER 2 – New Neighbours

Ako si Kayzer Meeko Devera. Yzer ang tawag sa kin ng lahat.

16 years old. Phil-Am ako pero dito ako sa Pilipinas lumaki.

Isa sa pinaka-respetadong pamilya ang pamilya namin dahil sikat na business tycoon ang Daddy ko.

May kapatid ako. She’s older than me. Pero 1 year lang! HAHA! Pero sobrang mature na nya. Si Ate Meeka.

I’m a student athlete. 3 consecutive years MVP. 4 consecutive years Mythical 5. Top 1 sa honor ng exclusive school na pinapasukan ko. I’m also the current Lakan ng Maynila. Nag-momodel din ako pero hndi ganong kadalas.

*Fontana Executive Village*

Lumabas ako ng bahay to play basketball sa court ng village namin.

Pagkalabas ko, napatingin ako sa bagong tayong bahay sa tapat namin. May nakabili na pala ng loteng pinag lalaruan ko ng skate board. Sayang. Wala na kong ibang pag-lalaruan.

Malaki yung bahay. Maganda ang pag kakagawa ng bahay. Maganda ang design at sobrang aliwalas ng kulay. May malaking garden din ito sa unahan. Mukhang mayaman ang nakatira dito.

Naglakad na ko papuntag court. Namiss ko din mag laro eh. Kakabalik ko lang kasi from States.

Pag dating ko sa court, walang tao. Walang nag-lalaro. Wala akong kalaro. Kung ako lang din naman mag-isa ang mag-lalaro, dun na lng ako sa bahay. May Half-court naman kmi sa likod eh.

Naglakad na ulit ako pauwi.

Nakita kong may mga tao na dun sa bahay na katapat ng bahay namin.

Sumilip ako para makita kung sinong nakatira.

Nakita ko ang isang babaeng halos ka-edad ko lang ata at isang batang lalaki. Mukhang nasa 3years old yung bata. Ang cute nga eh.

Pumasok na sila sa loob.

Sayang! Hindi ko nakita yung babae. HAHA! -_-

Nakita ko si Mang Dante, yung driver at body guard nung may-ari ng bahay.

“Mang Dante, nandyan na po pala ang mga amo nyo.”

“Oo Yzer, kakadating lang nila kanina.” – Mang Dante

“Ah. Ilan po ba ang titira jan?”

“2 lang Hijo. Magkapatid. Anak ng business tycoon sa London.” – Mang Dante

“Ah ganun po ba? Eh asan po ang mga magulang nila? Bakit hndi po nila kasama sa bahay?”

“Sa ibang lugar titira ang mga magulang nila. Masyado daw itong malayo sa trabaho nila eh.” – Mang Dante

“Ah! Ganun ba?”

“Ay nako Yzer! Kapag nakita mo si Miss Bree, magugustuhan mo sya.” – Mang Dante

“Eh! Mang Dante naman! Alam nyo namang hindi ako mahilig sa babae eh. Haha.”

“Baka pag nakita mo si Miss Bree, mahilig ka bigla sa babae. Maganda si Miss Bree. Matalino. Mayaman.” – Mang Dante.

“Mang Dante talaga. Sige po. Pasok na ko sa bahay. Mag babasketball pa po ako eh.”

“Sige Yzer. Sasusunod, ipapakilala kita kay Miss Bree para may kaibigan na sya dito.” – Mang Dante

“Sige po.”

Pumasok na ko sa bahay namin. Si Mang Dante talaga. Nirereto agad ako sa amo nya. Mamaya hindi naman maganda. Haha.

Even If I cry A Thousand TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon