A/N: Oy! Mga readears! Kamusta? Sorry late UD. Medyo nawawalang ako ng gana eh! :( Di ko maramdaman presence nyo. :( Vote and Comment naman oh! :( Please? Para ganahan ako. :)
KAWAY! :) Hello Kirsten Meanie Cruz! :* Sayo dedicated to kasi ikaw ang #1 fan ko! :) Loveyou meanie! :* <3
CHAPTER 33 – Infinity
*Bree’s POV
Lumapit ako dun sa nag-henna tattoo.
Itatanong ko sa kanya kung kaya nya yung ganung tattoo.
Meron naman akong picture sa phone ko eh.
“Kuya. Wala po dyan yung gusto ko eh. Pero meron po ako dito sa cellphone ko. Kaya nyo po ba ito?”
Pinakita ko sa kanya yung picture ng infinity tattoo na nakita ko sa internet.
Simple lang sya pero maganda naman.
“Ernest nga pala ang pangalan ko. Kuya Ernest na lang ang itawag nyo sa kin.” – Kuya Ernest
“Ay ganun po ba? Nice meeting you po Kuya Ernest. Ako naman po si Sabreena. Ito pong gwapong kasama ko ay si Mac. At sila naman po sila Elise at Kayzer.”
“Kuya Ernest, kaya mo bang gawin yung tattoo na pinakita sa iyno ni Bree?” – Mac
“Oo hijo. Kaya kong gawin un. Sa katunayan, madaming nagrerequest nun dito sa amin pero ni isa ay wala pa kong pinabibigyan.” – Kuya Ernest
“Aww. Sayang naman. Maghanap ka na lang ng ibang design I.” – Mac
“Kuya Ernest, pwede po ba naming malaman kung bakit wala pa kayong nilalagyan ng infinity tattoo?” – Elise
“Dahil sa lahat ng nag-papagawa nun, wala akong ni isang nakitang deserving sa ganung design. Para sa kin kasi mahalaga ang salitang infinity o walang katapusan.” – Kuya Ernest
“Bakit naman po mahalaga yung infinity sa inyo Kuya Ernest?” Tanong ko sa kanya.
Naging interested ako dito kay Kuya Ernest.
Parang napakalalim ng pinaghuhugutan nya nung sinabi nya mahalaga sa kanya ang salitang infinity.
“Madalas, ang infinity ay naihahambing sa love. Dahil ang love ay walang katapusan. Walang dulo. Walang hanggan. Siguro, sa edad nyong yan ay hindi nyo pa ko maiintidihan. Mga bata pa kayo. Marami pa kayong pag-dadaanan.” – Kuya Ernest
“Marahil ay may mga naririnig kayong kwento tungkol sa mga magkakasintahan o mag-aasawang nag-hihiwalay. Sinasabi nilang hindi na nila mahal ang isa’t-isa. Hindi ako naniniwala sa dahilan nilang yun. Ang pagmamahal, di yan nawawala. Maaari lang itong madagdagan o mabawasan.” – Kuya Ernest
May pinghuhugutan talaga tong si Kuya Ernest eh.
Ang sarap pakinggan nung mga sinasabi nya.
Makahulugan at may laman eh.
Hindi basta-basta yung mga sinasabi nya eh.
“Ang pagmamahal, nababawasan pag hindi pinapapahalagahan at pinag-iingatan. Kapag hindi nasusuklian. Nagiging masakit.” – Kuya Ernest
“Ang love, kapag napahalagahan, napag-iingatan at nasusuklian lalong nadadagdagan. Lalong nagiging masaya.” – Kuya Ernest
Patuloy lang sa pag kukwento si Kuya Ernest.
Lahat kami ay nakikinig lang sa kanya.
Ang sarap pakinggan nung mga sinasabi nya.
Ang dami kong natututunan.
BINABASA MO ANG
Even If I cry A Thousand Tears
Dla nastolatkówThis is a story of those people who fell in love and cried a thousand tears... Tears that are intended to let go of what they feel. Tears that tells the truth. Tears that shows love. Tears that makes them weak. Tears... May mga pusong sadyang handan...