CHAPTER 16 – Revenge Starts
*Bree’s POV
Nakabalik na pala si Yzer from London.
May makakausap na ulit ako.
Sa wakas.
Pero nung isang gabi, naisip ko na hndi dapat malaman ni Yzer na ex ko ang pinsan nya.
Magagalit sya sa kin pag nalaman nya ang ginawa ko.
Magagalit sya kasi sinaktan ko ang pinsan nya.
Ayokong magalit sya sa kin kasi isa sya sa mga kaibigan ko.
Hindi ko sasabihin kay Yzer ang tungkol sa nakaraan ko.
--
Sabay kaming pupunta ni Yzer sa school para sa early orientation.
Kinakabahan ako kasi bago yung school na papasukan ko.
Si Yzer at Elise pa lng ang kilala ko pero alam kong hindi ako mahihirapan dahil sa kanila.
Ano kayang mangyayare sa orientation mamaya?
Pagkauwi ni Yzer, nag prepare agad ako.
Kailangan presentable ang itsura ko mamaya.
Pero always presentable naman ako. :)
--
2pm na!
Pupunta na kami ni Yzer sa school.
2:30pm ang early orientation eh.
>ding.dong<
Si Yzer na siguro yan.
Agad akong lumabas ng bahay.
Sya na nga.
Ang gwapo nya.
Ngayon ko lang napansin na nagpa-dye pala sya ng buhok nya.
Medyo naging dark kesa sa buhok nya dati.
Bagay sa skin tone nya
Naka yellow ang gray stripped shirt sya tapos jacket.
Bakit ba ang gwapo ng taong to?
Kahit ano atang isuot nito, bagay sa kanya eh.
“Hey Bree. You ready?” Tanong nya habang nakangiti.
“Ha? Ah! Oo! Tara na.”
“Di ba kasama si Ivan?” – Yzer
“Hindi. Susunduin kasi sya nila mommy mamaya. Dun muna sya mag stay for two weeks.”
Mawawalan ako ng kasama sa bahay for 2 weeks.
Kukunin kasi nila mommy si Ivan eh.
Forever alone na naman.
“Ganun ba? Tara na? Baka malate pa tayo eh.” – Yzer
“Sige. Tara na.”
Nagulat ako sa susunod na nangyare.
Hinawakan nya yung kamay ko.
Parang inaalalayan.
Bakit ganito sya sa kin?
Mister Manners talaga oh.
“A-ahm. Yzer, okay lng ako. Kaya kong maglakad.”
“Ganun ba? Baka kasi matapilok ka, naka-heels ka pa naman.” – Yzer
“Okay lang ako. Salamat.”
“Sige. Oh sakay na.” – Yzer
“Salamat ulit.”

BINABASA MO ANG
Even If I cry A Thousand Tears
Teen FictionThis is a story of those people who fell in love and cried a thousand tears... Tears that are intended to let go of what they feel. Tears that tells the truth. Tears that shows love. Tears that makes them weak. Tears... May mga pusong sadyang handan...