CHAPTER 7 – Casanova of the Team
Ako si Mac Davis Ayala.
16 years old. Varsity player ng Siera Serrafica High.
Incoming fourth year highschool.
Certified Casanova
#1 Heartbreaker.
Gwapo, matangkad, maganda ang katawan, maputi, singkit, heartthrob, too many to mention!
Yan ang description nila sa kin.
Pero ako ang description ko sa sarili ko, PERFECT!
Conceited daw ako sabi ng mga team mates ko.
Oo, aminado ko dun.
Eh anong magagawa ko, AYUN AKO EH!
Pinsan ko si Yzer. Ang MVP ng school team namin.
Kahit kelan hindi ko natalo ang lalaking yan!
Kahit PERFECT ako, mas marami pa ring babae ang nag kakandarapa jan.
Mas madaming nagkaka gusto sa knya.
Mas PERFECT daw kasi sya sa kin eh.
Paano ba naman, honor student kahit busy lagi sa trainings.
Mr. Good boy yan! Hindi masyadong mahilig sa babae! Inlove kasi eh! Di tulad ko,di pa ata nakakaranas mainlove!
Haha!
*Gym
Nasa gym pa ako.
Kakatapos lang ng training namin.
Kakatapos lang din ng training ng mga cheerleaders.
Nakita kong nakaupo sa bleachers si Elise.
Ang head cheerleader ng school namin.
Alam kong type sya ni Yzer.
Since first year kami, si Elise lang ang babaeng gusto nya.
Kahit maraming naka-paligid sa kanya, ayaw nya sa mga ito.
Sa tuwing may ipapakilala kaming babae sa kanya, nag susuplado sya.
Ayaw nya daw kasing makita sya ni Elise na lumalandi sa kung sino-sino.
Kahit matagal na syang may gusto kay Elise, walang GUTS yun na umamin.
TORPE! PAGONG! SLOW! Haha!
At ang trabaho ko ay ang pag-selosin sya para matauhan at makapag confess na sya kay Elise.
Tinabihan ko si Elise sa bleachers.
“Hi. Kamusta?” Sabi ko sa kanya at binigyan sya ng isang napa-wagas na smile.
Parang nagulat sya nung nakita nya ko. Bakit kaya?
“Ha? Ah! Eh! Hello Mac! Okay lang ako. Medyo pagod nga lang. Ikaw? Kamusta?” Malambing na sabi nya.
“Okay lang din. Gusto mo sabay na tayong umuwi?” Alok ko sa knya.
“Magsha-shower pa ko eh! Sige. Umuna ka na. Nakakahiya naman sayo.” Pagtanggi nya.
“I insist! Pretty please? Hatid na kita sa inyo?” Pilit ko sa kanya.
“Baka may magalit sakin Mac! Alam ko namang maraming babaeng may gusto sayo.” – Elise
“Hindi. Akong bahala sayo. Sige na. Mag shower ka na. Hintayin kita dito.”
“Sige. Wait lang ha? Bibilisan ko lang.” – Elise
Umalis na sya. Pumunta na sa shower room.
Nakita kong masama ang tingin sa kin ni Yzer.
Yes! Effective! HAHA! :))
Nilapitan ko sya.
“Insan, ayos ba? Ganda ni Elise no?” Pang-aasar ko sa knya! :))
Tinignan nya lang ako ng masama.
“Ano insan? Akin na lang sya ha? Bagal mo eh.” Pang-aasar ko ulit! HAHA!
“Letse ka Mac Davis ah! Ano ba gusto mo? Halika! Sapakan na lang tayo!” – Yzer
Ayan! Pikon na sya! Wuhaha! :D
“Easy ka lang dude! Di ko type si Elise! Haha! Too perfect for me.” Naka-ngising sabi ko sa kanya.
“Gag* ka pala eh! Bakit mo inayang sabayan pag-uwi?” Asar na sabi nya.
Haha! Pikon talaga to pag dating kay Elise!
“Insan naman! Sige una na ko! Ikaw na bahalang mag hatid kay Elise.”
Hindi ko na sya inintay sumagot! Umalis na ko!
Tandaan mo Yzer, I’m doing you a big favour.
Haha. You’ll thank me for this.
--
Pictures on the side! :""">
I'll update next time! SILENT READERS! Paramdam kayooo para naman madedicate ko yung mga updates ko sa inyo! BE a FAN, VOTE, COMMENT, RECOMMEND! Salamat! Mahal ko kyooo! :*
BINABASA MO ANG
Even If I cry A Thousand Tears
Fiksi RemajaThis is a story of those people who fell in love and cried a thousand tears... Tears that are intended to let go of what they feel. Tears that tells the truth. Tears that shows love. Tears that makes them weak. Tears... May mga pusong sadyang handan...