A/N: Hellooooo! :) Sorry sa sobrang late na update. Dami kasing destination ngayong summer eh. Kayo ba kamusta ang summer nyo? Hope everyone's enjoying it. Anyways, SUPER THANKYOU sa mga TAONG laging nandyan para suportahan tong story ko. Yung mga taong nag-comment na "ATE PA-UPDATE SOON KASI BITIN". Sobrang naappreciate ko un kasi yun yung nagpupush sa kin para mag-update at gandahan yung story. SALAMAT din sa mga readers ko na nandyan simula pa nung una at hanggang ngayon eh laging sumusuporta. :) Dearest readers and followers, pwede po bang mag-request? 10 VOTES for this chapter bago po ako mag-update. :( Please. Para po malaman ko kung may mga interesado pang makasabasa ng next updates ko. :( SALAMAT po! :) SOBRANG MAHAL KO KAYO! :))) KAPAG PALA UMABOT NG 10k yung reads,may special announcement ako! :) THankyouuu! :* ENJOY! :) Comments please? Votes please. :*
--------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 35 – Casanova’s League Part 1
Ano bang magandang kanta?
Nakapikit na si Elise.
At halatang nag-iintay na sya ng kanta ko.
Biglang nag-flashback sa isip ko yung isang kantang gusto kong kantahin para sa isang babaeng naging dahilan ng pagiging Casanova ko.
Yung kantang bagay sa nararamdaman ko para sa babaeng yun.
Yung kantang kahit paulit-ulit kong kantahin, okay lang basta para sa kanya.
Nag-simula na kong kumanta.
“It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eyes and she plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say.”
Naalala ko yung mukha nya.
Yung napaka-ganda nyang mukha.
Siya si Kirsten De Mesa.
Sa Serrafica din sya nag-aaral dati.
Kaklase ko sya.
Seatmate din sa lahat ng subjects.
Head cheerleader sya.
Consistent honor student din.
Maganda sya.
Maputi.
Childhood friend ko din sya.
Since 4 years old ako, sya na yung naging best friend ko.
Hanggang sa mag-highschool kami, lagi kaming mag-kasama.
Gusto na nga ng parents namin na i-engage kaming dalawa eh.
In the end naman daw kasi kami din ang magkakatuluyan.
Nung una tinatawanan lang namin sila.
Pero dumating yung araw na, naging seryoso ang lahat.
Yung simpleng asar, nauwi sa totohanan.
**Flashback
Nasa garden kami ng Serrafica.

BINABASA MO ANG
Even If I cry A Thousand Tears
Fiksi RemajaThis is a story of those people who fell in love and cried a thousand tears... Tears that are intended to let go of what they feel. Tears that tells the truth. Tears that shows love. Tears that makes them weak. Tears... May mga pusong sadyang handan...