Chapter 15 - My Plans

617 4 0
                                    

CHAPTER 15 – My Plans

*Yzer’s POV

After kong makita yung suicidal note ni Nico, di ko napigilang maiyak.

Di ko rin napigilan ang sarili kong magalit.

Galit ako.

Galit ako kay Nico na nagpaka-gag* sa isang babae.

Galit din ako sa  babaeng naging dahilan ng pagiging suicidal ng pinsan ko.

Alam kong walang kasalanan ni Bree sa nangyari.

Hindi nya naman alam na gagawin ni Nico yun eh.

Pero galit talaga ako sa kanya.

Hinding-hindi ako makakapayag na hindi ko maigaganti ang pinsan ko.

Namatay sya na sobrang nasaktan.

Sisiguraduhin kong masasaktan din si Bree  katulad ng sakit na naramdaman ng pinsan ko.

Igaganti ko sya.

Mahuhulog sa kin si Bree.

Mamahalin nya ko ng katulad ng pag-mamahal nya sa pinsan ko tapos sasaktan ko sya not physically but emotionally.

Pag sisisihan nya ang ginawa nya sa pinsan ko.

Igaganti kita Nico.

Sinusumpa ko.

--

Makalipas ang ilang araw, naisipan na ni Ate na bumalik sa Pilipinas.

Miss nya na daw kasi si Kuya Gino.

Dun sa plano kong iganti si Nico, ako lang ang nakaka-alam nun.

Hindi nila pwedeng malaman yun kasi alam kong pipigilan nila ko.

Walang makakapigil sa mga plano ko.

Pag dating na pagdating namin sa Pilipinas, uumpisahan ko na.

Sisiguarduhin kong hndi malalaman ni Bree na wala na si Nico.

Pagbabayaran nya ang sakit na dinulot nya sa pinsan ko.

Makikita nya.

--

*Philippine Airport

“Meeka! I missed you! How was your trip? Condolence by the way.” – Kuya Gino

“It was quite okay Hun. It’s just that we’re still shocked about what happened.” – Ate

“Uhmm. Kuya Gino, alam ba ni Bree yung nangyare?” Tanong ko sa kanya.

Hindi pwedeng malaman ni Bree yun.

“No Kayzer. Ano naman involvement ni Bree sa pinsan nyo?” Naguguluhang tanong ni Kuya Gino

“Kuya, you cousin is Nico’s ex-girlfriend. Hindi pwedeng malaman ni Bree na wala na si Nico kasi baka hndi nya kayanin yung sobrang sakit.” Pagkumbinsi ko sa kanya.

“Ganun ba? Then we wont tell Bree! I wont even tell it to Elise. Sa ating tatlo lang yun.” – Kuya Gino

“Aasahan ko po iya kuya Gino ha?”

“Oo Kayzer. Maasahan mo.” – Kuya Gino

 Pagkagaling namin sa airport, dumiretso agad kami sa bahay para mag pahinga.

Si Ate Meeka, lilipat na sa dorm nya bukas.

Mag-isa na lng ako dito sa bahay.

Mas mapapadali ang plano ko.

Walang makiki-alam sa kin.

Since gabi na kami dumating, hindi na ko nakapag-pakita kay Bree.

Hindi pa rin ako handang makita sya.

Ang hirap isipin na kaibigan ko ang dahilan kung bakit naging suicidal ang pinsan ko.

According sa police report kung bakit na-aksidente si Nico ay dahil natanggal ang isang gulong ng skateboard nya.

Kinausap namin yung kasama ni Nico sa bahay at dun namin nalaman na niluwagan ni Nico yung turnilyo ng skateboard nya ilang araw mula nung sinulat nya ung suicidal note.

Nakita daw nya na nag-aayos ng skateboard si Nico.

Akala nya ay inaayos nya lang ito, ayun pala ay niluwagan nya ang turnilyo para maaksidente sya at mamatay.

Ginawa ng pinsan ko yun dahil sobrang nasaktan sya sa pag-alis ni Bree.

--

Ilang araw na rin kaming nandito sa Pilipinas pero hindi pa kami nag kikita ni Bree.

Hindi kasi ako lumalabas ng bahay.

Hindi pa siguro nya alam na nandito na ko.

Ngayon ang araw ng early orientation sa school para sa mga class A students.

Included kami ni Bree sa listahan ng mga students nay un.

Ngayon ko na uumpisahan ang plano ko.

Pag kakain ko ng almusal, agad akong naligo.

Nag bihis ng magandang damit at lumabas ng bahay.

Pumunta ko sa bahay nila Bree.

--

“Bree!” Masiglang bati ko sa kanya.

Kunwari ay walang nangyare at wala akong plano.

“Yzer! Kelan ka pa bumalik? Grabe! Ang tagal mo dun ah!” – Bree

“Nung isang araw pa ko dito. Marami lang akong inasikaso kaya hindi ako nakapagpakita agad sayo.”

“Ah ganun ba? Kamusta naman ang trip to London nyo? Nag-enjoy ka ba?” – Bree

“Oo. Nag-enjoy ako. Pasensya na nga pala at wala akong nabiling pasalubong ah. Nagkaproblema kasi kami dun eh.”

“Okay lang yun. Bakit ka nga pala nandito?” – Bree

“Mamaya na yung early orientation natin diba? Gusto ko sana sabay na tayo pumunta ng school kung okay lang sayo?”

Alam kong papayaga ka!

Sabay tayong pupunta sa school at uumpisahan ko na ang paghihiganti ko.

“Sige. Sabay tayo. Walang problema sa kin yun.” – Bree

“Okay! Good! See you later!”

Umuwi na ko sa bahay.

Medyo mainit ang dugo ko.

Naiinis ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari kay Nico.

--

AN: Reaction nyo sa update na to? Comments? Votes? Thank youuuuu!

CHECK THE MULTIMEDIA BOX! :))))  Picture ni Miss Awtor sa London kasama ang gwapong magpinsan na sina Yzer at Nico! :))

Nag kita po kaming tatlo sa London! HAHA! XD Nandun din ako nung burol at libing ni Nico! :((( Umiyak nga ako eh! Ang lungkot! Crush ko pa naman sya! -_-

Loveyouuuu Gais! :))

XOXO

AwtorSuperCiiBii 

Even If I cry A Thousand TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon