Chapter Nine: A Shocking Moment

61 4 4
                                    

Sorry guys, there was a mistake. Nauna ko na-post yung Chapter 10 kesa sa Chapter 9. Sorry, windang lang ako these past few days.  Pakibasa na lang poi to para hindi kayo malito…Again, Mian hae yo! L

CHAPTER 9

TITLE: A SHOCKING MOMENT

“Amet’s POV”

Hirap na hirap akong bumangon ngayong umaga.

Sino ba naman ang matutuwang pumasok kung alam mong may kaparusahang naghihintay sayo sa pagpasok mo.

Haaay! Ipalapa ko na lang kaya kay Lucky, ang bulldog ng kapit-bahay namin, yung tipaklong na Tyler na yon?

Waaaaaahhhhhhhhhhhhh! Anu ba ang dapat kong gawin? Paano ba ko makakatakas sa ungas na yun?..One thing is for sure, I can’t cut classes. Hello! Paano na pagiging DL ko di ba? (Dean’s Lister)

Hmmm…… Bahala na si Batman at Wonder woman. Sila na dumukot sa bush na yun.

***SPC***

Dahil nga sa deal na napasukan ko kahapon, hindi ako mapakali. Feeling ko laging nasa paligid lang yung kumag na Daredevil na yun and any moment ay guguluhin na niya ang mundo ko. Anu na lang ang sasabihin ko sa mga fellas ko?

Napansin nilang lahat ang pagkabalisa ko. Dahil hindi pa ko komportableng magkwento sa kanila eh minabuti ko na lang na magsinungaling at mag-alibi na kesyo hindi naging maayos ang pagtulog ko ng dahil kay Lucky. (Kawawang bull-dog, nasisi ng di oras.)

Ngunit, uwian na ay walang Tyler na nagparamdam sa akin buong araw which is sobrang pinagtakahan ko. Omo! Lokohan lang ba sa kanya yung nangyari kahapon?

Ang bwisit na yun! Pinag-alala ako at pinag-isip ng bonggang-bonggang solusyon ng  buong magdamag tapos joke niya lang pala yun? Kotongan ko siya eh.

Kainis ah! Sinusumpa ko talaga yun! GRRRRRRRRRRRR!

AY teka, teka!!!!

Bakit nga ba ako nagagalit? Eh di ba dapat mas masaya na ko dahil I’m totally free from his vengeance?

Tama! Magpapaparty ako! Yahooooooooo!

I love my freedom!!!

Dahil sa sobrang saya ko at ngiting-ngiti ako, nabatukan tuloy ako ni Lei.

“Araykups!” habang hawak ko ang ulo ko. Medyo napalakas kasi ito.

“Hoy! Amethyst Louise, nasisiraan ka na ba ng bait? Anung ngini-ngiti mo diyan mag-isa? Pwede ba, dehins ko type ang magkaroon ng crazy fella ahh.”

“Ang OA mo naman! Para masaya lang eh. Bawal ba yun? Saka na-stress kasi ako kahapon. It’s time to indulge myself. Paki mo ba?” nasaktan man ako ay ok lang. Isa pa sanay na naman ako diyan kay Lei. Ganyan talaga yan magmahal ng mga kaibigan niya, nananakit!. Amppfffff!

Few days had passed pero walang Tyler ang uma-appear sa harap ko ni anino niya di ko nasa-sight kaya naman kampanteng-kampante na ko at wala nang dapat pang alalahanin. Kaya naman nang magyayaya ang fellas ng Friday night out ay sumige ako, isa pa mamaya ko na ikukwento sa kanila yung pangit na nangyari sa akin nung Monday. Wala ng dahilan pa para kabahan or itago pa ito sa kanila. Baka nga pagtawanan pa ko ng mga iyon.

Pero hindi na mahalaga pa iyon, basta ang importante ay magbunyi sa aking kalayaan! Rejoice, Amet!

Woooooooooooooohhhhhhhhhhhhh! Parang nanalo lang sa Lotto ang peg ko ah.. LOLs! XD

My Obnoxious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon