Chapter Twelve :The Evil Plan

59 6 2
                                    

CHAPTER 12

TITLE: THE EVIL PLAN

“Tyler’s POV”

Pinalo niya ako ng mahina sa balikat at umalis siya sa pagkakayakap ko.

“Eh kasi naman, anu bang klaseng lugar itong pinagdalhan mo sa akin?” mukhang kalmado na naman siya

“Aha! Kaya pala…” Natatawang sabi ko. Hinarap ko siya, ngumiti at nagsalita…”Welcome to Daredevil Buddies’ Crib.”

Mukhang naguguluhan na siya kaya naman inaya ko na siyang pumasok sa loob.

Ikalawang beses na akong pinapamangha nitong babaeng ito ngayong araw. Una, dahil sa suot niya. Siya lang ata sa dinami-dami ng babaeng nakasama ko na nagsuot ng shirt and pants lang with no make-up at all, just natural beauty, very simple yet attractive unlike my other dates na kuntodo dress at make-up pa. Ikalawa, umiyak siya ng inakala niyang may gagawin akong masama sa kanya. Samantalang yung iba sila pa nag-iinitiate ng ganung bagay.

Kakaiba talaga siya, yun lang ang masasabi ko. She isn’t ordinary. She deserves my respect.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa tunnel-like design ng DBC.

Nabuo ang DBC (Daredevil buddies Crib) ng mabuo ang grupo namin 7 years ago. Ito ang dating bar na pagmamay-ari nila Tristan. Ipinamana na sa kanya ito ng daddy niya ng mag-13 years old siya. Sa halip na ipagpatuloy ang pamamahala dito, ginawa na lang niya itong hide out ng barkada.

Dito kami nagsasaya at tumatambay. Kapag wala kaming magawa, ang DBC ang takbuhan namin.

It’s not a typical two-storey bar-type crib. It’s special kasi artistic ang pagkakagawa nito, personalized ang dating. Isa si Hero sa mga nag-design ng DBC. Remember Art genius nga siya?!

Before ka makapasok sa loob, dadaan ka muna sa isang medyo may kadiliman na tunnel, which is malayong-malayo sa hitsura ng loob nito. Kung sa labas ay madilim, sa loob naman ay makulay. Andun ang iba’t ibang paboritong kulay ng DBC members. At kami lang namang pito ang members nito.

Kahit pa umalis si Tristan, nakakapasok kami dito sapagkat ang bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang susi nito. Anytime we want, we can get in here.

Walang sinumang nakakapasok dito ng basta-basta ng walang pahintulot mula sa aming dalawa ni Tristan.

Sa totoo lang, ikalawa pa lang si Amet sa mga DBC non-member na nakapasok dito. Maski nga mga girlfriends namin, whether it’s present or past, ay hindi naman pinapapunta dito.  It’s our sacred refuge that we value so much.

Nang makapasok na kami sa loob, nakita ko ang hitsura ni Amethyst.

Manghang-mangha siya sa disenyo ng lugar na ito. Kabaligtaran ng reaksyon niya kanina.

Nakakatawang isipin na kanina lang eh umiyak siya sa sobrang takot sa lugar na ito, ngayon naman ay halos lumuwa ang mga mata niya sa sobrang paghanga. Weirdo din itong babaeng ito eh. Hahaha!

“Nagustuhan mo ba?” nakangiting tanong ka sa kanya. Tumango-tango siya ng hindi man lang lumingon sa akin. Halatang pinagmamasdan niyang mabuti ang mga kakaibang disenyo ng lugar.

Nakangiting tinitigan ko siya. Ang cute talaga ng babaeng ito! Pwede ko kaya hawakan ang dimples niya? Ay! Loko anu ba itong iniisip ko. Baka matakot ko na naman siya.

My Obnoxious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon